Chapter 13

1K 24 1
                                    

"Ikaw ba talaga ang anak ko?"

Ang OA talaga ni mama. Parang hindi sya makapaniwala sa itsura ko ngayon. Grabe sya!

"Anak, ang ganda mo."

Iba talaga ang nagagawa ng make up. Wait. Hindi ba ako maganda dati?

"Ma naman! Naiiyak ka na oh!" Pagpuna ko kay mama. Grabe naman kasi. Nanggigilid na yung luha nya.

"Eh kasi naman anak eh! Dalaga kana oh!"

Pinagpagan pa ni mama yung dress ko. Anong meron? Promenade namin. Isang pangyayari na once in a lifetime mo lang maeexperience.

"Ma naman!"

Ano bayan. Pati ako naiiyak. Ngayon lang naman kami nagdrama ng ganito eh.

Niyakap ako ni mama at napansin kong nayugyog na yung balikat nya. Yung mama ko naman oh! Ang drama.

"Ma naman! Ang drama mo naman eh!"

"Eh kasi naman anak, sa susunod ikakasal kana. Nalaki na talaga ang panganay ko."

OA ni mama! Kasal agad? Hindi pa naman ako prepared dun no! High school pa lang ako oh.

"Ma naman! Matagal pa nga--"

"ATE ANDYAN NA SI KUYA!"

Sigaw ng bata kong kapatid. Tumingin ng makahulugan sakin si mama.

Pagbaba ko ng hagdan, isang gwapong gwapong lalaki ang nakita ko. Naka americana sya ngayon at nakapamulsa.

Pagbaba ko palang ng hagdan, kitang kita ko na agad yung malawak nyang ngiti. Yung ngiting alam mong hindi mo pagsasawaan.

"Vic.."

Tama. Si Vic. Pagkatapos ko kasing mabasa yung sa diary nya, tumakbo na ako papasok sa school. Nakakabakla nga eh, ako pa yung nakaalam na gusto nya ako. At dahil pa sa diary. Typical story, pero kapag pala sayo na nangyari, iba yung impact. Kakabahan na parang matatae ka na talaga.

"Vic ano to?" Iniharap ko sa kanya yung diary nya. Halatang nagulat sya at namamawis na ang noo.

"Nabasa mo?"

Tumango ako. Nag intay ako ng sasabihin nya pero ang tahimik nya.

"Ano?! Anong masasabi mo?!" Nagagalit na ako. Naiinis. Bakit ba ang tahimik nya? Ano, pagkatapos nyang malaman na alam ko, wala lang syang sasabihin? Nakakainis. Naasa ako eh. Putanginang naasa ako. Parang nagkakatotoo na nga yata yung sinabi ni Angela sakin.

'Gusto mo na sya.'

"Ano ba Vic! Wala ka bang sasabihin? Ano ba!" Tae. Wala na kong pake. Itutulak ko talaga to sa kanal na puro tae!

"Ano ba!"

"Victor!"

"GUSTO KITA."
Kahit alam ko na, hindi ko pa ring maiwasang hindi magulat. Tangina. Ayan na sinabi na nya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Napatigil ang lahat sa ginagawa nila at napatingin samin. Yung iba nagsasabi na, "ano daw?" "Totoo?". Pero paki ko ba?

Tiningnan ko ang mga mata nya. Puno ng emosyon. At, repleksyon ko na ang nakikita ko. Sobrang linaw.

"Gusto kita." Pag uulit nya pa.

Parang naubos yata ang boses ko. Letse naman.

"What?! Anong gusto?! Vic! Vic! Nahihibang kana--" Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Mika. Tinapon ko na sa kanya yung hawak kong bag na may isang notebook.

Dota O Ako? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon