Tracy's POV
"Tracy!" Agad kong nakita si Gab na tumakbo papalapit sa akin. "Kanina pa kita hinihintay." Nakangiting saad nito sa akin. Para bang napawi lahat ng pago ko nang makita siyang ang saya saya. Bibihira kasi si Gab na ganito. Yung parang dati lang na kahit mapanglait pero kita mo sa mga mata niyang masaya siya talaga.
Sa dinami dami ba ng pinagdaanan namin at sa hirap ng sitwasyon namin.
"Nandito ka na naman hindi mo na naman ako matiis." Sinuntok ko ng mahina ang dibdib niya
"Bukas, Magdate tayo. May sasabihin akong Importante sayo." Bigla naman niyang sinabi. Napakunot ang mga noo ko at hinintay ko ang mga susunod niya sasabihin "Sa Function Hall nila Rowin. Inupahan ko sa kanya ang buong lugar. Kaya siputin mo ako. Wag kang Paasa!" sabi pa nito. Mahina akong napatawa at tumango tango na lang sa kanya. Matitiis ko ba si Gab.?
Katulad nga nang sinabi ni Gab, ay siputin ko daw siya sa Date namin. Hinatid ako ni Tyron sa Hall. Napamangha ako nang makita ko ang buong Lugar "Ganda..." Napaikot pa ako habang tinitignan ang mga Puno ng Niyog na pagkataas taas
"Mag enjoy ka sa Date niyo." Kininditan ako ni Tyron "Saka Bigyan mo siya ng Fuel para sa mission"
"Manyak manyak talaga ng taong ito kahit kailan." Inirapan ko naman siya
"Masaya lang ako kay Gab, Ngayon he is inlove with someone. He is not alone anymore. Thanks to you." Napansin ko naman na totoo na itong sinasabi ng mokong
"Ikaw din, Huwag mong papabayaan ang pamilya mo. You should make it up to them always.." sabi ko at sinuntok ang braso niya
"May krimeng nagawa ba ako bakit parang nagbabanta ka?" Natatawang saad naman nito. "Kirminal ka naman talaga sa paniningin ng lahat ng mga babae eh!" sabi ko nalang sa kanya at iniwan siya dun.
Nahanap ko si Gabby sa may Dagat. Ang Pogi talaga ng Likod kahit kailan. "Wow.." Napatigil ako nang biglang umilaw ang buong kapaligiran. There are candles on the way to him. Liningon ako ni Gab at kinawayan. May hawak pa itong flowers.
Naglakad ako papunta sa kanya. Grabe ang Romantic naman nito. Bakit naman ganito kabongga ang date namin.
"Ganda ba?" Tanong agad nito nang makalapit ako sa kanya
"Mas Maganda kung Ilipat mo yung Dagat sa loob ng Function Hall." Pagbibiro ko naman sa kanya.
"Subukan ko next time.."
"Napakaganda mo talaga.." Bulong nito nang hinawakan niya ang mga pisngi ko.
"Thank You for coming into my life.." Bigla kong naramdaman ang pagkirot ng puso ko sa mga sinasabi ni Gab "Thank you for turning me into someone..."
"Bakit mo sinasabi lahat ng ito?" Tumingala ako sa kanya
"Dahil gustong gusto na kitang makasama. Gusto kong matapos ang lahat ng ito at ikaw naman ang asikasuhin ko. We only had one proper date. " Nagtama ang mga tingin namin ni Gab at parehong namumuo ng luha ang mga mata namin.
Hinayaan kong hagkan ni Gab ang labi ko. Ipinikit ko ang mata ko ang dinama ang pait at sakit ng pagmamahalan naming dalawa. Ganunpaman, Sobrang saya ko pa rin sa pagkakataong ito dahi magkasama kami sa kabila ng lahat ng mga nangyayari.
"Papayag ka bang pakasalan ako?" mahinang sabi nito nang kumalas ang mga labi niya sa labi ko.
Hindi ako nakasagot at tuluyang bumagsak ang mga luha ko. Mukhang nagulat si Gab sa Pagiyak ko. Hindi ko napigilang ang mapahagulgol. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang iyak ko. Pero ang hirap. Tuluyan akong natalo ng damdmain ko at umiyak ako sa harapan ni Gab.
BINABASA MO ANG
From The Broken (Mafias Series # 5) - RAW/UNEDITED
Fiksi UmumREAD AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Masiyahing Tao si Tracy. Despite of her past and her, being familyless.. She is very inspired and optimistic all the time. Matapos siyang tinakbuhan ng nobyo na papakasalan sana ay isinumpa...