Ang sakit. Para akong sinasaksak sa puso. Pakiramdam ko panaginip lang lahat. Bangungot lang. Sana, may gumising na sakin at sabihing "Okay lang ang lahat, mahal ka pa rin ni Vic."
Sana.
Para akong zombie na naglalakad papasok. Bakit nga napasok pa ako eh bakasyon nanaman?
Pagtapak ko pa lang sa classroom, bumuhos na agad ang luha ko. Ang daming memories namin dito. Dito. Dito nag umpisa ang lahat. Sa classroom na to.
Agad hinanap ng paningin ko si Vic. Oo na, tanga na kung tanga pero wala akong pake. Gusto ko syang makita. Kahit makita lang.
Pero hindi kaaya ayang tagpo ang nakita ko... Nakaupo si Angela sa upuan ko, at kaharap nya si Vic. Parang may importanteng pinaguusapan.
So tangahan na lang to?! May pasimpleng agenda pala tong dalawa na to? Puta.
"Kaya pala. Kaya pala ang dali dali para sayo." Sinadya kong iparinig sa kanilang dalawa yun. Napatingin sila, pero nagiwas ng tingin si Angela.
"Akala ko, kaibigan, yun pala ahas na. Walanjo!" Pagpaparinig ko pa. Bahala na kung mag away pa kami. As if may pakialam ako.
"Mahal ko na sya.. Ano pang magagawa mo?"
Sana pala hindi na lang ako nagsalita. Akala ko, masakit na yung sinabi nya kahapon. Yun pala, may mas sasakit pa. Yung sasabihin nyang may mahal na syang iba. Tangina, naiisip ko pa lang parang di ko na kaya eh. Yun pa kayang eto na? Naririnig ko na sa harap ko? Pucha! Ang sakit eh.
"Edi magsama kayo!" Bulalas ko at padabog na lumabas. Puta! Walk out na ako ng walk out. Tangina!
Akala ko ba, sagabal ang syota sa pagdodota nya?! Tae! Akala ko dota ang gusto. Ibang babae pala!
----
Pagkatapos ng araw na yun, mas pinili ko na lang ang manahimik. Mas pinili ko na lang na mag move on. Sa mga oras na natira bago ang bakasyon, ganon pa rin ang mga nasasaksihan ko. Araw araw magkasama si Vic at Angela. Palaging sweet, nagsusubuan, at hinahatid ni Vic sa paguwi. Napatawa na lang ako. Ang bilis ng panahon no? Yung dating tagapayo ko, aba. Sya na ata ang dapat payuhan. Pumapagibig eh. Pumapagibi sa ex ko.
Lahat ng yon, tiniis ko. Hindi na ako nagsalita. Hindi na ako nagreact. Ayoko ng gumawa ng gulo o something. Ayoko na. Nakakapagod na. Hinayaan ko na lang sana. Hayaan na. Si karma na ang bahala sa kanila.
Pero kung dito, no reaction ako, sa bahay ako ngumangawa ng todo. Kahit kahiya hiya sa nanay ko, wala na akong pake. Basta mailabas ko lang lahat ng sakit na naipon ko mula sa school. Basta mailabas ko lang.Mabuti na nga lang at bakasyon na, kaya mas mapapadali ang pagtanggap ko. Yes, acceptance. Yan ang pinaka main target ng pagmomove on. Hindi yung paglimot. Hindi mo malilimutan yan. Kahit magka amnesia kapa, maalala at maalala mo rin sya. Kaya kapag tanggap mo na sa sarili mo na wala na, dun ka na makakausad.
Pero yun ang naging inspirasyon ko.
Ipinagpatuloy ko ang college. At maniniwala ba kayo na medicine ang pinili kong course? Pangmayaman. Yes. Pero dahil nga nagaral ako ng maigi, may discount na ang tuition fee ko sa med school. Mahirap, pero kakayanin. Iba pala ang nagagawa ng pagibig no?May nakilala din ako na akala ko the one na. Si Harley Mercado. Gwapo din naman sya at magaling mag basketball. Heartthrob ang peg. Pero..
Iba eh. Alam mo yon? Yung parang may kulang. Minahal ko sya, pero may iba. Hindi ko feel yung mga effort na binibigay nya. Hindi ko feel yung bawat "I love you" na sinasabi nya. At kapag sinasabi nyang maganda ako, o kung ano mang compliment, parang walang epekto sakin. Naiisip ko na lang na, dapat diba kinikilig ako? Dapat diba nagkaka mini heart attack na ako? Pero wala. Walang sparks.
Kaya I decided to break up with him. Break up na hindi bayolente. He accepted it, dahil ramdam nya naman na hindi ako masaya. Plus the fact na lagi ko syang ikino compare sa kanya. But, past na yun. Past that will never come back again. Past na.Sana pala naniwala na lang ako sa quote ni Bob Ong na, People always leave, so don't get too attached. Lahat sila, iiwan ka. Hindi mo alam kung sino yung magsta-stay sayo hanggang sa huli. Walang permanente sa mundo.
Hindi naman mawawala sa isang tao na mag alala diba? Kahit papaano, may paki pa rin ako kay Vic.
Minsan natanong ko sa kadota nya kung kamusta na sya, ang sabi nila hindi na raw nila nakikita. Ang sabi nila, matagal na raw hindi nagpapakita sa kanila, at sabi pa naman nung isa... nakaalis na daw. Pumunta ng States.. Ewan ko. Pero parang may something akong naramdaman.
Pero hayaan ko na, past is past. Wala ng mangyayari kahit may something pa akong maramdaman. Wala na. Wala na fo.