Chapter 11

1K 17 0
                                    

General cleaning ng room namin dahil malapit na daw ang bakasyon. Kaya ang sistema, ilalabas namin yung mga upuan namin at ilalagay yung mga bag sa gilid para malinis ang room. Buhay public student. Walang janitor.

At syempre isa sa nagflo- floorwax si Vic dahil may atraso sya. Hindi dapat sya papasok dahil nasa dotahan eh. Pero dahil nga ako ang taga sundo nyan, ako pa ang sumundo sa kanya sa computer shop.

Anong ginawa ko?

Nagsulat lang naman ako sa isang white cartolina ng mga salitang, VICTOR SANTIAGO, KUNG NASAAN KA MAN. UTANG NA LOOB. PUMASOK KA DAW SABI NI MA'AM PUSOD. MAAWA KA NA DAW PLITH. PS. SINUSUNDO NA KITA.

Ang cute ko noh? Ang galing ko! Ang ganda ng naisip kong idea. Palakpakan! Chener.

Halos lahat ng kaklase ko nakatingin lang kay Vic na nagbubunot ng sahig. Tinanggal nya ang polo nya at tumambad samin ang sando nyang puting puti. Konting konti na lang at tutulo na ang laway ng mga kaklase ko. Parang gwapong gwapo sila sa bawat galaw ni Vic. Kala mo naman eh.

Eh bakit, ikaw ba hindi nagagwapuhan?

Ako? Never. Sus. Yan laang eh. Bat ako magagwapuhan dyan?

Oh? Talaga? Sakin na konsensya mo pa talaga naisipang magsinungaling? Dont me Julia. Iba na lang. Wag ako.

Kaylan ba ako nagsinungaling sayo? Ikaw pa ba? HINDI NGA!

Don't me Julia. Don't me.

Abat! Bastos na konsensya yan. Bigla na lang nawawala.

Anyways. Tinuloy ko na lang ang pagtatanggal ng basura sa cabinet ng room namin. Pero agad din nahagip ng paningin ko si Mika na parang sinisilihan ang ano.

May dala syang hany at tubig. Para namang perfect match yun eh ano?

Pumunta sya sa gawi ni Vic pero bago pa sya makapunta, muntik na syang madulas at napakapit kay Vic. Kalandi talaga ng babaeng to.

Tanga ata tong babaeng to. Alam ng bagong floor wax yung sahig, tatakbo papalapit kay Vic? Oh sadyang paraan nya lang yun para makakapit kay Vic? Ano tsa tsansing lang? Pakshet sya. Nagiinit nanaman ang dugo ko.

"Oh Julia. Kalma. Bat ba ganyan ka naman makatingin?" Sabi ng isa pang tanga- si Angela. Sura tong babaeng to.

"Tumahimik ka nga. Tss. Tangina." Tumalikod ako at nag inhale exhale. Bakit ba ang dali ko ng magalit? Nakakatakot na. Baka bigla nakong makapatay nito.

"Tsk. Tsk. Tsk. Sabi na eh." Pumapalatak na sabi ni Angela. Nilingon ko sya.

"Oh, anong sinabi mo?!"

Tinignan nya ako ng naniningkit at saka nagsalita.

"Gusto mo si Vic no?"

Gusto? Ha. Baka nga. Ano bang malay ko dyan.

"Anong gusto? Imbento ka Ange eh. Nalalaman mo." (Ang-ge)

"Sus! Don't deny it bes. Alam ko at ramdam ko. Been there, done that." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Angela. Imbento talaga. Paano naman? Ako may gusto kay Vic? Baka nga. Err.

"Stop it Ange. Nakakainis na. Wala akong gusto dun."

"Talaga? Eh bat galit na galit ka kay Mika? Inaano ka ba nya?"

"Malandi sya eh!" Mabilis kong sagot. Eh sa naiinis ako eh. Palag?!

"Inaano ka ba ng kalandian nya?" Tanong ulit ni Ange.

Bumuka ang bibig ko at sinara ko na lang ulit. Naalala ko, wala nga pala akong sasabihin.

"See? Wala kang maisagot. Kasi totoo yung mga sinasabi ko sayo. Kasi totoo yung mga nakikita ko. Bes.." Hinawakan nya pa ang kamay ko na parang sa pelikula na nagbibigay ng advice. "Gusto mo sya.. at nasasaktan ka. Kapag tinuloy mo pa ang pagtatago nyan, lalo kang masasaktan. Lalong dadami ang what ifs' mo. Kaya dapat, sabihin mo na yan sa kanya. Malay mo, he feel the same way din,  diba? Pero kung hindi, edi hindi. Atleast nasabi mo. Wala kang pagsisisihan. Hindi dadating yung araw na masasabi mo na, "sana pala sinabi ko na lang," dahil mas maigi na sasabihin mo na, "atleast ginawa ko," kesa sa "sana pala ginawa ko". "

Napanganga ako. Bat parang tumatagos yung sinasabi ni Angela? Nakakairita sya. Pero somehow may point sya.

"Angela.." Lumapit ako sa tenga nya para marinig nya ang sasabihin ko, "May tagos ka." Bulong ko sa kanya.

---

"Goodbye guys! See you on monday!" Masiglang sabi ni landi- este ni Mika. Naiinis ako sa kahyperan nya. Bakit ba full na full ang charge ng gaga?


"Julia! Julia! Julia! Samahan moko dali!" Nagmamadaling sabi ni Angela. Ano nanaman bang problema nito?


"Saan naman?"


"Sa bayan. May bibilhin ako. Diba kaylangan natin ng materials? Sama kana dali!" Nagmamadaling sabi nya.

May punyetang project nanaman kasi kami. Kaylan ba matatapos yang project na yan? Tss.


"Dali na Julia!" Sigaw nya ulit.


"Eto na nga!"

Pumunta na ako sa gilid at kinuha yung bag ko. Dito kasi namin nilagay lahat ng mga gamit namin.

Pagbuhat ng bag ko.

"Bakit ang gaan?"

Nakakapagtaka. Bat parang iisa lang ang laman nitong bag na to?


"JULIA TARA NA!"


"ETO NA NGA!"

Patakbo akong lumabas dala ang magaan na bag. Baka konti lang talaga yung dala ko kanina. Hayaan na nga.

Dota O Ako? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon