Tapos na ang sembreak kaya eto! Pasok na ulit ako. Eto nanaman ang kakaharapin ko. Gigising nanaman ng maaga.
"I will group you into five, choose your groupmates."
Agad nagsitayuan yung mga kaklase ko at nagsipuntahan sa mga groupmates nila.
Ako? Eto. Magiintay na may tumawag.
"Julia dito kana! Kulang pa kami eh!" See?
Dun ako napapunta sa group ng mga nerdy. Ayos na rin to. Kesa wala.
"Hala, kulang pa tayo ng isa!" Nag aalalang sabi ni Racquel.
"Isa nalang diba? Wait. Magrerecruit ako." Sabi naman ni Shane.
Hanggang sa mahagip ng mga mata ko si Vic. Si Vic na natutulog nanaman sa upuan nya. Pagtingin ko sa paligid, lahat sila may mga kagroup na. Kaya pala kami kulang, tulog pa ang isa.
"Guys, si Vic na lang oh, wala pa syang ka group." Sabi nung isa.
"Oo nga. Oo nga! Sya na lang!" Excited na sabi nung bakla. Ang kire.
"Juls! Pakigising naman oh."
"Oo nga Juls, close ata kayo eh,"
"Juls ikaw na."
Bakit ba nila ako tinutulak dun?
"What? Di kaya kami close!"
"Dali naaa!"
O____O
*LUNOK LAWAY.
Sa pagpipilit nila, napatumba ako sa likod ni Vic. Ang tigas ng likod nya. Kala mo nagwowork out, eh puro dota lang naman ang alam.
Unti unti syang bumangon at kinusot ang mga mata.
Shems. Bat ang gwapp?
*LUNOK LAWAY.
Napalunok talaga ako nung tingnan nya ako. Hindi sya mukhang galit kasi nakatingin lang sya sakin. Hindi rin naman sya nagsasalita.. Dun ako nagkaroon ng chance para tingnan ang mga mata nya. Kulay ash brown na parang contacts. Nakakalunod yung mga tingin nya. Parang may something.
"Julia, sabihin mo na."
Buti na lang nagsalita na yung kaklase ko. Yun ang nagpabalik sakin sa realidad.
"V-vic, sa group ka na lang namin?" Alangan kong tanong.
Tinignan nya muna ako bago sya nagsalita.
"Sige." Ngumiti sya ng konti atsaka tumango.
Mukha syang mabait. Kasi kung sa ibang lalaki, baka namura na ako nyan dahil naistorbo ko ang tulog nya.
Pero sya? Hindi. Tumahimik lang.
Ano bang meron sayo Vic? May something eh.
**
"Oy bukas ha? May meeting tayo. Pagme-meetingan natin yung sa role play." Sabi ni Kyla. Yung leader namin.
Role play na ive-video. Exciting!
Inayos ko na ang gamit ko. Ang sakit sakit na nung puson ko. Urggh."Julia!"
Napatigil ako sa paglalakad nung may tumawag sakin. Kilala ko yun.
Dahan dahan akong humarap sa kanya.
"B-bakit?"
Unti unti syang lumapit. Alam mo yung para syang nasa movie? Yung leading actor na nagslo slowmo. Pakiramdam ko bumagal yung oras nung naglalakad sya palapit sakin.
"Julia.."
"H-ha?"
Unti unting lumalapit yung mukha nya sa pisngi ko. Shet! Hahalikan nya ba ako sa pisngi? Jusme! Hindi ako prepared! ~
"May.. may tagos ka." Bulong nya.
Alam mo yung tumigil ang mundo. Eto talaga yun eh. Eto na talaga. Hindi ko alam kung anong next move ang gagawin ko. Nakakahiya na nakakainis at the same time. Sana lamunin na lang ako ng lupa.
"H-ha?"
"Wait." Binaba nya yung bag nya at parang may kinukuha sya
"Gamitin mo muna."
Akala ko napkin yung ilalabas nya, jacket nya pala. Jacket na red.
Tinanggap ko yung jacket nya at nilagay ko sa bewang ko. Buti na lang talaga at dumating sya.
"Thank you.. Ibabalik ko na lang bukas."
Ngumiti lang sya ng tipid at umalis na. Umalis na nakapamulsa.
Victor Santiago and his famous matipid-smile. Ano bang something sayo? Wait. Nakalimutan ko pala. Dapat syang pumasok bukas!