Mukha naman akong stalker nito eh -____-! Pati ba naman computer shop! Sigurado, kaylangan ko ng masanay ngayon na lagi akong nandito. Amoy dota, mukhang dota! Dapat pinapasara na to eh!
Pumasok na ako sa magulo nilang mundo. Letse! Ang ingay naman. Kung dati, mga lima lang yung nagdodota, ngayon sampu na. Ano ba yan!
Agad hinanap ng paningin ko si Victor Santiago. At huli! Petiks petiks lang syang nakaupo dun sa number 13.
"Psst."
"Victor."
"Oy!"
Kinulbit ko ang balikat nya. At nung humarap sya..
*____*
Nakakatakot itsura nya bes! Para syang mangangain!
"Bakit?!" Halata sa boses nya ang pagka irita.
"A-ano. Sabi ni Ma'am, pumasok ka daw sa Christmas party. Y-yon lang."
Bakit ako nauutal? Eeh! Bakit kasi ganyan sya makatingin!"Geh."
Yun lang ang sinabi nya at bumalik na sa pagko computer. Heh! Bahala ka sa buhay mo!
*
"Uy! Julia! Ano yang regalo mo?" Tanong agad sakin ni Angela.
Christmas party, kaya may exchange gift. Yun lang naman ang habol ko dito eh.
"Secret." Sagot ko.
Ilang saglit pa at dumating na yung teacher namin. Nag umpisa na syang bumanggit ng pangalan.. at second to the last pa ako.
"Dali Julia! Ano yan?" Pangungulit ni Angela.
Parang ang bongga naman nito. Nakakahon pa eh.
1, 2, 3!
-_____- - Ako
^____^- Angela
"Scarf?"
Talaga? Tatlong panyo? Panyo nanaman? Ano ba to?! Wala na ba syang alam na iba pang regalo?
"Wow! Tatlong scarf! Ang swerte mo naman Julia!"
Tsss. Di ko na lang sya pinansin at nilagay na sa bag ko yung scarf. Ang ganda nung regalo ko eh! Dapat di ko na lang pinang exchange gift ~____~
"Julia?"
"Po?"
"May isa pang regalo, and I guess it's for you.."
Akin? Yiee~ Agad akong lumapit at kinuha yung isa pang regalo. Yung mga kaklase ko, nagtataka at nagsasabing "madaya! Bat dalawa yung kanya!" Pero syempre, dedma aketch!
Agad kong binuksan yung regalo at..
-____-
PICTURE FRAME?! Ano ba yan! Nauubusan na nga yata ng pangregalo ang bansa!
"Wow. Picture frame? Ganda ah?" Komento ni Angela. Konting konti na lang talaga, ibibigti ko na tong isang to. Pakilamera eh!
Pero laking gulat ko nung nakita ko yung picture ko. Na nasa picture frame na. Yung picture, naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Infairness, ang ganda ng kuha. Nagkataon kasing hinahangin ang buhok ko.
Wait, kanino kaya galing to? Bat walang nakalagay?
Pero may note..
Hi Julia! Merry Christmas :)
Kanino kaya galing to?
Teka.. Nasaan nanaman si Vic? Sabi ko pumunta sya ngayon ah?!
"Ms. Gaston?"
Ayan nanaman! Pag talaga ako napagalitan ni maam! Humanda ka sakin Vic!