CHAPTER 13

3.7K 75 10
                                    

Note: last chapter before Epilogue :))

Travis' POV

Tatlong araw. Tatlong araw na walang Sabrina sa buhay ko. Tatlong araw ko na siyang hinihintay sa isla na to.

Ayokong umalis, dahil dito naman niya ko babalikan diba? Hindi naman siya aalis kung hindi siya babalik diba?

Alam ko may dahilan ang pag alis niya.

Kung ano man yon, hindi ko alam.

O baka alam ko na...ayoko lang tanggapin.

Napapikit na naman ako kasama ng luha ko sa mata. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung hihintayin ba siya o hahanapin. Natatakot din ako sa pwedeng mangyari, kung hanapin ko ba siya tapos pag nagkita kami, ipagtabuyan niya ko. Hindi naman siya aalis ng ganun lang kung gusto niya kong makita diba? O kung may problema man siya, alam ko namang sasabihin niya sakin yun.

Nakikita mo ba to, Sabrina? Grabe. Binago mo ko. Ibang iba na ko. Dahil sayo, natuto ako maghintay. Dahil sayo ganto ako. Kaya please, bumalik ka na sakin.

Tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko ang caller. Binabalewala ko lang kung hindi naman si Sab ang tatawag. Kung tungkol lang sa kompanya, I trust Kathrina. She can handle that.

Hindi pa rin tumitigil ang tunog kaya sinagot ko na. It was kuya.

"Kuya."

"Hoy gago! Balak mo bang magtago jan ha? Aba! May kompanya ka dito, hoy! At iritang irita na ko sa Kathrina na ilang araw na akong binubulabog sa bahay ko!  Hinahanap ka saki--"

"Kuya." Hinilot ko ang noo ko. "Pakisabi, siya na muna. Hinihintay ko ang asawa ko."

"Bakit? San daw siya pumunta?"

"E-ewan."

"Ano?? Hoy gago, bumabalik ka ba sa dati--"

"What? No! Tsk, never!"

"Eh nasan nga ang asawa mo!"

"Malay ko nga!"

"Tuleg ka pala eh! Nasan ka ba nang mabatukan na kita!  Eh bat di mo hanapin?"

"Hindi naman siya aalis kung wala lang. I'm sure...may dahilan." 

Rinig ko ang buntong hininga ni kuya. "Tss. Nandito ang asawa mo."

Napatayo ako. "Ano?"

"Nandito nga sa bahay ko! Nung tinanong ko nga kung bakit ang sabi niya basta. Ano, pupunta ka ba?"

"Pupunta!-- g-gusto niya ba kong...makita?"

"Malay ko."

"Ano? Di mo manlang tinanong!"

"Edi itatanong ko--"

"Wag na!" Bumuntong hininga ako. "Pabalik na ko."

Hinanap pa sakin, nanjan naman pala.


Sabrina's POV

I remember everything now. Lahat. Walang lumampas ni isang katiting na detalye.

Ultimo bawat salita na lumabas sa bibig ko nung gabing nawala na sakin ang anak ko.

Tanga ba talaga ko? As in T-A-N-G-A?

Kasi kahit tandang tanda ko na ang lahat, ang masakit na nakaraan, naniniwala pa rin ako sa mga sinabi ni Travis. Sa mga pinapakita niya ngayon.

Alam ko... alam ko hindi na siya yung Travis noon. Ramdam ko naman yun eh. Kaya lang...gusto ko munang mapag-isa.

Well, di naman talaga ako mag-isa. Weird ba? Kay Kuya Tyrus ako tumakbo. Feeling ko kasi, siya pa rin yung kuya ko. Yung mahilig awayin si Travis sa tuwing iniinis ako.

Bigla akong nakaramdam ng yakap mula sa likod. Hindi ako makagalaw sa bilis ng tibok ng puso ko. Kilala ko ang yakap na to.

"T-travis?"

Lalong humigpit ang yakap niya sakin. "Please...wag mo na ulit gagawin yun. Huwag mo na ko iiwan ulit."

Napatakip nalang ako ng bibig ko para mapigilan ang emosyon ko. Nawala yung sakit at galit na naramdaman ko nung gabing naalala ko na ang lahat. Pero bumalik sakin..

Bumalik sakin yung malungkot na mga mata niya habang nakaupo at pinaglalaruan ang wine glass, sa surprise date yun.

Hinihila na ko ng puso kong tumakbo at yakapin siya nun, pero masakit eh. Hindi ko alam kung galit ba ko nun dahil naglihim siya o dahil sa nakaraan namin.

"Sab, please say something.." Bulong niya.

Huminga ako ng malalim. "Why?" Tsaka ko siya hinarap. "Bakit mo tinago sakin? Ang lahat?"

Bumagsak ng tuluyan ang luha sa mata niya tsaka natitigilang napatitig sakin."N-nakakaalala ka na?" Hindi ako sumagot pero pinaramdaman ko sakanyang oo.  "Kaya ba..kaya ba..h-hindi ka..p-pumunta--"

"I'M ASKING YOU WHY!"

"Because I'm scared!"  Agad na sagot niya habang Tuloy tuloy ang luha. "I'm damn scared, Sabrina! Takot akong maalala mo yung asawa mong walang puso! Takot akong maala mo yung dahilan kung bakit..bakit nawala yung anak natin! Kasi ako ang dahilan! I'm fucking scared to lose you, Sab. I'm..I'm sorry." Napaluhod siya ng tuluyan habang ako tulala.

Hindi ko alam kung meron bang sariling isip ang katawan ko ng lumuhod ako sakanya at hinawakan siya sa mukha. Nakatitig lang ako sa mga mata niyang lumuluha. Ewan ko, pero niyakap ko pa rin siya.

Tinanggap ko pa rin siya.




Travis' POV

Naramdaman ko ang yakap niya sakin pagtapos niya kong titigan. Hah! Naguguluhan ako..

"W-what are you doing?" Naguguluhang tanong ko tsaka napailing. "You should be...you should be hating me by now. You should be running away from me by now, you should be...you should be leaving me alone by now.."

Humigpit ang yakap niya sakin. "Oo. Oo, yun dapat. Pero...pero hindi yun ang gusto ko." Hinawakan niya na naman ang mukha ko at tinitigan ang mga mata ko sa paraang ako lang ang mundo niya. "Ang gusto ko ay bumalik sayo. Ang gusto ko ay makasama ka pa. Ang gusto ko ay patawarin ka.
Ang gusto ko...ang gusto ko ay gumising araw-araw kasama ka. Just like our vows.." ngumiti siya kahit na lumuluha. "To love and to cherish, from this day forward, In this world and the next." 

Damn it.

This girl? Don't dare take her away from me, I'll hunt you forever.

Hold OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon