Tracy's POV"Tracy nanjan ang Boyfriend mo!" Bigla akong napangiti nang marinig ko ang sinabi sa akin ng kasamahan ko. Clinose ko ang Folder na chinecheck ko at inayos ko ang tindig ko.
Masarap talagang magkaboyfriend, Lalo na kung yummy at Gwapo pa. Tapos handang ibigay maski ang sarili niyang bahay para lang sayo.
Ang pogi pogi talaga ni Gab kahit anong isuot niya.
"Aray!" Nagulat ako nang bigla akong naitulak ng isang Stretcher na nagmamadaling ipasok ng mga Nurse.
Badtrip! Wapoise ako!
"Tracy!" Agad akong nilapitan ni Gab at tinulungang tumayo
"Maganda pa rin naman ako diba?" Tanong ko kaagad sa kanya. Tumango naman ito sa akin at ngumiti "Oo naman. Sobra."
Nagulat ako nang Bigla akong hinila ni Gab sa tabi "Oh Bakit?"
"Iniisip ko lang Tracy, Hindi ko pa kase naitatanong sayo ito." Napansin ko ang sunod sunod na paghinga nito. "Kailan mo ba ako sasagutin?"
Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Gab "Yan lang ba ang ipinunta mo dito?" sabi ko naman sa kanya
"Eh tatanongin ko sana kaninang umaga pero nagmamadali ka."
"Ano ka ba naman Gab," Mahina kong sinapak ang dibdib niya "Sa dami dami ng pinagdaanan nating dalawa kailangan mo pa ng sagot?" Bigla naman siyang napatigil at parang nag isip
"Makinig ka sakin, Masyado kang praning eh" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito
"Mahal kita Gab," Tinignan ko siya sa mga mata niya "At ayaw kong saktan ka ng mga magulang ko. Aminado akong hindi ako sang ayon sa misyon mong ito. Pero pakiramdam ko kapag gagawin mo ito mapapatawad mo na ang sarili mo dahil sa mga taong nawala sayo."
"At hindi mo kailangan madaliin ang mga bagay bagay. At ang Sagot ko, Oo. Matagal na kitang sinasagot. "
"I'm Sorry" Napayuko ito at hinawakan ang mga kamay ko "Kung hindi mo kayang magpatuloy sa misyon niyo pwede ka namang mag back out."
These past few days nagiging praning si Gab. Hindi ko man sinasabi pero alam kong dahil sa Operation ito.
"The Operation will be in 3 Days." Nagbuntong hininga ito at kumalas sa akin
"Hindi ko alam ang mangyayari pagkatapos ng mission. " Ramdam kong kinakabahan ito bigla "Ito ang unang pagkakataon na natatakot akong sumama sa misyon. Hindi talaga ako makapakali kanina pa."
Hinawakawan ang mga kamay ni Gab ng mahigpit "Hindi ka nagiisa sa labang ito." Ngumiti ako sa kanya
"Sana lang, Pumanig ang diyos sa atin.."
"Ihatid na kita sa Bunker. Gusto ko makita ulit yung mga Tv!" Pagpriprisinta ko sa kanya "At saka para di ka pagalitan ni Nate."
****************
Hinatid ko si Gab sa Bunker nila. Yun nga lang natalakan ako ng kaunti ni Nate. Pero ayos lang. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko kulang kami ng oras para sa isa't isa ni Gab. Pero umaasa parin ako na matatapos itong lahat.
Ngayong natagpuan ko na ang sa tingin ko ay para sa akin, Bakit pakiramdam ko napakaraming hadlang sa aming Dalawa.
Habang papalakad ako papuntang Hospital ay nagulat ako sa Kotseng hunarang sa akin.
May mga Lalakeng lumabas duon at mukhang armado pa ito.
Napaatras ako nang makita ko sila. Lumapit sa akin ang isa bago pa man ako makatakbo "Get in the car." May slang pa ang pagkakasabi nito, Palagay ko ay Foreigner ang isang ito
BINABASA MO ANG
From The Broken (Mafias Series # 5) - RAW/UNEDITED
General FictionREAD AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Masiyahing Tao si Tracy. Despite of her past and her, being familyless.. She is very inspired and optimistic all the time. Matapos siyang tinakbuhan ng nobyo na papakasalan sana ay isinumpa...