Chapter 16

912 16 2
                                    

2 years.

Sobrang bilis ng panahon. Parang di ko na namamalayan na nadaan na pala ang mga araw. At sa pagdaan ng mga araw na yun.. Si Vic ang karamay ko.

Kahit mga high school palang kami, marami na kaming pinagdaanan. Napaka seloso kasi nyan eh ako, selosa lang. Walang 'napaka'.

Pero hindi eh. Hindi babae ang karibal ko ngayon..

Dota.

Minsan naiisip ko, bakit ba tuwang tuwa sila dun? Ano bang meron sa dotang yan na wala sa mga girlfriend nila? Minsan kasi, mas inuuna pa rin nila yun kesa sa mahal nila.

Nakakasakit. Kasi may mga oras na nawawalan na sila ng oras para sayo. Konting oras na nga lang ang ide demand ko, dota pa rin. Yun talaga yung pipiliin nya. Kesyo "Baby, sorry po ah. Ginabi na eh. Kain kana po ah?", "Baby, hindi na kita matetext. Gagabihin po ako eh. Iloveyou."

At dahil nga kinikilig ako, papalampasin ko na lang. Hahayaan ko na lang. Ganun naman palagi eh. May magagawa pa ba ako? Naalala ko nung nag away kami..

"Dota?! Nagdota ka kaya hindi moko napuntahan? Alam mo bang naghintay ako? Alam mo bang putanginang naghintay ako?!" Galit na galit na sabi ko. Sya yung nagyaya na pumunta dun sa lugar na yun. Pero hindi sya sumipot. Gaano kasakit yun?

"Sorry. Baby sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry." Patuloy lang sya sa paghingi ng sorry na yan. Galit na galit ako na pati luha ko natulo na.

"Ano pa bang magagawa ng sorry mo?! Nangyari na eh. Letseng dota yan Victor!" Malakas kong sabi. Nagtinginan lahat ng mga nagcocomputer samin. Paki ba nila?!

"Sorry baby. Sorry."

Wala na syang ibang alam na sasabihin kundi ang sorry. At alam ko ng wala ng patutunguhan ang usapan na to. Wala akong panama sa dota na yan.

"Kapag ba sinabi kong tigilan mo na yang dotang yan, titigil kana?"

Kahit alam kong masasaktan lang ako, tinanong ko pa rin. Ganun talaga eh, take the risks.

"Baby naman, buhay ko yun eh."

Kahit gaano pa kalambing yung pagkakasabi nya nasaktan pa rin ako. Buhay nya nga naman yun. Pero ako? Ano nga ba ako? Girlfriend lang naman ako eh.

Pero hindi ako bumitaw. Ayoko. Mahal ko sya at alam ko ring mahal nya rin ako. Simula nun, madalas na syang magbigay ng oras sakin. Oras lang naman ang kailangan ko eh. Di ko kaylangan ng mamahaling regalo. Atensyon at oras lang. Okay nako dun. Basta maparamdam nya lang kung gaano nya ako kamahal.

Sabi nila, masyado pa daw akong bata para sabihin na "forever na kami." Pero bakit ba. This is real love. Sabi nga sa commercial, real love sya when you feel it. At ramdam ko yun.

Araw araw, pakiramdam ko lalo lang akong nahuhulog sa kanya. His looks tho. Nakakainlove. Parang gusto kong lagi na lang syang yakapin. Nagce crave na ako sa kanya. Ginagawa ko ang lahat para maging stable ang feelings ko para sa kanya. Parang chemistry lang yan eh. Kung gusto mong ma attain ang stability, kailangan mong magshare at mag gain ng electrons mula sa mga metals at non metals. Parang kami ni Vic, ako yung metal at sya yung non metals. May bond sa amin para maging stable at masatisfy kami.

Shet napapa chemistry na ako. Saan ko ba natutunan yun? Hahaha.

Isa sya sa pinaka memorable na pangyayari sa pagiging highschool ko. Totoo nga, highschool life is the best. Madaming pagdadaanan. Madaming mararanasan. Pero ang importante, thru that consequences may natutunan ka. Nag go grow ka. Tulad ng kalandian ni Mika, dapat habang kinakaharap ko ang kalandian nya, dapat natututo ako kung paano sya tanggalan ng buhok.
Charot. Masama manakit. :'P

Dota O Ako? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon