Pakiramdam ko ako si Cinderella and tge 5 Knights.
Tinulungan kasi ako nila Gab ba lumipat dito sa Bahay ni Gab.
Ang weird, Kailangan kong manirahan sa bahay niya. Pwede naman sa bahay na lang kaso ipinasa kasi ng Order ng Agency na Bigyan ako ng Protection Program.
"Tracy.." Nilapitan ako ni Lianne at yinakap.. "Hindi ka nila papabayaan. Tiwala lang." Sabi pa nito at hinagod ang likod ko.
"Okay lang. Saka ang gwagwapo naman ng mga proprotekta sakin. Pwede nako mamatay anytime." Agad na kumalas si Lianne sa pagkakayakap sa akin
"Mga kasal na yan Bruha to." Natatawang saad naman nito "Si Gab lang ang hindi. Do you think there is a reason why he is not married yet?" Napatingin kami pareho kay Gab
"Mapili siya sa babae." sabi ko naman
"Hindi. Kasi si Gab ay para sayo." Humalakhak ito. Sinamaan ko lang siya ng titig kahit tawa ito ng tawa
"Oh Bakit tawa ng tawa ang asawa ko?" Tumigil si Rowin sa tapat ni Rowin habang mau bitbit na karton.
"Sabi ko kase kaya single si Gab, Kasi para kay Tracy siya." Natatawang sabi naman nito.
"I actually agree." Kinindatan naman ako ni Rowin "Pakiss ako Lianne. Pagod nako eh." sabi naman nito. Itong Lianne naman kiss naman agad sa cheeks. Tapos tuwang tuwang pumasok sa loob tong si Rowin
"Hiwalayan mo na kaya siya."
"May dalawang anak na kami no. Sana noon pa." Tumawa kaming dalawa.
"Jusko Amari! Madapa ka!" Napatingin kami nang marinig namin ang sigaw na yun. Hindi namin namalayan ang pagdating ni Juniel at Rian. Yung anak ni Tyron na mataba nagsisitalon kasi sa harapan ni Tyron na may bitbit na karton.
"Hahahaha!" Hindi ko mapigilan ang mapatawa
Nakita kong agad na binuhat ni Juniel si Amari.
"May Family Reunion ba dito o Painggit Party para sa akin?" tanong ko kay Lianne habang paparating si Nyda na may hawak na Cake
"Painggit Party?" Tanong naman ni Lianne
"Puro kayo may mga asawa eh. Badtrip."
"Nagimibita ang Mommy ni Gab. Gustong gusto ng Mommy ni Gab ang mga bata."Pagpapaliwanag naman nito.
Sweet din yung mama ni Gab eh. Parang ready siyang magkaanak ng isang dosena.
"Hi Tracy! Baby say hi to Tita Tracy dali" Lumapit si Nyda sa akin pero pangiti ngiti lang yung baby boy niya
"Hi" Ngumito rin ako kay Nyda
"Grabe ang ganda ni Nyda sa malapitan. Naiispeechless ako." Napasapo ako sa dibdin ko. Parang hindi kasi siya nanganak. Naiinis talaga ako sa mundo bakit may mga sobrang gandang tao sa mundo. Napatingin ako kila Rian Juniel at Lianne. Ang gaganda nilang lahat. Pati ang kaibigan kong si Lianne na jologs gaya ko dati.
Napagiiwanan na nga ba talaga ako.
Tumingin ako sa sarili ko. Nakapantalon at Blouse lang ako na mukhang 90s pa sumikat ang mga damit kong ito. Tapos mukhang gurang pa ang mukha ko. Sila may mga anak na. Parang artistahin parin ang mukha.
Siguro kaya ako iniwan ni Carlo kasi ang pangit pangit ko.
"Pasok na tayo." Nagulat ako nang Tumambad si Tyron sa harapan ko.
"Wala na sila?" Tanong ko naman sa kanya
"Nasa loob na. Bakit ka ba nakatayo lang jan?""Sige na pumasok ka na." Pumunya ako sa gilid para may dadaanan siya. Lumakad siya papasok sa gate pero bigla siyang tumigil
BINABASA MO ANG
From The Broken (Mafias Series # 5) - RAW/UNEDITED
General FictionREAD AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Masiyahing Tao si Tracy. Despite of her past and her, being familyless.. She is very inspired and optimistic all the time. Matapos siyang tinakbuhan ng nobyo na papakasalan sana ay isinumpa...