A/N: Nakakatuwa. HAHAHA. Epilogue na agad ako. Ganun talaga eh, kaylangan ng tapusin. So... happy ending kaya o hindi? Haha! Let's find out!--
Dota O Ako: Epilogue
8 years later.
Walong taon na pala noh? Ang tagal na pala nung huli akong nakatapak dito sa school nato. Dito sa Baog National High School. Sa lugar na nagparamdam sakin ng lahat.
"Naks! Si Julia oh! Doktor na!" Sabi ng isa kong kaklase dati. Nginitian ko lang sya. Yes po.
Doktor na ako.
Tulad kami ni Elysse. Naalaa nyo pa si Elysse? Yung tatanga tanga? Well..
Bestfriend ko lang naman sya. Naging close kami nung college. Tulad kasi kami ng course kaya ganon. Mabait din naman pala sya eh.
"Hi Julia."
Isa pa yan. Si Mika?
Kung dati pinagseselosan ko yan, ngayon okay na kami. Masyado lang akong immature kung hindi pa kami magiging okay. High school days.
"Hello Mika. Sexy mo ah?" Sabi ko sa kanya.
"Ikaw din. Ang ganda mo ngayon."
Nagkwentuhan lang kami saglit at umalis na sya. Wala nga kasing permanente diba?
Nakakatuwa lang yung reunion namin ngayon. Parang nung dati lang, nung nagka booth para sa valentines day. Mga pakulo talaga nila oh!
At syempre.. Mawawala ba naman ang red strings?
Ganon pa rin, may mga high school kaming kasama. Sila yung nagmamanage ng mga booths.Pinagmasdan ko lang yung mga tao sa paligid. Akala ko hindi ko mamimiss yung mga oras na papetiks petiks lang ako. Yung mga oras na nakikipagmurahan ako. Nakakamiss din pala.
"Ate! Nakared strings kana po!" Sabi nung girl scout na mataba ang pisngi. Siguro nasa mga grade 7 palang sya.
Red strings?
Naalala ko nanaman sya. This time, natatawa na lang ako. Di tulad ng dati ng iniiyakan ko talaga.
Dinala ako nung bata dun sa booth nila. At pinagintay. Sabi nya, intayin ko daw muna yung ka red string ko.
"Ay! Ayan na sila! Ate Aeey!" Sigaw nung kasama ko. Medyo natawa ako. Matangkad nanaman yung kasama nya, nakabraces. Pero hindi na pala matutuloy ang tawa ko..
"Ate! Eto na po yung ka red strings mo!" Sigaw nung matangkad na babae.
Hila hila nya ang isang matangkad na maputing lalaki. At ang mas nakakagimbal. Para syang si Vic. Yung porma, yung kulay ng sapatos, tsaka yung mukha. Si Vic talaga eh---- SI VIC?!
SHET! SI VIC BA TO?! VICTOR SANTIAGO?!
Agad kong tinago yung mukha ko. Shit! Bat naman ngayon?
Dati handang handa na yung mga linya ko eh! Pero ngayon?! Ka red strings ko nanaman? Tangina langs!Ikaw tadhana! Wag na wag kang magagawi sa kanto namin! Ipapabugbog talaga kita! Makita mo!
"Hala ate, wag ka ng mahiya. Dali na oh~" Sabi nung mataba ang pisnge. Eh! Paki nya ba?! Sa gusto kong magtago eh!
"Eh, ayaw nya ata?"
Puta. Marinig ko pa lang yung boses ni Vic pakiramdam ko magkaka mini heart attack na ko. Ano bayan?! Feeling highschool nanaman ako!