Chapter 17

820 15 0
                                    

Computer Shop. 3pm.

Nakakatamad na araw. Harujusme. Bakit kaya hindi pumasok ngayon si Vic? Tapos magkikita kami mamaya? Ahihi. Parang kinikilig na agad ako. Landee!

"Huy Juls. Bat hindi napasok si Vic? 1 week na ah?" Tanong ni Julia. Ampanget talaga ng babaeng to. Naka nerdy glasses pa.

"Ewan. Nagdodota yata.."

Ewan ko din. Pero lately kasi, madalang na rin kaming magkita ni Vic. Tapos, madalang na rin syang magtext. Kung dati, punong puno nya ang inbox ko, ngayon puro.. good morning na lang.

Sabi naman ng kadota nya, busy daw. May tournament na daw eh. Taray lang. Para kasing team captain, captain ng dota.

Ayokong pagbawalan sya dun. Diba nga? Sabi nya yun yung buhay nya. Ano pa bang magagawa ko?

At isa pa.. naunang dumating kesa sakin yung dota na yan. Yung dota, nauna nyang makilala kesa sakin kaya wag na lang akong makikigulo.

Tsaka.. ano bang kulang sa kanya? Minsan lang naman ako magdemand ng time eh.
Masarap magmahal ang isang dota player. HAHAHA!

"Dota? Mas importante pa pala ang dota kesa sayo at sa pagaaral nya?" Nangiintrigang sabi ni Julia.

"Hindi naman sa ganon. Eh sa dun sya masaya eh. Anong magagawa ko?"

"Hay nako. Iba na yan ha. Baka may iba na! Baka mamaya, hindi na pala dota ang ginagawa. Baka mamaya, babae na pala.."

Agad akong napakatok sa kahoy. Shit na Angela to!
Yun ang wag na wag sanang mangyayari sakin. Kapag si Vic nagkababae? Shit. Iniisip ko pa lang feeling ko naluluha na ako. Basta! Hindi ko na alam ang magagawa ko kapag nalaman kong.. ganun na nga.

"Layuan mo nga ako Angela. Nababadtrip ako sayo." Sabi ko sa kanya. Nakakainis. Bigla na lang akong nawala sa mood. Bwisit na Angela yan.

"Just saying." Sabi nya at nilayasan na ako.
Just saying kong mukha nya eh!

****

Agad na cut yung classes ng 2pm. Ibig sabihin may time pa ako para mag ayos sa date namin ni Vic. HAHAHA!

Habang may kinukuha ako sa bag ko, biglang nalaglag yung picture..

Picture namin ni Vic. Sa isang peryahan, at 1st monthsary namin nun.

Bigla na lang akong napangiti.
Inlove na inlove ang lola nyo eh! Ganun talaga. At sa picture namin, inlove na inlove nga kami. Nakayakap ako sa bewang nya, nakaakbay naman sya sakin. Feeling ko tuloy naamoy ko pa rin sya hanggang ngayon.

"AY PUTAAA!"

"AY! Sorry!"

Tae! Masasampal ko na talaga tong Angela na to!

"Ano ba yan! Angela naman eh! Napunit na tuloy!"

Oo. Tanginang Angela yan! Inagaw ba naman sakin yung picture! Napunit tuloy!

"Hala. Sorry! Pa print ka na lang uli! Hehehe." Sagot nya. Nako nako nako! Sasapakin ko na to eh!

"Bahala ka na nga dyan!"

Kinuha ko yung isa pang part sa kanya. Sa dalawang parte kasi napunit yung picture.

Hindi ko alam pero.. Shit dis naman. Bakit... bakit ba ako kinakabahan?

"Oh natahimik ka?"

Hindi ko na lang pinansin si Angela at tiningnan yung picture.

Picture ko na lang yung natira. Ewan ko ba pero.. Parang may something.

Yung natira kay Angela, yung picture ni Vic.

"Hala.. Nagkahiwalay yung picture.. Sign na kaya yon?"

Puta. Bat ba ganto na magsalita tong Angela na to? Puta. Di ko na malaman kung nang aasar ba to o ewan eh. Tangina!

****

Pagtapak na pagtapak ko palang dun sa lupain ng computer shop, feeling ko ang bilis bilis na ng tibok ng puso ko. Jusme. Ano ba to?! Nakakainis na. Kinukutuban na ako, pero wala naman akonh clue kung anong nangyayari!



Pagpasok ko sa loob, hiyawan na agad ang bumungad sakin. Hiyawan ng dota player.

Agad nahagip ng paningin ko si Vic. Nakauniform pero nasa computer shop lang. Tsk. Tsk.
Baby ko talaga oh!


"Baby." Pagtawag ko sa kanya.
Bahagya syang napatingin sa akin.. Bat ganun? Ang blank lang ng expression nya?



"Dun tayo sa labas." Sabi nya atsaka lumabas. Nauna pa sakin.

Sumunod ako sa kanya. At dun kami sa isang eskinita napadpad.


"Julia break na tayo."





Wala akong mai react. Wala akong masabi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Shit. Shit. Shit.
Totoo ba to? Ahh. Imagination lang diba? Diba?!


"H-ha?"


"Tss. Sabing break na tayo. Ayoko na."

Nanginginig ang mga kamao ko. Gusto ng manapak. Tangina! Ano ba to?! Tangina! Tangina!


"Bakit ba? May nagawa ba akong mali? May nasabi ba ako? May... ano ba Vic?!"


Yung luha ko punyemes. Ayaw ng tumigil. Nanlalabo na yung paningin ko dahil sa luha.



"Wala. Ayoko na. Tinatamad na ako."

Ngayon pa lang, gusto ko ng ihagis yung monoblock na nasa tabi ko. Kahit mahal ko tong putang to, kaya ko na tong saktan!


"Puta! Ano bang nangyayari sayo ha?!" Hinampas ko ng malakas yung dibdib nya.



"Ayoko na nga. Hindi ako makapagfocus sa dota. Palagi ka nalang nagtetext, tumatawag eh nagdodota nga ako. Sagabal ka."


Pucha. Pucha talaga! Pucha! Si Vic ba to?! Putanginang si Vic ba to?!

Kahit kaylan, hindi ako sinasabihan ni Vic na sagabal. Prinsesa ako! Prinsesa. Pero ngayon... Parang.. parang wala na lang ako sa kanya ngayon.



"Yung two years? Paano na yun? Ganun ganun na lang? Ha?! Ganun na lang yun?!"



"Di na kita mahal."



Tama na. Tigil na. Hindi ko na kaya. Sapat na yun. Sapat na siguro yun para tumigil na ako at kamuhian ang lalaking nasa harap ko ngayon. Lalaking mahal na mahal ko.


"I hate you."


Sinabi ko yun habang nakatingin sa mga mata nya. Shit. Tama ba tong nakikita ko? Nasasaktan sya--- no. Hindi yun mangyayari. Hindi na nya ako mahal.


"I hate you Victor Santiago!"

Padabog akong umalis. Kaya pala. I should've notice the signs.

Dota O Ako? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon