Umaga na pala. Di ko na namalayan.
Bumangon ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Pugtong pugto na yung mga mata ko. Ang taba na rin ng eyebugs. Hindi na ako nakatulog dahil sa gagong yun. Letseng prom.
Pagbukas ko ng phone, 83 messages. 78 missed calls. Tss. Kala nya makukuha nya ako sa paganyan ganyan nya? Dun na sya kay Mika. At isa pa, ayoko ng makarinig ng kasinungalingan.
---
"Julia.."
Nagulat ako nung paglabas ko, nasa harap ko na si Vic. Anong ginagawa nito dito? Isa pa, bakit may kumot? Dito ba sya natulog kagabi?
Nilagpasan ko lang sya at nagpatuloy sa paglalakad. Galit ako eh. Oo galit ako.
"Julia naman.." Pilit nya akong sinasabayan sa paglalakad pero di ko pa rin sya pinapansin.
"Julia.. Baby.. Let me explain please." Puno ng pagsusumamo nyang sabi. Nararamdaman ko na parang nagtutubig na ang mga mata ko. Ano ba yan!
"Baby.. Hindi ko gusto yun.. Yung totoo? Oo hindi aksidente yung pagkakahalik ko kay Mika.."
Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan sya.. ng puno ng galit.
"Hindi aksidente?! Edi gusto mo nga!" Punong puno ng hinanakit ang boses ko.
"Hindi. Hindi ganun. Baby naman eh. Pagex-plainin mo naman kasi ako."
Hinawakan nya ang braso ko at ipinaharap sa kanya. Totoo ba tong nakikita ko? Parang may sakit sa mga mata nya.. Pero hindi. Ayoko ng magpaloko."Ano pa bang ieex-plain mo hah?! Na hindi aksidente yun? Na gusto mo rin yun?! Na okay lang sayo na masaktan ako ha?! Kasi di mo naman talaga ako mahal! Kasi iba naman talag--."
"MAHAL KITA JULIA! PAGSALITAIN MO KASI AKO!"
Nagulat ako sa pagtaas nya ng boses. Nagsitinginan na rin ang mga tao na nadaan sa kalsada. Sino nga ba naman ang mag aaway sa gilid ng kalsada?
"Hindi ko ginusto yun. Pero hindi rin aksidente. Nung hinalikan nya ako, alam ko tumugon ako. Gusto kong itest ang sarili ko baby. Gusto kong itest kung... kung may ibang babae bang hahalik sakin, sino kaya ang maiisip ko? At alam kong... ikaw yun kasi mahal kita. Mahal na mahal. Kaya please.. Ayusin na natin to. Hindi ko kayang ganito tayo."
Wala akong masabi. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba sya o hindi. Yung puso ko gusto ng bumigay pero yung utak ko parang natatakot na. Kapag naniwala ako pakiramdam ko masasaktan lang ako.
"Mahal na mahal kita mahal ko. Ayusin natin to." Hinawakan nya ang mga kamay ko at binigyan ito ng mumunting halik.
Pero mas nagimbal ang mundo ko nung may luhang lumandas sa mga mata nya.
Sabi nila, wag mong papakawalan ang mga lalaking naiyak sa harap mo. Kasi yung luha nila, lalabas lang yan kapag nasasaktan talaga sila. At hindi yan masasaktan kung di ka nya mahal.
Nung araw na inamin nya sakin na gusto nya ako, sabi ko isa lang ang panghahawakan ko. Kahit katiting na pagmamahal lang sa mga mata nya. Kahit yun lang, kakapitan ko. Para maranasan ko naman ang mahalin at ang magmahal.
"Pero nasaktan moko. Kagabi, sumisigaw ka pa. Parang ikaw pa yung galit."
Hanggat maari, sa isang relasyon gusto ko yung straight forward. Ayoko yung marami pang keme sa buhay. Yung nasasaktan kana pero sasabihin mong "okay lang ako." Nakakatanga yung ganon.
"Sorry baby. Hindi ko yun sinasadya. Hindi ko lang talaga makayanan na may nayakap sayo. Alam mo naman wala silang karapatan diba? Ako lang ang yayakap sayo. Kapag nasasaktan ka, naiyak. Ako lang ang yayakap sayo."
"Hindi kaba sigurado sa pagmamahal mo sakin, ha?!"
Parang ang sakit pa rin. Bakit ba kaylangan pang itest? Mali ba ang lahat?
"Hindi.. Hindi sa ganun. Alam ko sa sarili ko na mahal kita. Hindi magbabago yun.. Gusto ko lang i secure sa sarili ko. Walang paraan para maging unfaithful ako sayo.."
Pinaharap nya ako sa kanya at pinunasan yung pisngi ko.
Ayan na, lumambot nanaman ako dahil sa mukha nyang nagpapacute na keme."I love you.."
"Hindi kana lalapit kay Mika?"
"Hindi na. Okey? I love you.."
"Love you too.." Napasagot agad ako. "Ayy.."
"Hahaha. Kaya mahal na mahal ko ang baby ko eh."
***