Broken - Fiftheen

31.5K 768 23
                                    


Naabutan ko ang mga kasamahan ko sa Agency na nagaayos ng mga kaso. Mukhang marami rami nga ang mga inaasikaso nila. Hindi ko matandaan kung kailan ulit kami nagkaroon ng ganitong kaso

"Buti nanjan ka na. Kuha ka ng Kaso mo dun. Puro Missing Person ito. " Untag naman sa akin ni Venice at nakita ko ang maraming Folders sa kamay niya

"Well.." Tinignan ko ang mga nakalatag na Folders sa mesa "I'll take a Murder Case." Sabi ko naman at akmang kukunin ang Folder nang may biglang pumigil sa kamay ko

"I think you should take this." It was Jernie. She gave me a folder

"This is closed." Ilalapag ko na sana ang Folder pero pinigilan ako ni Jernie. Masama ang tingin ngayon nito sa akin. Binuklat ko ulit ang Folder

"Carlo Cabel?" I read the name. I saw pictures. Murdered 1 year ago?

"Eh wala naman kasing ebidensya ito." sabi ko at isinara ang Folder

"That man is Tracy's Ex Boyfriend." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jernie

"Wag ka nang magtaka kung walang ebidensya dahil si Tracy lang pwedeng gumawa niyan sa kanya. That girl is murderer!"

"You stop calling Tracy a murderer!" Hindi ko napigilan ang pagsigaw kay jernie. Napatingin lahat ng mga kasama namin sa amin.

"I know you hate her. But you don't have any right to acuse her. Fine I will take rhia case! If I prove to you that she's innocent. You and I? were done!" Nakaigting ang mga panga ko. I don't know where my anger came from.

I walked away from them. She is too much. She is not in the place to talk like that anymore. and I barely know her.

Nagpunta ako sa Office ko. Hinalungkat ko Folder ng kaso ni Carlo. He was killed by a gunshot. This case never came last year. And I swear I never knew about it.

"Carlo.. Why did you die.." Napapikit ako at napaupo sa swivel chair. "What am I suppose to say to Tracy?"

Maghapon ko inasikaso ang kaso ni Carlo pero wala akong nakuha. Sinubukan naming I track ang last location niya bago siya nawala. Pero wala parin akong makita.

Mabigat sa loob ko habang ginagawa ko ito. What Tracy know is that Carlo run away from their marriage. One of the reason why Tracy is broken, is Because of him

How would she feel if she finds out that Carlo is dead

************

"Diba sabi sayo! Maramibg Pogi dito!" Sigaw ng sigaw si Thea. Nasa Bar kami ngayon dito sa Guanzon. Yinaya kasi kami ng workmates naming magbar. Actually, Hindi ako masyado nagbabar. Pero sobrang enjoy na enjoy ako ngayon dito sa Bar na ito.

"Grabe Tracy. Napakasexy mo sa Damit ko!" sabi naman nito at hinead to foot pa ako ng baliw "Ang sikip kaya! Pero ang sexy nga" Tumawa kaming dalawa at nag apir.

"Teka lang ha. Wala na kasi akong inumin. Hehe" Nagpunta ako sa Bar at umuoo sa high chairs kung saan ang popogi ng mga barista

"What can I give you?" Napakagat nalang ako sa labi nang marinig ko ang baritonong boses nito

"Bigyan mo ako ng Lovelife. Para naman hindi ako magmukhang Bitter " sabi ko naman at kumindat sa kanya. Ngumisi naman sa akin ito. Narinig ko rin ang mahinang pagtawa nito

"Bakit wala ka bang lovelife? Parang meron naman ah " Sabi naman nito at ngumiti sa akin

"Wala. Lagi akong iniiwan."

"Oh.." Kasi naman napupuno na pala ung baso ng beer na nilalagyan niya. Pinunasan niya ang umapaw na beer at ibinigay sa Dalawang babae

"Yan kasi, Hindi mo namamalayan na sobra na pala. Maraming nasasayang." sabi ko naman sa kanya

From The Broken (Mafias Series # 5) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon