Chapter 10 - The door

2.7K 53 19
                                    

Hindi ko alam kung anong meron sa araw na 'to. Maganda kasi yung gising ko dahil hindi ako kinulit ni carlos at mama for the first time. Ugali kasi nila 'yon pag umaga na mangulit, ewan ko rin pero parang routine na nila, ewan ko rin pero ngayong araw na 'to ang peaceful ng morning , nakakapanibago. I guess, napgod na sila? Tapos favorite ko pa 'yong niluto ni mama na breakfast. Everything was great.

Everything was great until, na realize ko half way through habang nag lalakad ako papuntang school ay nakita ko yung tao na dapat kong iwasan. Nakasandal siya sa kotse niya habang nakatingin saakin.

Pinili ko nalang na hindi siya pansinin at naisip kong daanan nalang siya dahil nakikita ko palang siya feel ko mapapahamak nanaman ako.

"Get in the car."



Natigilan ako sa pag lakad. Naramdaman kong lumapit siya saakin. Napa pout nalang ako. Bakit ba sa lahat ng pwedeng makita ngayong araw, bakit siya pa. Yung taong ayaw ko pang makita. Naisip ko kasi yung sinabi ni Fear kahapon. Natatakot lang naman ako. Ayaw ko nang ma involve sakanya or sakanila. Ayaw ko nang mapahamak pero bakit yung tadhana, ayaw ata saakin at pilit na pinag kikita kami.

Pinagpatuloy ko yung paglakad pero bigla niyang hinigit yung kamay ko and last thing I know ipinasok niya ako sa kotse niya. That was fast. Tell me nasan na 'yong plano ko na pag iwas sakanya , kung nandito naman ako sa kotse niya. Naman e!



Naka kunot ang noo kong sumama sakanya dahil wala naman akong choice. Kanina ko pa sinasabi sakanya na ayaw ko nang sumama sakaniya pero di siya nakikinig. Kanina ko pa sinasabi sakanya na ayaw ko na ng plano niya at tantanan na niya ako pero di siya nakikinig. Bakit ko ba 'to nakilala?! Tell me!

Biglang nag vibrate phone ko. Nagtext lang pala si mama saakin. Tinanong niya kung dinala ko ba daw yung payong ko dahil may super typhoon daw ngayon, mag ingat daw ako.

Pagpasok ng kotse ni mapanganib na lalaki sa university ay as usual nag sisitinginan ang mga tao. Napalunok ako dahil heto nanaman ang night mare ng buhay ko. Buti nalang at sobrang tinted yung car ni mapanganib na lalaki.

Lumabas na siya sa kotse pero ako ay nakaupo parin. Ayaw ko kasi lumabas, ayaw kong makita ng mga tao na lalabas ako sa kotse ni mapanganib na lalaki. Bago palang ako pero ang dami ko nang haters dito sa university . Bakit ba hindi ako lubayan ng malas.



Tumingin saakin si mapanganib na lalaki na parang na tatagalan siya saakin.

"Hindi ka ba lalabas o gusto mo pang buhatin pa kita jan."

I pouted.

"Ayaw ko lumabas." sabi ko at umiling iling pa ako.

"Are you freaking disobeying me?" kunot na noo na sabi niya.

"Kaloka ka, anong disobeying ka jan. Nanay ba kita? Gusto ko pang mabuhay no! Bakit mo ba kasi ako pinasakay dito, okay lang naman ako sa nag lalakad at magisa na pumunta dito sa school. Alam mo ba kung ilang death threats na natatanggap ko sa email ko simula nung nakasama kita? 139 death threats from unknown people. Ayaw ko nang madagdagan pa 'yon. Gosh! Mapanganib na lalaki, bakit mo ba ako laging pinapahamak!"



"Anika, if they're going to hurt you, they'll have to go through me first."



Napatigil naman ako sa sinabi niya. Asar, in the end lumabas din lang ako. Biglang hinawakan ni mapanganib na lalaki yung kamay ko, dahilan ng pag bulungan ng mga tao sa paligid. Tri-nay kong alisin yung kamay ko sa pagka hawak niya pero sobrang higpit. I swear kung papipiliin ako kung lalamunin ako ng lupa or makasama 'tong lalaking 'to. Mas pipiliin ko nalang na lamunin ng lupa now na.

Danger Is On The Way  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon