Chapter 2 - Bros

4.2K 73 22
                                    



First day ng class ko ngayon. Medyo may confidence na akong pumasok sa school dahil naka uniform na din ako sawakas.

And nice. Wala akong idea kung saan ang classroom 105 dahil sa laki ng school at sa dami ng rooms dito, kaya naman pumunta muna ako sa information office para mag tanong.

Mabuti nalang at agad na sinabi saakin ni ma'am Georgia kung saan ang classroom ko kaya naka abot ako on time.



Pag pasok ko sa classroom ay walang pumansin saakin. May sari-sarili silang ginagawa. Pakiramdam ko ay invisible ako. Hello??????? Pero nag kibit balikat nalang ako at umupo ako sa likod kung saan mayroong vacant chair. Buti nalang at wala pa yung professor namin sa zoology, hindi pa ako late.

"Candice, you're here!" sigaw ng isa sa mga kaklase ko. Napatingin ang lahat sa pintuan, pati ako ay napatingin na rin. Shookt  ako dahil namumukhaan ko siya. Siya 'yong babae na kasama ng mapanganib na lalaki kahapon.

Sa pagpasok niya sa loob ng klase ay lahat naka ngiti sakanya, napansin ko na close niya lahat ang nasa loob ng klase mapa lalaki man o babae.  It girl ang peg niya.

Nakikita ko sakanya na pala kaibiganin siya kaya siya siguro sikat, tapos maganda pa siya.


Nung dumating na 'yong professor namin ay ipinakilala niya ako sa buong klase pero parang wala naman silang pake nung nagpakilala na ako. Napaka sama dito infairness. Hindi ko naman dinibdib gaano kasi naman, what do I expect bago palang naman kasi ako. Pero alam niyo wish ko? Sana may friend na ako. Ang hirap maging loner sa malaking school na 'to! Kastress!

First day palang may recitation slash quiz na kami. Sabi ng prof namin sinusubukan niya lang daw kung may stock knowledge kami at kung nag a-advance reading kami.  Me as a student na go na go lagi sa advance reading,  nagbasa ako ng books in advance last night.

Nung natapos na ang klase ay pumunta na ako sa cafeteria para kumain ng lunch. Mga siguro 30 minutes bago ko nahanap yung cafeteria. Nawawala parin ako! Hilong hilo na rin ako sa pasikot sikot. Siguro pag 1 month naman na siguro ako dito, ma me-memorize ko na din ang lahat dito sa school. Hopefully.

Matapos kong bumili ng pagkain ay umupo na ako sa isang vacant table sa cafeteria. Nag order ako ng isang japanese food dahil wala naman akong choice dahil lahat ng pagkain dito ay japanese food.

Habang kumakain ay napapatingin ako sa mga tao sa loob ng cafeteria. Lahat ay unfamiliar. Malamang Anika!

Ganito pala ang feeling nang bagong lipat. Feel mo mag-isa ka. Char nag drama nanaman ako. Para na akong baliw na ineentertain ko sarili ko sa utak ko.

Napatingin ako sa malayong tapat ko at natuwa ako sa nakita ko. Nakakita ako ng familiar na mukha. Kahit papaano pala ay may kilala din pala ako. Si Fire . Eh keshe nemen ene be hehe.

Sympre hindi ko makalimutan ang mukha niya at lalo naman ang pangalan niya. Napansin ko na may lumapit at tumabi sakanya na isa pang familiar na mukha. Si Candice. Mukhang close sila dahil niyakap niya si Fire. Magkakilala pala sila?

"May nakaupo ba dito?" sabi ng babae sa harap ko. Naka ngiti siya saakin habang hawak hawak niya ang tray na nag lalaman ng pagkain niya.

"Wala, go lang." sabi ko sabay ngumiti ako. "Umupo ka lang."

"Thank you!" sabi nito at umupo na siya. "Anika pangalan mo, tama ba?"

Napatingin ako sakanya at nagulat. "Paano mo alam?"

"Ano ka ba girl, classmate kaya kita. Diba ikaw yung bagong lipat? Diba ikaw yung nag recite kanina? Galing mo dun girl, napanganga mo kaming lahat. Oo nga pala, I'm Bea."

Danger Is On The Way  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon