"Bakit ka ba tulala, Nagaalala na ako sayo. " Yinugyug ako ni Thea
"Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin Thea.." Napayuko ako sa lamesa. Agad na inilayo ni Thea ang kape ko sa ulo ko
"Bakit ba, eh si Gab lang naman yun. Saka anong bago. Lagi ka namang ililigtas ni Gab. Dahil nga Friends daw kayo." Naramdaman ko ang sarcastic sa boses nito
"Kasalanan mo kasi to eh! Tapos! Yung pinagsasabi ko pa!"Naiiyak na talaga ako
"Si Jacob yun may asawa na yun!"
"Yes, and his wife is here." Nagulat kami sa boses na narinig namin. Lumingon kami sa likoran namin. Nanduon si Doc Rian
"D-Doc." nauutal na sabi ni Thea
"Miss Tracy, mind helping me to go rounds.?"
"Yes po." Hinigop ko ng mabilisan ang Kape ko bago ako sumunod sa kanya. Pakiramdam ko mapapagalitan ako nitl.
"May gusto ka ba sa asawa ko?" Matapos ang nakakabinging katahimikan ay bigla siyang nagsalita habang chinecheck ang unang pasyente
"Wala po" Napayuko ako
"Pero kay Gab?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Mukhang nahalata niyang hindi ako malasagot at nilingon ako nito. Lumipat kami sa kabilang pasyente at hindi parin ako umiimik
Teka bakit nga ba ak hindi makasagot eh ang dali dali naman ng sagot.
"Hindi-"
"Hindi mo kayang bag BP?" Tinaasan ako ng kilay nito
"Ano pong BP?"
"Sinabi ko kung kaya mo bang kuhanan ng BP si Tatay. Nakikinig ka ba sakin?"
Agad kong kinuha ang sthetoscope at kinuhanan ng BP si Tatay. Naku po. Lalabas na naman ang pagkademonyita ng babaeng ito
Nang makuha ko ang BP ni Tatay ay bumalik ako sa likoran nito
"You know Miss Rivera." Humarap ito sa akin
"If you are not sure of your feelings, There is only one way of finding it out." She paused
"If you fell to one of them, I mean Jake and his friends, There is no way of going back." Lumapit ito sa akin.
"Your only option is to go farther." Pagkatapos ay Iniwan niya ako sa kinaroroonan ko.
"Oh My God!" Sinabunutan ko ang buhok ko
"Wag si Gabrielle!!" I freaked out.
"Miss Rivera!" Narinig ko ang sigaw ni Doc Rian
**************
Aalis na sana ako nang maidala ko ang Lunch ni Gab, Nang tinawag niya ako. Ayaw kong Lumingon!
Nagdirediretso akong naglakad papubta sa gate pero laking gulat ko nang bigla itong magsara.
"Susmaryosep! Manong!" Sigaw ko sa gwardya
"Tracy, I need to talk to you " Naramadaman kong nasa likod ko si Gab
Sumunod ako kay Gab sa loon. Nakita ko pa si Jernie sa may Front Desk na ang sama sama ng tingin sa akin.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ni Gab sa akin. Natural di pa sinabi sa akin. Pero ang weird lang kasing pumasok dito ulit.
Binuksan ni Gab ang pintoan papunta sa Board Room. Pinauna niya akong pinapasok at saka sumunod ito sa akin. Napatigil ako nang makita ko si Tyron, Rowin, Luke at Jacob sa loob na may kanya kanyang pinagkakaabalahan
Anong nangyayari dito? Magkakasama pa talaga silang lima?
"Gabby? Ano to?" Tanong ko sa kanya at sinundan siya ng tingin. Pero hindi uminik ito at may kinuhang Folder.
BINABASA MO ANG
From The Broken (Mafias Series # 5) - RAW/UNEDITED
General FictionREAD AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Masiyahing Tao si Tracy. Despite of her past and her, being familyless.. She is very inspired and optimistic all the time. Matapos siyang tinakbuhan ng nobyo na papakasalan sana ay isinumpa...