Chapter 5

1.4K 21 3
                                    

"So yun, si Julia yung bidang babae, tapos si Vic boyfriend nya kunyari. Tapos, magkaka LQ kayo, tapos dun na papasok yung product natin." Paliwanag ni Kyla.

Kanina pa ako natetense. Hindi po ako sanay! Bakit kaylangan ako pa? Si Vic boyfriend ko?
Syempre, kahit naman role play lang to, hindi naman maiiwasan na maawkwardan ako kay Vic. Wala kasi syang pinapansin sa mga babae dito, madalas na kausap nya lang yung mga classmate kong nagdodota.

"So ano, start na natin i-shoot? Para madali tayong matapos."

Kasama namin ngayon si Vic. Swerte nga eh, kasama namin. Wala sya sa dotahan.

Isang commercial kuno yung gagawin namin. Sa group namin, commercial ng chocolate. Yung tipong kapag may LQ, solve agad. Bigyan mo lang ng chocolate na product kunyari namin.

"Uhm, Kyla pwedeng si Shane na lang? K-kung pwede lang naman." Awkward kasi talaga. Dead air.

"Ha? Hindi pwede. Ikaw na lang Juls. Bagay naman kayo eh."

"Eh. Dali na Kyla. Pleasseeee?"

"Ayaw mo ba?"

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Lumapit na samin si Vic.

"H-hindi naman. Ano kasi.."


Tss. Julia. Hindi nagana ang utak mo. Ganyan na yan! Stuck na palagi yan!

"Dalian na natin, magdodota pa ako eh."

Dota. Oo nga naman, yan ang priority nya sa buhay eh.

"Sige na nga."

---

Sa bench yung settings namin. Binabasa ko pa lang yung script, feeling ko pulang pula na yung pisngi ko. Ganto ba talaga ang LQ?

"O start na ha! One, two, three, action!" Sigaw nung camera man kuno namin.

Kunyari sweet muna kami. Nakaakbay sya sakin at nakangiti. At syempre ganun din ako.

Ramdam na ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso ko. Sana wag nyang maramdaman yun. Kinakabahan ako na hindi ko maexplain.

Hanggang sa may dumaang babae, at kunyari nilalandi sya. At sya naman,magpapalandi. Kaya ako, bilang girlfriend, magagalit ako.

"Anong 'hi'?! Close ba kayo nun? Kilala mo ba yun?! Sino yun?! Chicks mo?! Ano, sya na yung gusto mo?!" May pagtayo tayo pa ako para convincing. Yung kilay ko salubong na salubong na.

"Hindi.. Wala lang sya.. Baby ko. Uyy baby, sorry na." Sagot nya naman.

Kahit pala ang tahimik nya, magaling din syang umarte. Parang nadadala din ako. Yung mga mata nya, parang nagmamaka awa.

Bakit ganon? Parang totoo?

Bago pa ako malunod sa mga tingin nya,nag walk out na ako. Yun yung nakasulat sa script eh.


"CUT!"

Nagpalakpakan yung mga groupmates ko.

"Galing nyo! Kinikilig ako kahit may LQ!" Sabi ni Shane.

"Ako din! Oh, next scene na. Para bukas last na!"

Pumunta na kami sa next setting namin. Sa classroom ng mga second year. Sa scene nato, kunyari nagbabasa ako ng libro at bigla syang susulpot dala ang bulaklak. Kaylangan nga yata naming karerin yung pagiging magsyota.


"Baby, sorry na."

Nasa harap ko sya ngayon. Kunyari, hindi ko napansin na dumating na sya. Kunyari.


"Tsss." Kinuha ko na yung libro at umalis sa room. Medyo naeenjoy ko na to.

---

Marami ang natake na scenes. At lahat, puro panunuyo kunyari ni Vic. Merong magsusulat sya sa illustration board, isasama ang tropa nya, at magdadala nanaman ng isang box ng sampaloc. Ewan ko ba kung anong trip nila at Sampaloc pa ang pinadala.

Nakakatuwa lang kasi hindi KJ si Vic. Sana palagi na lang syang ganyan, yung tipong wala sa dotahan yung mind set nya.


"Guys, second to the last scene na to ah! Galingan nyo!" Sabi ni Kyla. Halos maghapon din kami sa shooting nato.


Kunyari nasa hagdan lang ako at nagrereview. Ganon naman palagi eh.

Pero biglang susulpot si Vic kasama ang mga tropa nya. Kunyari may dala syang gitara at haharanahin ako..

Lumapit sya sakin at kinuha ang mga kamay ko. Tiningnan nya ako sa mata. Mata sa mata. Kitang kita ko ang mata nya. Mata nya na nagsasabi na masaya sya. Mata na sarili ko ang nakikita ko.


"Sorry na baby ko, wag ka ng magtampo."

Hindi masyadong maganda yung boses nya pero nadadala ako. Yung bawat pagbikas nya, parang may pinanghuhugutan sya.


Buti na lang at naalala ko pa yung nasa script. Na dapat, mag walk out ako.

---

Huling scene na to. Malapit ng magdilim at sabi nila, ito ang perfect na backround. Yung sunset.


Nagplay na yung song.. Yung Namimiss Ko na ang I Love You Mo. Medyo jeje sya, pero nakakakilig. Yung lyrics kasi, nakakainlove.


Nasa gitna ako ng ground na kunyari, may blind fold. Surprise nanaman.

Naramdaman ko na may nagtanggal ng blind fold at sa pagkakatanggal non, naka luhod na Vic ang sumalubong sakin. (Nakaluhod na parang nagpo propose)

Hindi ko to inaasahan. Ang alam ko, yayayain nya akong magsayaw.

May hawak syang red na box.. At pagbukas non, Chocolate.

Kinuha ko yun at binuksan. Syempre, may kasamang yakap para sa kanya. Kunyari, okay na kami.


Pero mas nagulat ako nung..


Halikan nya ako sa noo at sinabing..


"I love you.."



I took a big gulp and cleared my throat. Is this part of the scene?



"I-i love you too.."





"CUT!"


Somehow, I wished it was true. Na lahat, genuine at walang script. Na lahat, galing sa puso nya. Na totoo ang lahat.


"Namimiss ko na ang i love you mo.."

Dota O Ako? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon