Broken - Thirty Three

29.4K 720 37
                                    


Sa larangan ng pag ibig, Hindi pwedeng mahina ka. Hindi pwedeng makasarili ka. Dapat marunong kang umunawa at magparaya.

Pero isa sa pinakamasakit na gawin ay ang magparaya. Minsan hindi naman laging tamang ilaban ang Pag ibig. Sometimes it is better to let go.

Hindi ko aakalain na aabot ako sa puntong pagtyatyagahan ko ang pagtingin sayo sa malayo. Sabik na sabik akong tumakbo papalapit sayo at yakapin ka. Gustong gusto ko nang kumain kasama ka.

Nang bigla kong napansin na lumingon sa direksyon ko si Gab ay nagtago kaagad ako sa Puno at isinuot ang Cap ko.

Nang makita kong pumasok na sa Kotse si Gan at nagpaalam sa mga kasamahan niya ay umalis ako sa pagtatago at pinagmasdan ang sasakyan niyang papalayo.

"Naks. Talaga Oh." Napapitlag ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon

"Makikipagbreak tapos manghihinayang." Lumapit sa akin si Nate na may hawak na canned beer.

"Sira Ulo ka nga talaga." Sabi pa nito at umupo sa bench

Akala ko ba, Galit itong taong ito sa akin. Bakit niya ako kinakausap.

"Bakit ka ba nandito." Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Ikaw ang bakit nandito sa Kampo namin. Spy ka ba?" Hindi ko siya sinagot at tinignan ko lang siya ng masama

"Wah. Shit nakakatakot ka talaga dun ka nga tumingin" Umilag pa ito.

Bigla akong natahimik at nagiwas ako ng titig kay Nate. Nandito lang naman ako kase gusto kong makita si Gab. Gusto ko siyang makausap pero hindi ko naman kayang lapitan siya.

Ni hindi nga ako makauwi sa bahay niya. Maswerte na kung machachambahan kong wala siya.

"Puntahan mo siya kung gusto mo kausapin." Narinig kong sabi ni Nate "Hindi yung nagtatago ka na parang may kasalanan ka. "

"It's also hard for us that you turned out to be the daughter of our enemy."

Napatingin ako kay Nate nang mapansin kong may kinukuha ito sa bulsa niya.

"Wag kang gumaya sa akin." Pangiti ngiti pang sabi nito. "I just have to watch her from a distance."

Sinilip ko ang tinitignan niya sa wallet niya. Nakita ko ang larawan ni Rian dun.

"May asawa na siya ah, Hindi ka pa rin nakakamove on"

"Tanggap ko naman na masaya na siya. Pero gugustuhin ko pa rin siya hanggat gusto ko. Hindi naman ako nanggugulo ah" Sabi naman nito at tumingin sa akin

"Pero masasaktan ka. Nahihibang ka na ba?" Hindi ko napigilang mapataas ang boses ko

"Nakilala ko si Rian nung Elementary siya. Umeextra ako sa Canteen nuon bilang kargador. High School na ako nuon. Magkokolehiyo na sana pero natigil ako. Maganda yan nung bata. Alam ko pa ang bahay nila. Kapag napapansin kong hindi siya uuwi, Sinusundan ko siya nang palihim. Until one day, ayun na nga nagkita sila ni Jake. Hindi ko na siya nakita pa."

Napansin kong parang bumigat ang loob ko at parang namumuo na ng luha ang mga mata ko. Who would love like Nate?

"Tapos akala ko, may chance na ako. Wala talaga eh." Ngumiti nalang ito pero napansin kong mabigat ang loob niya

"Ano ba bakit ka umiiyak."

Nagulat ako nang may kunin siyang larawan sa wallet niya at inabot nito sa akin. Isang larawan ng baby

"Her name is Fatima Lyra. Ang ganda niya diba?" Napatingin ako sa kanya "She is my daughter. But It's too dangerous to be her father." Napayuko siya

"Hindi ka mahal ng babaeng mahal mo. Hindi mo rin magawang maging tatay sa anak mo. "

From The Broken (Mafias Series # 5) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon