Chapter 9

1.2K 17 0
                                    

"Class, I will group you into two. And now, you are going to have a debate. And our topic is... who will you follow, brain or heart?" Paliwanag ng english teacher namin.

Eto nanaman. Debate. Teka.. may nananalo ba dun sa debate na yan? Feeling ko kasi salita lang sila ng salita dyan eh. Salita ng salita na minsan, out of topic na. Hays.

"Group 1 will be defending the heart, while group two will defend the brain."

Great. Group one ako. Sa team puso. Kaleke dis. Heto na naman.

Nagumpisa na ang debate. As usual, salita lang sila ng salita. At kapag maganda yung sasabihin nung isa, sabay sabay silang magsisigawan na parang sila na ang nanalo. Mga feeler eh. Nye!

Kesyo daw, kapag puso ang pinili, mas makikita ang tunay na saya. Kapag daw puso ang pinili, alam natin deep there na masaya tayo. Na buong organs natin eh nagdidiwang. Nagpaparty lang. Ganon.

Pero sa kabila, kung isip daw ang ginamit, hindi na masasaktan. Kasi daw kapag ang isang tao nagmamahal, hindi na nagiisip. Pero kapag nagisip ka, alam mo sa hanggang dulo na hindi ka masasaktan. Na mapoprotektahan mo ang sarili mo from getting hurt. Weh? Paano kung bobo? Edi wala din. Tsss. Pero ang disadvantage ng pagpili sa utak, hindi ka na magmamahal. Parang gumagawa ka na ng walls sa paligid ng puso mo. Parang nilalayo mo na ang sarili mo sa kanila. Para mo na ring pinagbawalan ang sarili mo na magmahal.

"What?! Eh kung hindi ka magmamahal at gagamit ng puso, paano ka na? Kuwasa, kahit na may taong mamamatay na sa harap mo, wala ka lang pakialam? Kasi you don't use your heart! Your mind would say na wala syang silbi kaya mas maigi na iwan na lang sya dun. Diba? In this world, puso ang kaylangan natin. Malasakit guys. Love, and you will be loved. Ganun kasimple yun. Isipin nyo na lang ang mundo na may puso. It must be heaven! " Sabi ni Aira. Ang studyante na pinaka sa lahat. Basta lahat na. Nasa kanya na kasi ang lahat. Siguro kapag nagtanong ka at sinabi mong "lahat", si Aira ang ituturo nila.

"Kaya tayo natatanga. Kaya tayo nate-take for granted. Kaya may mga tao na nagte take advantage sa inyo kasi puro kayo puso. Lahat na lang dinadaan nyo sa pagmamahal, sa pagiging hopeless. Nakakaawa yung mga tao na nasasaktan dahil lang sa pagmamahal ng sobra. Imagine, ikaw na nga tong nagmahal ng sobra, ikaw pa tong masasaktan? Nakakatanga diba? Is that the concept of choosing heart over brain? Then your close to stupidity! Minsan kasi, try din nating mag isip. Kahit five minutes lang. Basta, pag isipan ang lahat. Yeah, follow your heart. But please, take your brain with you. Wag puso lang ang dalhin mo." Sagot naman ni Errol. Ang male counterpart ni Aira.

Ang lakas ng sigawan dito sa room. Nagkakainitan na kasi ang dalawang nagdedebate. Lahat ng sinasabi nila,may sense. Napaka deep thinker din kasi nung mga yun. Kung ako yun, hindi ko maiisip yon.

Pumagitna na ang teacher namin at humanap na ng ibang lalaban. At mukhang mamalasin yata ako ngayon dahil....

Sakin sya nakatingin. Shet dis. Wag ako. Wala akong alam dyan.

"Ms. Gaston, you're next."
Parang mga lupang bumagsak sakin yung mga salitang yun. Shet talaga. Nayanig na ang mundo ko.

Iginala pa ni maam yung mata nya para humanap ng ilalaban sakin. Sana yung kasing level ko din. Para naman hindi ako ma mental block dito.

Pero parang wala pang makita si maam dahil nakakunot na ang noo nya...

Napadako ang tingin nya sa pinto at sa kakadating lang na nilalang..

Shet wag sya please. Wag sya..

"Mr. Santiago, come here infront. You'll fight in a debate."

Halatang nagulat si Vic. Kakapasok nya pa nga lang kasi. Malamang, galing nanaman to sa computer shop. Bakit kasi pumasok pa sya? Sana umuwi na lang sya sa kanila at nagbalat ng patatas. Lels. San ko nakuha yon?

Nilapag muna ni Vic yung bag nya at pumunta sa harap at tinapatan ako.

Infairness. Hindi sya KJ. Di pa nga nya alam ang gagawin nya, pumunta na agad sya dito.

Dugdug. Dugdug. Dugdug. Please puso. Kalma ka lang. Ipaglalaban pa kita.

"Ms. Gaston, begin."

Shet bahal na.

"Isip o puso? Siguro mas ipaglalaban ko ang puso ko. Hindi porket puro puso tayo, tanga na. Hindi porket puso ang ginamit natin, may magte- take advantage na agad. Bakit ba ganun na lang ang perception nyo sa puso? Parang feeling nyo, lagi kayong masasaktan. Pero the real thing? Masyado kayong gumagawa ng walls 'cause you were overthinking. Masyado nyong iniistress ang sarili nyo sa kakaisip na masasaktan lang kayo. Bakit ang hilig nyong magpredict ng mga maaring mangyari? No one in this world know what will happen tommorow. Wala tayong alam. Kaya para sakin, kapag tumibok ang puso, bakit di mo sundin? Let all be done with love. With heart. Hindi puro pagiisip na masasaktan lang tayo kapag puso ang pinairal."

Nagsigawan ang mga ka group ko. Pinanes ko ba sya? Ang galing talaga ng bibig ko. Kung ano ano ng nalabas.

Vic took a glance at me then he faced our classmates. Mukhang pasabog ang isasagot nito.

"Puso? Maliligtas ba tayo nyan? May magagawa ba tayo kapag yan ang pinairal natin? Do you know the sayings na, kapag tayo nasasaktan, nagsasara ang isip mo at puro puso ang pinapagana mo. Then, do you know where it lead us? Emotional stress. Isang best example yung naghihiganti. Bakit ba sila naghihiganti? Kasi nasasaktan sila. At yung sakit na galing sa puso mo, yan ang nagti trigger satin para gumawa ng masama. Nagsasara ang isip, hindi na natin iniisip ang mga ginagawa natin. Kung anong magbibigay justice sa puso mo, yon yung sinusunod mo. Then in the end, ikaw pa rin ang masasaktan. Masyado mo kasing sinusunod ang bugso ng damdamin mo."

This time,buong section na yata ang nagsigawan. Tingnan mo nga naman ang impact ng puta na to. Ang lakas sa audience. Parang tatakbo ng pagkapresidente. May quotable quote pa ang gago.

"What? Bakit may naghihiganti?" Panimula ko. Eto na. Ilalaban ko  na. "Kung in the first place, eh puro pagmamahal lang naman ang pinakita nya?" Nakapamewang pa ako nyan. Alam mo na. Para convincing.


"Hindi lahat ng inaakala mo, magkakatotoo. Hindi porket puro ka puso, puro pagmamahalan na lang ang nasa isip. Paano naman ang mga broken hearted? Diba, kaya sila nagiging bitter dahil sa sakit? Dahil sa sakit ng pagibig, kaya sila nakakagawa ng bagay na hindi nila napagiisipan. Dahil sa emosyon." Sagot naman ni Gago na may pahand gestures pa. Letse na. Matatalo na yata ako nito.



"Emosyon? Bakit, diba minsan nilalason lang din tayo ng isip natin? Dahil sa mga naiisip natin kaya tayo nakakasakit. For example, maling akala. Lagi mong pinapaniwalaan yung dinidikta ng isip mo, hindi ng puso mo."



"Bakit, ano bang akala natin kapag sinundan natin ang puso, tama na agad? Alam mo ba yung nauuto lang? Paano kung ganon lang pala?"



"Nakakakilala ang puso!"

Sige Julia. Push natin to. Ayokong matalo ~

"Maybe, you don't experience love. Kaya ganyan ka makapagsalita. Pero once na masaktan ka, malalaman mo rin na dapat pala isip din ang ginagamit at hindi puso... Pero yun ay kung magkakalove life ka."


Agad napantig ang tenga ko dahil sa huling sinabi nya. Gago nga talaga tong isang to. Ang kapal magsalita. Ano bang akala nya sakin? Panget na tatandang dalaga? Tss. !




"PAKYU!"


"Ms. Gaston! Stop using words. The two of you, take your sit."

Sinamaan ko ng tingin si Victor. Tae sya. Akala ko mabait tong isang to. Hindi pala.

Dota O Ako? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon