Chapter 7

1.2K 22 1
                                    

Nakakaimbyerna na. Bakit ba ganun ang mga teacher ngayon? Parang hindi na sila naaawa sa mga estudyante. Ikaw ba naman ang pagawain ng isang output na pagkahirap hirap, pero bukas na ang pasahan? Mas mahirap pa yun kesa mag move on eh.
Move on? Nasan ang konek? Connection?

Pucha! Napapamove on na rin  ako. Uso kasi yun ngayon eh. Yung walang forever? Hehehez!

Last period na kaya konting intay na lang makakauwi na ko. Wengya gusto ko ng matulog. Yung sistema ko patulog na patulog na.

Kroo. Kroo.

Kagabi pa ako natatakam sa sampaloc candy. Halaa! Baka buntis ako?! Sinong ama? Charot. Birhen pa ako.

Anyways. Lumabas ako ng room at pumunta ng canteen. Gusto ko pumunta eh. Palag?

Pero habang naglalakad ako, may TATANGA TANGANG bumangga sakin. Napakalampa ko lang talaga at bumagsak ako sa sahig. Hello lupa nanaman ako.

"Ay sorry." Sabi nung nakabangga sakin. Sorry talaga. Ingudngud ko sya sa lupa eh.

"Tss. Ingat din kasi." Ismid ko. Kapag itong bata sa sinapupunan ko mapahamak! Charot ulit!

Nung nag angat ako ng tingin, agad tumaas ang balahibo ko nung nakita ko yung mga mata nya. Geez. Parang may alam sya na hindi ko alam. Malamang.

"S-sorry ulit." Sabi nya at tumakbo na paalis. Pero bago sya makalayo, parang may something na hangin ang humihip sakin. Wuhooo! Ano bang meron?

Tumayo na ako at pinagpagan ang palda ko. Wala bang prince charming na susulpot at tutulong sakin, tapos sasabihing, "Yung baby natin, kamusta sya?" Charot!

Ano ba yan! Puro kahalayan na ang pumapasok sa utak ko.

Pero bago pa man ako makapunta sa canteen, eto na naman. Hindi na naman ako makarating dun. May nakita kasi ako..

Si Vic at Mika na masayang naguusap sa hallway. Ehem! Nasa gitna pa talaga ng daan eh? Harang lang? Nakakaasiwa!

May dalang book si Vic at Mika. Parang ang teorya sa isip ko..

Nahulog ang mga librong hawak ni Mika. Ang dami kasi eh, parang libro ng buong baog national high school yung dala nya. Charot!

Nakita sya ni Vic at agad naman itong lumapit. Yung parang sa mga pelikula na dadating yung leading man, tapos may magpeplay na kanta.

"Tulungan na kita?" Sabi ni Vic kay Mika. Parang nangamatis naman si Mika na pulang pula. Kinikilig amputs!

Bahagyang tumango si Mika at kinuha ni Vic ang mga librong hawak nya.

Naglakad na sila, nagkwentuhan, nagtawanan at nagkadevelopan. Tapos nagtanan.

Pero nagbreak ng walang dahilan, at naghiwalayan.

Walang poreber! THE END.

Diba? Hahaha! Pero seryoso. Nakakainis.

Nakita ako ni Mika.

"Uy Julia! Bat wala ka sa classroom? May gagawin daw sabi ni maam!" Mukha syang nananaway. Nanay ko ba sya para sundin? Tsss.

"Oo. Bibili lang ako." Matabang kong sagot.

Bahagya kong tiningnan si Vic. At.. nakatingin din pala sya sakin. Tsss. Dyan kana. Enjoy ka dyan eh, diba?

"K." Maarteng sagot ni Mika. Pagharap naman kay Vic, ngiting ngiti na. Halatang nanglalandi eh.

Umalis na sila at pumunta na sa room namin.

Nakakainis! Nakakairita. Ang sarap balatan ni Mika. Mukha kasi syang patatas. Bulok na patatas. At ako si Sarah. Ang magandang prinsesa na babalatan sya! Nakakairita.

---

A/N: Good vibes please! Hahaha. Masaya ako kaya may isang nadagdag. Palag?
Tapos ano. Yung title parang walang konek. Hahaha! Basta bahala na. PS. Ang ganda ko. Yiee!~

Dota O Ako? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon