Gab's POVNasa kalagitnaan ako ng Meeting kanina ng tinawagan ako ni Tracy na nagpapasundo daw ito. Nasa Munoz daw siya at pati ako hindi ko alam kung bakit siya napunta dun.
Tinigil ko ang sasakyan nang may makita akong Babaeng nakauniform ng Pink. Yung sa Nurse.
Nang bumaba ako sa sasakyan ay nakita ko si Tracy na may hawak pang Folder at stethoscope
"Seriously? Medical Mission sa highway?" Hindi makapaniwalang sabi ko naman sa kanya nang malapitan siya
"Eh kasi..." Parang nahihiya pa itong magsalita
"Ano nga? pano ka napadpad dito?"
"Kasi naiwan ako ng sasakyan." Napapikit na lang ako sa sinabi ni Tracy. Grabe talaga Tracy ginugulat mo ako sa maraming bagay!
"Iniwan-Paano ka iniwan?" Yumuko ako para magkapantay kami
"Eh nasira tong sapatos ko eh!" Nagulay ako nang sumigaw ito ay ipinakita niya sa akin ang Puting Shoes nito na natuklap
"Ikaw ba maglakad sa walang katao taong highway na paa paa ka!" Naiiyak na sabi naman nito at napatingin ako sa paa niyang marumi na. "Tagal tagal mo pang dumating kanina pa ako nagugutom" Kinusot kusot nito ang mata niya na parang batang umiyak
Paano naman kita mapapagalitan Tracy kung ganito ka.
"Sige na. Sige na. Sorry na napagalitan kita. Kakain tayo sa Buffet may nakita ako sa daan kanina. Pasok ka na sa Kotse." Masunurin naman ito at pumasok kaagad siya sa Kotse. Nang maisara ko ang Kotse ay napasinghap ako
"Lord, Iniisip ko talagang Dalawa po ang anak ko..." Napayuko ako.
"Ano na. Gutom na ako..." Kumatok si Tracy sa bintana at kinonsensya pa talaga ako
"Oo eto na." Nagmadali akong pumunta sa Driver's Seat
****************
Kumain kami ni Tracy sa Buffet na nadaanan ko kanina. Actually tapos na ako. Siya itong hindi pa tapos. Para akong nanonood ng Eating Race habang pinagmamasdan ko siya
"Oh Oh.." Nakita kong napatingin ito sa Kuhanan ng Pagkain "Gusto mo dalhin ko yung Letchon dito?"
"Ajdkeodne" Hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil punong puno naman ang bibig nito habang nagsasalita
Napatigil ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. It was Venice
"Hello? Venice."
"Gab? Asan ka. Puntahan mo kami dito sa Hospital ngayon." Bigla akong naalarma sa sinabi ni Venice
"Sinong Nahospital?"
"It's Rowin. He was attacked by an Assasin."
"Wait. What? Assasins? Do they still exist?"
"Just come here. Maguusap tayo."
Agad kaming Bumalik ng Manila. Kanina lang bago ako umalis para sunduin si Tracy ay nagusap kami ni Rowin. Nagpaalam ito sa akin na hahanapin ang susi ni Mia sa bahay nila at pagbalik ko, saka namin papasukin ang Locker Room dahil gaya ng sabi ni Luke. Naabandona na ang mga Lockers.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Tracy nang makapag park ako dito sa Hospital. Hindi kasi ito nakaimik buong byahe
"Oo. Mejo busog ako. Dito na lang ako. Hintayin na lang kita." I don't know why it felt such a relief to her smile
"Sige. Dito ka lang. Saglit lang ako." Lalabas na sana ako ng kotse pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko
"Bilisan mo ha. Gusto ko na matulog."
BINABASA MO ANG
From The Broken (Mafias Series # 5) - RAW/UNEDITED
General FictionREAD AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Masiyahing Tao si Tracy. Despite of her past and her, being familyless.. She is very inspired and optimistic all the time. Matapos siyang tinakbuhan ng nobyo na papakasalan sana ay isinumpa...