EPILOGUE

4.4K 97 33
                                    


Note: epilogue na :)



Sabrina's POV

Kanina pa katok ng katok si Kathrina sa dressing room ko pero hindi ko siya pinagbubuksan. Bahala sila! Kasal ko ngayon at medyo nacu-cute-an nga ko sa simpleng ayos ko kasi hihi buntis ako pero ayoko pa rin!

"Sab!! Lumabas ka na nga dyan! Nakakahiya! Late na tayo! Baka ako naman mabugbug ng asawa mo niyan!"

"Ayoko! Pakisabi, Hindi na ko magpapakasal!"

Lalong nagwala si Kathrina sa labas, nakisali na rin si Kuya Tyrus.

"Hoy babae! Puro ka katok! May susi oh!"

"Eh meron ka pala bat di mo pa nilabas kanina?!"

"Malay ko bang hindi mo maiisip yon! Puro bunganga ang ginagamit buti sana kung mabuksan niyan ang pinto eh."

"Aba puta ka pala--"

Nabuksan niya ang pinto at pareho silang tinignan ako ng masama. Tinago ko ang Buko na iniinom ko. Huwag nilang sabihin kukunin nila to?!

"Hoy, buntis. Lumabas ka na. Nagwawala na ata ang asawa mo don sa simbahan." Simpleng sabi ni kuya Tyrus.

"Eh kasal naman na kami ah! Mag asawa na nga kami! Wag na kaming ikasal! Tsaka tignan niyo nga?! Buntis ako at kabwunan ko pa! Ayoko! Baka lumabas pa mga babies ko."

"Jusko bakit ba kambal pa ang anak niyo! Sobra topak niting buntis na to!" Frustrated na sabi ni Kathrina.

Biglang tumunog ang cellphone ni Kathrina and it was Travis.

"Oh???...Ayaw nga eh!....Aba eh bakit sakin ka nagagalit ako ba buntis dito?!....psh! Sabrina kakausapin ka daw!"

"Hello??"

"Sab? Hey, asawa ko...pumunta ka na dito. Everyone's waiting for you."

"Ayoko na! Ang laki na kaya ng tyan ko! Tapos makikita nila? Ayoko! Gusto ko maganda ko sa kasal ko!"

"Sino bang papakasalan mo? Sila o ako? Hey, for me you're always enthralling. Kahit tumaba ka pa you're still the most beautiful for me. Okay na ba, asawa ko?"

Napangiti ako. "HINDI PA!"

"W-why?!"

"Di pa ubos buko ko e."

Tumawa lang si Travis. Inubos ko ang buko at hanggang sa kotse nag telebabad kami ni Travis. Hindi ko pinatay ang tawag hanggang sa makarating na kami sa simbahan.
Nasa kotse pa lang kami ni kuya Tyrus at Kathrina, nagsimula na naman sila.

"Ang pangit mo na nga, nakasimangot ka pa." Sabi ni Kuya Tyrus kay Kathrina.

Napaatras ako ng nakatingin pala sakin ng masama si Kathrina. "Ito kasing buntis na to eh! Kung makipag chikahan sa asawa kala mo sakanya yung phone! Ikaw nagbabayad ng load, ikaw?!"

Wala pa ring pinagbago. Naging magkaibigan at lahat na kami, wala pa ring preno ang bibig.

Nasa tapat na ko ng Simbahan ngayon. Hinihintay matapos ang entourage ng mga abay namin. Ilang sandali nalang, makikita ko na naman si Travis, na naghihintay sa altar, sa pangalawang pagkakataong ikakasal kami.

Isang taon lang ang lumipas simula nang maalala ko ang lahat pero sobrang daming magagandang alaala agad ang nasakin.

Tandang tanda ko pang pagkatapos ng drama namin ni Travis sa bahay ni Kuya Tyrus ay nawalan ako ng malay. Nalaman ko nalang na buntis pala ko.

Tandang tanda ko pa kung pano naging todo maalaga si Travis dahil ayaw niya nang maulit pa noon ang nangyari. Yung saya niya nang malaman niyang kambal ang magiging anak namin.

Hold OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon