"Baby ang bigat naman ng bag mo. Ano bang laman nito? Bato?" Yan lang ang paulit ulit na tanong sakin ni Vic. Isang taon at mahigit na nyang ginagawa yan, hindi pa rin sya nasanay?
"Edi akin na. Wag mo na akong ihatid. Umuwi kana sa inyo." Pagtataray ko.
"Joke lang baby! Eto naman dina mabiro." Ngiting ngiti ang loko. Muntanga sya bes~
Pasimple nya namang kinuha yung kamay ko at nilock yun sa kamay nya.
Eto pa rin yung kuryente na nararamdaman ko kapag kasama ko sya. Hindi nawawala. Walang kakupas kupas.
"Baby ang ganda mo." Sabi nya pa ulit.
Alam ko namang maganda ako eh, oo. Ang ganda ko talaga. Pero kapag galing kay Vic, feeling ko walang ka echosan.
"Alam ko."
"Kaya mahal na mahal kita eh!"
Si Vic? Sya yung tipo ng boyfriend na napaka vocal. Kapag may gusto syang sabihin, sinasabi nya agad. Ayaw nya daw na may itinatago eh. Edi sige.
"Paano kapag pangit na ako? Di mo na ako mahal?" Seryoso kong tanong.
Ayoko kasi sa mga lovestory na 'fairytail ending' gusto ko ng lovestory na walang ending.
"Ano bang tanong yan baby? Syempre mahal pa rin kita. Wala namang magbabago eh. Kahit maubusan kapa ng ngipin at mangulubot pa yang balat mo, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko."
Pucha ka Victor! Yung kilig ko parang hindi ko na maitatago eh. Nakakaumay naman kasi kapag harap harapan kong sinasabi na kinikilig ako eh.
"Mahal na mahal kita Julia. Kahit pumangit kapa. Hindi magbabago yung nararamdaman ko para sayo." Seryoso nyang sabi.
Naramdaman ko na lang na lumapat na sa noo ko yung labi nya.
Kiss sa lips? Nope.
Sabi nya sakin dati, hahalikan nya lang ako sa labi kapag nasa harap na kami ng altar at nagsabi na ng "I do."
At sa simpleng bagay na yun, ramdam na ramdam ko na na nirerespeto nya ako. :)
--
Kanina pa ako dito sa may tapat ng school. Nakakainis si Vic. Sabi nya intayin ko daw sya. Eh 7:45 na eh! Isat kalahating oras na akong nagiintay. Pero nasaan na ba?! Kinakabahan na ako dito eh! Nilalamig na rin ako
Hanggang sa may mga dumaan na sa harap ko na mga solvent boys ata yun. Basta mukhang mga nakadrugs na jejemon. Geez. Parang nanlamig ako dun.
"Uy pare, chix oh!" Sabi nung isa.
Napayakap na lang ako sa sarili ko. Jeske. Kinakabahan na ako. Tatakbo na ba ako?
"Tara pre, lapitan natin."
Shit na dis. Ayoko na. Tatakbo na talaga ako.
Agad akong kumaripas ng takbo pero hinabol nila ako. Puta! Si Vic naman kasi eh! Nasan naba yon?
"Huli ka!"
Hinawakan ako nung isa sa may braso.
"Ano ba?! Bitawan moko!" Sigaw ko.
"At bakit kita bibitawan? Mukhang.. mukhang pwede ka ah."
Wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak. Shit kasi. Ang lakas ng pagkakahawak nya sa braso ko. Tapos pulang pula pa yung mga mata nya. Parang nakadrugs.. Tapos... yung tingin nya parang nangmamanyak. Shet!
Lord. Help me po.
"Dalhin natin dun pre!" Sabi nung isa. Ano ba naman kasing lugar to? Bat walang katao tao?
"Shet! Ano bang gagawin nyo sakin?!" Sigaw ko.
"Tumahimik ka babe. Mamake upan ka lang namin eh."
Yuck. Babe nyang mukha nya! Jejemon na nga nangbebabe pa!
"Puta ayoko!" Pilit akong nakawala sa kanila. Kahit alam kong mas malakas sila, pilit pa rin akong pumipiglas. Kinakabahan na ako. Pakiramdam ko may gagawing masama sakin tong mga to.
"Tumahimik ka nga!"
Sinikmuraan ako nung isa kaya nanghina ako. Tangina! Ang sakit! Ngayon lang ako nasikmuraan sa talang buhay ko.
"P-please. Bitawan n-nyo na a-ako." Pagmamakaawa ko.
"Hindi pwede. Mamaya na."
"S-shit!!"
Inihiga nila ako dun sa isang lupa. Shet. Eto na ba? Re raypin naba ako? Tangina mo Victor! Nasaan kana ba?!
"Puta. P-please. T-tigilan nyo na ako."
"Hindi nga! PAG SINABING MAMAYA, MAMA--"
"JULIA?!"
Shet. Eto na. Thanks God! Thanks. Dumating na sya.
"Sino nanaman ba yun ha?!" Sigaw nung isa.
Lahat sila napatingin sa pinanggalingan ng boses. Andun. Nakatayo si Vic. Kasama yung mga kadota players nya.
Ligtas ako.
----
"Puta! Pre di ko na alam magagawa ko sa mga hayop na yun! Mapapatay ko yun!!"
"Vic naman, kalma pare."
"Kalma?! Paano ako kakalma?! Tangina! Muntik ng marape si Julia tapos kakalma ako? Puta! Makakapatay ako!"
"Ligtas na sya pre, naligtas mo. Naligtas natin."
"Tangina kasi. Bakit kasi pinagintay ko pa? Tangina. Kasalanan ko to eh!"
Yan ang mga naririnig ko kaya minulat ko na ang mga mata ko. Pamilyar ang lugar.. Parang.. parang.. parang BAHAY NAMIN.
"V-Vic."
Napatingin sya sakin at agad akong nilapitan at hinawakan ang mga kamay ko. Puno ng pagaalala ang mga mata nya.
"Baby, okay kana? May masakit ba sayo? May gusto kang kainin? Baby?" Sunod sunod nyang sabi.
Nginitian ko lang sya."Okay na." Sagot ko.
"Baby, sorry ah. Ako may kasalanan nito. Sana kasi di na kita pinagintay. Sana kasi di na lang ako nagdota. Sana kasi---"
"Okay na nga diba?" Nakangiting sabi ko. Ang mahalaga, dumating sya. Dumating sya at nailigtas ako.
Pagtingin ko sa paligid, nandito pala ang buong tropa nya. Yung mga nagligtas sakin kanina.
"Baby. Nag alala ako. Hindi ko na alam magagawa ko kanina. Akala ko may nangyari nang masama sayo. Di ko kakayanin baby."
Napangiti na lang ako. Bakit ba sobrang swerte ko? Sobrang swerte ko kasi sa mga taong nakapaligid sakin. Sa mga nagmamahal at minamahal ko.
"I love you." Nakangiti kong sabi.
"Mas mahal na mahal kita." Sagot nya at hinalikan ang noo ko.
Sabi nya sakin noon, prinsesa nya daw ako. Pero tumanggi ako. Ayokong maging prinsesa kasi ang prinsesa, laging nakadepende sa prinsipe. Palaging nakasandal sa prinsipe nya.
Pero kung isang simpleng babae lang ako, alam ko na keri ko. Hindi ko kaylangang dumipende. Ang kaylangan ko lang, isang tao na poprotekta sakin. Hindi sa lahat ng oras, pero kapag kaylangan ko. Yung knight in shining armor ko. At sa kalagayan ko,
Si Vic. Si Victor Santiago ang taga protekta ko.