Broken - Twenty Seven

29.1K 717 14
                                    


Tracy's POV

Napatingin ako kay Gab nang makarating kami sa Lugar na sinasabi niya. Ngayon kasi ay magdadate kami ni Gab. Pero hindi ko inaasahang sa FoodPark kami pupunta

"Why?" Napansin ata ako ni Gab

"Dito ba tayo magdadate?" Nakakunot kong tanong sa kanya

"Hmm. Kase Street Foods dika makapaniwala?" Mahinang napatawa ito

Hinawakan ni Gab ang kamay ko at naglakad kami papunta sa Kantorini.

"Alam mo ba ito, Foodpark inspired sa Greece. " Sabi naman niya habang naglalakad kamo sa mga nakahilerang Kainan

"Ah. Santorini" saad ko naman habang pinagmamasdan ang buong lugar. Ang ganda nga. Ang Cute napakaromantic ng View kapag gabi.

"Sa susunod ipupunta kita sa Greece." Napatigil kami pareho sa paglalakad

"Ayaw mo ba kumain dito?" Yumuko ito para makita ang mukha ko. Pero ngumiti ako at umiling

"Palakain ka kase hindi ko alam ipapakain ko sayo." Napakamot ito sa ulo niya. Napapangiti nalang ako sa pagkakasabi ni Gab

"Ang ganda nga dito eh."

Nakuha ng Bandang tumutugtug ang atensyon ko.

Bigla akong nahirapa. sa paghinga. Para akong hinihingal na kinakabahan. Nagiinit ang mga pisngi ko at parang may mga paru paru sa tyan ko.

"Tracy.. Bakit.." Nagaalalang tanong ni Gab "Masyado ba kitang minadali." Hinawakan nito ang balikat ko. Nang tumingin ako kay Gab ay parang lalo akong kinabahan at inatake ng nerbyos

"Hindi ko alam Gab," Tumingala ako sa kanya "Ang lakas ng tibok ng puso ko." Sabi ko at tinuro ang dibdib ko

"Oh bakit ka pa naiiyak.." Hindi napigilan ni Gab ang mapangiti habang pinagmamasdan niya ako.

"Hindi ko alam Gab.." Napapikit ako kasabay ng pagtulo ng luha ko

"Ay ano ba naman yan Tracy umiiyak ka sa First Date natin." Sabi naman ni Gab at pinunasan ang mga luha ko
"Para kang Bata tapos Tatay mo ako. Lahat ng nararamdaman mo sinasabi mo. Kulang na lang pati Kabuwanang dalaw mo. Ano na ang gagawin mo pag wala ako."

Tumagos sa dibdib ko ang sinabi ni Gab. Ano nga ba ang gagawin ko kapag wala ka. Parang hindi na ako sanay na wala ka Gab. Lagi nalang akong komportable kase may Gab na tutulong sa akin lagi.

Kaya ba nahulog ako sayo dahil ganito ka sa akin? Pakiramdam ko hindi mo ako kayang saktan. Pero pamiramdam ko nama. ako ang dahilan kung bakit ka nabubuhay ng ganito.

"Hindi ko na maala kung kailan ako huling nakipagdate." sabi ko kay Gab habang nagpupunas ng luha. "Hindi ko rin naisip na mauulit pa yun." Mahina akong napatawa

"Ganun ba kasakit?" Tanong naman nito. Tumango lang ako at napayuko "Ang sakit sakit ng mga nangyayari sa buhay ko.." Napaluha ako mismo sa mga sinasabi k

"Minsan nagtatanong ako, May mabuti pa bang mangyayari sa buhay ko?" Napahikbi ako

Napatigil ako nang biglang yumuko si Gab at hinalikan ang noo ko. "Meron. Marami pa." Bulong nito sa akin

"Pwede ka pang maging masaya sa akin. " lumandas ang mga kamay nito sa pisngi ko

"Nakikita mo yang mga yan" sabi naman nito at tumibgin sa mga kainan na nakahilera " Ibibili kita ng pagkain sa lahat ng kainan jan kung yun ang gusto mo. Magoorder ako ng Limang box ng pizza kung gusto mo."

"Wala nang pwedeng magpaiyak at sumayang sayo."

"Bakit ba lagi mo akong prinoprotektahan?" Natanong ko naman sa kanya

From The Broken (Mafias Series # 5) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon