Chapter 26 - Carlos and Danger

2.6K 58 13
                                    

*3rd person's POV*

Pagbalik ni Anika sa kanilang classroom ay nagulat 'to dahil wala  nang  tao sa loob. Bigla namang na-alala niya na mayroong nga palang fire drill na magaganap sa buong school ngayon. Hindi kasi niya narinig ang bell kanina dahil nasa soccer field siya  kasama si mapanganib na lalaki. Napa kamot siya ulo at tumakbo siya sa fire drill place kung nasaan ang mga ibang estudyante.


Sa hallway, nakita naman ni Candice si Danger na naglalakad. Tila napansin niya na walang balak pumunta si Danger sa fire drill place dahil ibang daan ang nilalakaran niya. Sinundan niya 'to at tinawag ang pangalan.

"Danger!" sabi nito. Lumingon naman si Danger. Itinaas ni Candice ang kilay niya habang papalapit kay Danger. Hindi niya kasi mapigilan ang pag kakainis niya dahil sa nakita niya kanina habang nag P-PE sila na hinawakan ni Danger ang kamay ni Anika. Natatakot si Candice sa hinala niya na baka nagugustuhan na ni Danger si Anika. "Mag usap nga tayo, now na!"



Pumasok sila sa isang vacant na room. Naka kunot ang noo ni Candice habang tinitignan nito si Danger. Nagtaka naman si Danger sa inaasta ng dalaga.

"Tapatin mo nga ako," simula ni Candice. "Gusto mo ba si Anika?!"

"What?" kunot na sabi ni Danger.

"Do you like her?!" sabi uli ni Candice. Maski utak niya ay na fru-frustrate na. Sa loob loob niya ay natatakot siya sa magiging sagot ni Danger. Tinignan siya ni Danger kaya mas lalo siyang natakot sa isasagot nito sakanya. "Wait, no. Wag mong sagutin ang tanong ko. Ayaw kong marinig ang sagot mo."

Tila tuluyan nang natakot si Candice at siya mismo ang nag walk out. Napa iling nalang ng ulo si Danger sa inasta ni Candice.

Lumakad si Danger patungo sa parking lot. Nakita niya na andon si Fear.

"I was waiting for you. We have to talk." sabi nito sa kapatid niyang si Danger.

"You too? Damn." sabi ni Danger sabay umiling iling.

Nabalitaan kasi ni Fear  na nasisante ang famous PE teacher na si sir Val.

"Danger, are you really building your own fucking grave? Bakit mo sinesante yung PE professor na 'yon, alam mo namang panganay na kapatid 'yon ni Seven. Damn it Danger, you're an ass you know that?"


Nakita ni Fear na nag smirk ang kapatid niya na parang wala siyang pake.
"I don't care at all."

Lumakad si Danger papunta sa sasakyan niya at iniwan na nakatayo si Fear doon. Bago pa man makasakay si Danger ay nagsalita muli ang kapatid niya.


"Let me guess, it's about Anika." sabi ni Fear . Hindi naman nag salita si Danger. Napa shook ng ulo si Fear dahil sa inaasta ng kapatid niya. "Bakit ko pa ba tinanong obvious naman ang sagot."


"I'm going." sabi ni Danger sabay lumoob na siya sa kotse niya.

Umalis na si Fear sa may parking lot at naglakad sa hallway ng campus nila. Habang naglalakad ay iniisip niya kung ano nanaman ba ang paparating na gulo na mangyayari. Kilalang kilala ng mga magkakapatid si Seven. Bakit? Dahil isang former na estudyante si Seven sa Taka no hitomi University. Doon rin nag aaral ang isa niyang kapatid na binugbog ni Danger dati noong egg incident at doon din nag tra-trabaho ang panganay niyang kapatid na PE professor na tinanggal ni Danger kani-kanina lang. Dahil isa si Seven sa pinaka basagulero at nag uumpisa ng gulo sa Taka no hitomi University dati ay na expel siya sa school . Kaya naman lumipat siya sa kabilang eskwelahan. Mahal na mahal ni Seven ang mga kapatid niya kaya kung sino man ang gumago sa mga 'to ay makakatikim ng pagka demonyo niya.

Habang nag lalakad ay nakasalubong niya ang isa pa niyang kapatid na si Fire.

"Fear, nakita mo si Anika?" tanong ni Fire sa kapatid niya. "Where the hell is she? 2 days ko na siyang hindi nakikita. May pupuntahan pa sana kami bukas."

"Fire, stop it." sabi nito ng maikli. Pinagmasdan ng maagi ni Fear ang kapatid niya. Alam kasi ni Fear na may binabalak ang kapatid niya na hindi maganda. "Tahimik lang ako, pero alam ko ang mga nangyayari."



"Anong pinagsasabi mo." sabi ni Fire.




"I know the story about you, Candice and Danger. Pinili ko lang na hindi makielam because after all , it's none of my business."



Biglang natahimik si Fire.

"I know you're hurt." sabi niya na ikinagulat ni Fire. "But don't be such a fucking asshole , you're better than this Fire."


Iniwan ni Fear ang kapatid niya sa may hallway at dumeretso na siya sa klase niya.

Habang nag dri-drive si Danger ay bigla niyang nakita na nakatayo sa may malapit sa eskinita ang kapatid ni Anika na si Carlos. Para 'tong may inaabangan. Nagtaka 'to dahil bakit siya nasa labas ng campus e, hindi pa naman oras ng uwian ng high school. Pinagmasdan niya lang si Carlos kung anong ginagawa niya sa lugar na 'yon. Nagtaka si Danger ng biglang may tatlong lalaking matatangkad ang lumapit kay Carlos at may dala dala silang pamalo. Nakita niyang pinalo ng isang lalaki si Carlos sa bewang at sa batok.

Agad na lumabas ng kotse si Danger at pumunta doon.

"Oh? Anong ginagawa ng Danger Takahashi Fernandez dito." sarkastikong sabi ng isang lalaki. Hindi na nagtaka si Danger na kilala siya ng mga lalaki dahil, lahat ata ng gangster sa metro manila ay kilala siya. "Wag kang makielam dito Danger, hindi mo 'to teritoryo."

Napatingin naman si Carlos na kanan niya at nakita niya si Danger.

Agad sinuntok ng lalaki sa tyan si Danger. Binalisan din ni Danger ng suntok sa bunganga ang lalaki. Hanggang nagka gulo gulo na.

Pagkatapos ng suntukan ay nakahiga at walang malay lahat ng mga lalaki. Si Carlos at si Danger naman ay nakatayo at may dugo sa labi nila.

Kahit nasaktan si Carlos sa mga suntok na natamo niya ay natuwa siya dahil nanalo sila ni Danger. Napatingin siya kay Danger. Si Danger naman ay napahawak sa dumudugong labi niya.

"These shits." sabi ni Danger sabay tinadyakan niya yung isang lalaki na walang malay sa sikmura.

Nilapitan ni Carlos si Danger.

"Tsk, galit dapat ako sayo dahil lagi mong pinapahamak yung kapatid ko, pero dahil tinulungan mo ako, sige na nga, okay na tayo." sabi ni Carlos sabay inabot niya ang kamay niya kay Danger senyales na gusto nitong makipag shake hands.

"Tsk, I didn't know that you're also an ass. Well, your punching skills are not that bad." sabi ni Danger sabay nag smirk at nakipag shake hands siya kay Carlos.

Napa ngiti din si Carlos dahil napansin ng isang Danger ang skills nito sa pag susuntok.

Bigla namang kumunot ang noo ni Danger kay Carlos. "What the hell did you do, that made them angry."

Napa kamot sa ulo si Carlos. "Nakakairita kasi yung team mate ko sa school sa basketball, ang tanga tanga. Kaya binato ko siya ng bola, tapos nagkabukol siya sa noo. Tapos, nag sumbong sa mga kuya niya. Malay ko bang gangster sila."


Napa smirk lang si Danger dahil nakikita niya ang sarili niya sakanya. Alam ni Danger na hindi first time ni Carlos na makipag laban, dahil nakita niya kanina si Carlos kung paano siya sumuntok at umiwas. "Does your sister know about this?"

"Of course not. Wag mong sabihin ha." sabi niya. "Pati kay mama."


"Perfect, your sister and your mom will kill us both."

Danger Is On The Way  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon