Chapter 6

1.3K 19 1
                                    

Day went by like a blur. Mabilis lang na natatapos ang araw ko. Sa umaga, maliligo, kakain, magsusulat at makikinig. Ganun na lang ang lahat. Malapit na rin ang bakasyon, kaya marami ng requirements ang mga ginagawa.

Si Vic? Himala. Napasok na sya. Kahit hindi madalas, atleast napasok pa rin. Sinama na nya sa priority nya ang pag aaral.
Good for us. Brighter na ang future namin.

Wait.. WHAT? Anong future namin? Naisip ko ba talaga yun?

Oo. Iniisip mo pa nga rin ngayon, eh.

No! No way! Wala kaming future wala talaga! Urrghh!

"See you tomorrow." Paalam nung last teacher namin.

Diba? Sobrang dali lang matapos ng araw ko.

Inaayos ko na ang gamit ko nung biglang nalaglag yung red na jacket ni Vic.

Hindi ko pa rin yun nababalik, last last last week pa yata. Nakakahiya naman kasi. Parang kapag lalapit ako sa kanya, napapaatras na lang ulit ako. Nakakahiya eh.

Pagpulot ko, napadako ang paningin ko sa kanya. Nakatayo na sya at paalis na rin.

Ibalik mo na. Hindi ka na nahiya. Ang tagal na nyan sayo.

Oo nga eto na! Tsss.

"Hi Vic! May partner ka na sa prom?"

Tss. Badtrip tong Mika na to! Napaka bad timing. Kaya eto, paatras nanaman ako. Ayun na eh. Palapit na ako!

Wait.. Prom?

Lumapit ako ng konti para makinig sa usapan nila. Nakakainis. Ganon na ba sila ka close ni Mika? Bali balita lang naman na lagi silang magkachat ah! Chismis lang. Hindi sure kung totoo ba.

"Wala pa. Hindi ako aatend." Matabang na sagot ni Vic.

See? Di sila close! HAHAHA!

"Huh? Bakit naman di ka aattend? Sayang naman! Hihihi!" Maarteng sabi ni Mika. May paghampas hampas pa sa balikat. Nasasaktan kaya si Vic!

"Tinatamad ako." Sagot ni Vic.

Kung hindi sya aattend, edi di na rin ako aattend!

At bakit?

Kasi...?

Tinatamad din ako!

"Attend kana! Sayang naman. Besides, wala rin kasi akong partner. Gusto mo... tayo na lang?"

Nakakainit ng dugo! Shutanginames! Bakit ba ang landi nito? Double meaning eh!

"Ayaw nga diba, edi wag pilitin."

Wrong move Julia! Pabulong lang dapat yun eh! Pabulong! Hindi ko yun sinasadya!

Napatingin naman silang dalawa sakin. Si Mika, nakataas ang isang kilay. Si Vic..

Tingin na.... ano nga ba? Parang wala lang eh, expressionless.

"Sinong kausap mo?" Mataray na sabi ni Mika. Tsss. Walang sense of humor.

"Wala. Sarili ko lang. Bye!"
Agad akong kumaripas ng takbo. Nakakainis. Hindi man lang nila napansin na nandun ako. Landian lang talaga!

**

"TABIII! DADAAN ANG MAGANDA!"

Para na akong nagmamarathon sa bilis ng takbo ko. Di ko na to keri! Masyadong mabilis ang oras. Akala ko ba naman kasi, 7:30 palang. Yun pala 8:30 na. Itatapon ko na talaga yung orasan na yun!


"TABI!"

Halos lahat ng dadaanan ko naiwas. Ganun talaga pag maganda. Hahahaha!


"JULIA YUNG BOOK KO DALA MO?" Sigaw ni Ela na taga kabilang section. Ano ba yan. Agang aga.

Tumigil ako ng konti para makita sya.

"OO! Mamaya ko ibabalik." Sagot ko at tatakbo na sana ulit ng..


"ARAY!/ OUCH!"

Napabangga ako sa isang matipunong lalaki. Oo matipuno. Ang tigas ng dibdib eh.


Sa sobrang lakas ng pagkakabangga ko sa kanya, napaupo na ako sa lupa. Huhuhu! Ang dumi na ng palda ko.

Isa isa kong pinulot yung gamit ko. Mga bolpen at notebook na nagkalat lang naman yun.


Nagulat na lang ako ng may nakita akong kamay na natulong sa akin sa pagpupulot. Oo as in kamay lang. Walang katawan. Chaar!


Tumingala ako para makita kung sino ba sya...



Napalunok ako ng laway. Juicecolored! Ganto pala ang itsura nya kapag sobrang lapit na? Halos matulala na ako sa kagwapuhan nya. Mapapasign of the cross ka talaga.


"V-vic.. Thank y-you." Kandauutal na sagot ko. Ewan ko ba, bakit kapag nasa harap ko sya  kinakabahan na ako at nauutal na. Bakit ganon?!


Ngumiti lang sya ng tipid at iniabot sakin yung mga notebook ko. Teka.. diba may klase? Bakit nandito sya? Iniintay nya ba ako?

Alam nya bang malelate ako kaya nandito sya? Ako ba ang sadya nya? O sadyang pinagbangga lang kami..

Ano nga bang tawag dun?

Destiny? :">



"Julia, recess na. Tara na kumain?" Tanong sakin ni Angela.

Ha? Recess na?

Lumingon ako sa direksyon ni Vic.. at nasa canteen sya.

Wala palang destiny.

**

Short chapter. Lahat naman. HAHAHA! Last 5 or 3 chappy? Idunno! Bahala na. :')

Dota O Ako? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon