PRESENT TIME
Tracy
"Okay na po ang BP ni Nanay kaya pwede niyo na po siyang iuwi maya maya" Nakangiting sabi ko sa Anak ng pasyente
"Sige po. Maraming Salamat." Sabi namn Nito sa akin.
Last ko na to ngayong araw! At makakauwi na ako.
Nakahanap nga ako ng Trabaho, Tad tad naman ang katawan ko. Hindi pa ako permanent. Malakas pa ang posibilidad na masesante ako. Gaya ng posibilidad na hihiwalayan ka na ng jowa mo bukas.
Kaya naman, Lahat ng utos sa kin sinusunod ko.Ganun ka rin dapat kapag sinabing 'Break na tayo!' Makipag break ka na Ulol. Hahantung din yan sa break up kahit umabot pa kayo sa 'I deserve an explanation' Portion.
Dahil Change is the only constant. And Constant is Change. Change is Constant!
"Oh Tapos na ang Duty mo?" Untag sa akin ni Jasmin nang makasalubing ko siya papuntang Locker Room "Oo pauwi na ako ikaw magsisimula pa lang?"
"Hmmm. Oo nakakatamad. O sya sige larga na ako." Sabi naman nito
"Huwag kang mag alala, Matatapos din yang Duty mo, Gaya ng Relasyon nyo matatapos din yan," Tinapik ko ang balikat niya at nilagpasan
Pumasok ako sa Locker Room at nagbihis. Amoy Hospital na naman ako. Parang kahit maligo na ako mag aamoy hospital parin ako
Parang amoy ng kamatayan daw ako? Di bale nang amoy kamatayam basta hindi 'Napaasa'
Papauwi na naman ako, Ang Buhay ko, Trabaho at Bahay lang ang Boring, Sing Boring ng relasyon niyo. Kaya tuldukan na yan
"Sasakay po kayo Ma'am?" Tanong nung drayber ng Jeep na pinara ko
"Hindi manong mag Ga-Gas ako. Lalagyan ko ng Gas yang Jeep niyo"
"Miss Sumakay ka na kung sasakay ka!" Galit namang sabi nung Drayber. Aba siya pa ang may ganang magalit. Dahil puno na yata sa loob sa tabi na lang ako ng Manong Drayber sa harap. Naabutan ko na naman ang Rush hour. Papasok na sa trabaho ang Iba habang ako pauwi palang. Gabi kasi ang Duty ko
Tumigil ang Jeep. Sasakay sana ang isang babae pero lumipat siya ritp sa harapan dahil puno na sa loob. Kaya naman umusog ako kaumti para makaupo siya.
"Manong naman, Pang isahan tong Upuan mo dalawa ang isasakay mo?" Mahinang saad ko sa kanya
"Miss ganyan talaga pag Jeep."
"Manong Jeep po ito hindi Puso. Na pagkakasyahin mo
po ang dalawang tao sa puso niyo. Nasasaktan po ang Isa,""Manong Sa tabi na po"
"Dito na po kayo Ma'am?" Tanong sa akin ng Driver nang inabot ko ang pamasahe
"Hindi manong, Sa palengke pa!" Sagot ko naman dito. Napakamot ito sa ulo "Ma'am naman ang ayos ng tanong ko." Medyo inis na saad nito
"Manong kase, sa susunod wag po puro tunong makiramdam po kayo wag kayong manhid. Kaya kayo nag aaway ng Misis niyo eh!" Sabi ko sakanya habang bumababa ako
"Bat alam niyo? Kumunot ang Noo nito
"Dahil Walang Forever. Maghihiwalay din po kayo." Saad ko sakanya at tumakbo ako palayo.
Ang Driver na yon parang nakatuma lang. Sarap paglaruan.
Nang makarating ako sa Apartment ko ay nadatnan ko duon si Ninang. Ang Landlady. Parang anak anakan kasi ang Turing nito sa akin. Lagi akong dinadalhan ng Ulam
"Tinanghali ka na naman." Bungad nito sa akin habang nag aayos sa kusina. Lumapit ako sa kanya at nag mano
"Traffic po kase. Nako ako na po jan. "
"Hay nako, Okay lang. Niligpit ko na ang Kalat naisip ko masyado ka nang pagod para maglinis. Kumain ka na at makapagpahinga ka na."
"Si Ninang Talaga masyado akong mahal. Buti nalang may forever tayo!" Pag lalambing ko sa kanya.
"Forever ka jan! Bat hindi ka humanap ng mapapangasawa mo? Nang may Umasikaso naman sayo. Nagiisa ka na sa buhay kailangan mo ng makakasama." Sabi nito at umupo. Kumuha ako ng pinggan at kutsara saka umupo sa harapan niya
"Sakit sa Tyan lang ang mga lalake Ninang. Tatanda na lang po akong Dalaga."
"Wag kang ganyan Ija. Napakacute mo para tumandnag dalaga," Parang nanghihinayang na sabi naman nito
"Nang, Ayus na po akong ganito na lang. Sawa na po ako sa mga ganyan" Binigay ko ang atensyon ko sa pagkain ko,
Lagi na lang sinasabi ni Ninang to, Pero dinededma ko na lang. Kaya ko naman na ang sarili ko. Lumaki naman aking walang kasama sa buhay. Tama na yung nasaktan ako ng isang Lalake
Kaisa isang Lalakeng minahal ko.
Tama na yun
Dahil kapag nagmahal pa ulit ako, Hindinko alam kung may matitira pa sa ajn kapag nasaktan na namn ako
"Hayaan mo na ang lalakeng iyun. Buksan mo ulit ang puso mopara sa iba.." Pangungumbinsi nito.Nag angat ako ng titig sa kanya at mapait na ngumit
"Matagal ko na siyang inalis sa buhay ko. Sa ngayon ayaw ko po muna isipin ang Pag aasawa."
****************
Gabrielle
"May Alipunga ako. Humihilik ako kapag natutulog. Higit sa lahat... May Sakit ako sa puso. Bawal sa akin ang Mag mahal.." Napapikit kong sabi habang napasapo sa dibdib ko
"Ah... O-Okay. Sayang naman ang Gwapo mo pero ang dami mong sakit." Malungkotna sabi naman niya
"Sige na. Mauna ka na. Tatawagan ko na ang Body guard ko. Sumisikip na naman ang dibdib ko."
"Sige. Magpagaling ka." Kinuha naman niya ang Bag niya at lumabas na ng Restobar
" 1 2 3....."
*Ringggggg*
Mommy Calling
"Hello My labs."
"Ano na namang pinagsasabi mo sa Ka blind date mo? Gabrielle Jhon! Nakailang babae na akong pinakilala sayo!"
"Mom, She's not my style." Napahawak ako sa bibig ko para takpan ang mga ngiti ko
"What in the world is your style?"
"I still don't know. Mom I have to go. See you later I love you!"
Nang maibaba ko ang Phone at lumabas din ako ng Restobar
Hindi ko din alam kung pang ilan na si Zara na kina blind date ko. Si Mommy kasi ang hiig sa mga ganyan. I just don't feel them. Hindi sa ayaw ko. Parang wala pa s pakiramdam ko ang mag nobya. I had a few when I was in college pero after that wala na.
Bumalik ako sa Agency Nagpaalam lang kasi ako kay Chief. "Kumusta ang Blind Date?" Nakangiting saad ni Jernie sa akin habang may dalawang baso ng Kape. Nilapag niya sa harapan ko ang isang cup ng mainit na kape
"Masaya. Masaya pala manloko ng babae?" Nakangising sagot ko sa kanya
"Wag kang ganyan Gab. Di natin alam kapag Ikaw ang na inlove baka ikaw ang ma sawi." Natatawang sabi naman nito
"Hindi ah. Kapag ako nag Nobya papakasalan ko siya kaagad."
"Nababaliw ka na ba? Hindi lahat ng magiging Nobya mo siya na talaga ang papakasalan mo magisip isip ka nga."
"Basta, My next girlfriend will be my wife. Wag kang mag alala, Maiinlove din itong Gwapo na to."
************
Unedited.
May contain erors
BINABASA MO ANG
From The Broken (Mafias Series # 5) - RAW/UNEDITED
General FictionREAD AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Masiyahing Tao si Tracy. Despite of her past and her, being familyless.. She is very inspired and optimistic all the time. Matapos siyang tinakbuhan ng nobyo na papakasalan sana ay isinumpa...