Chapter 21 - Sorry

2.4K 45 23
                                    

*3rd person's POV*

Umupo muna si Anika sa likod ng science building. Nakatulala lang siyang nagiisip. Hindi matanggal sa isip niya 'yong sinabi ni Candice sakanya kanina.

"Anika, I was looking for you, totoo ba na sinampal ka ni Candice?!" sabi ng kaibigan niyang si Bea. Napansin ng niya na hindi siya nito kinibo. Napansin din niya na nakatulala lang siya. Umupo siya sa tabi ni Anika at nakaramdam siya ng lungkot habang tinitignan niya ang kaibigan niya. Nabalitaan din kasi ni Bea yung nangyari sa egg incident nung nakaraang dalawang araw, naiinis nga siya dahil ngayon lang niya nalaman 'yun. Na fru-frustrate siya dahil sana daw napagtanggol niya sana si Anika, kahit papaano. "Ang salbahe talaga non! Nakakainis na!"

"Anong nangyari kay.." tila hindi masabi ni Anika ang pangalan ni Danger. Iniisip niya parin kasi at naguguluhan siya sa nangyayari.

"..kay Danger?" tuloy naman ni Bea. "Didn't you hear? Nakalaban niya si Seven."

"Seven?" walang alam na tanong ni Anika.
Napabuntong hininga si Bea dahil na-realize niya na marami pa pala hindi alam si Anika.


"Seven Luis Tores." sabi ni Bea. "Ang gangster ng Sclera University. You see, kapatid niya kasi yung binugbog ni Danger nung egg incident."

Napa tingin si Anika sa kaibigan niyang si Bea. Nagtaka si Anika dahil hindi naman niya sinabi 'yon sa kaibigan niya. Ayaw niya kasi 'tong mag alala pa. Pero tila alam ni Bea 'to. "Alam mo 'yung egg incident?"


"Of course! Anika, masanay ka na. Mabilis kumalat ang balita dito sa school na 'to, which is nagtataka ako bakit late ko lang nabalitaan yun." ngumuso si Bea sakanya. Napansin niya na parang nag aalala si Anika sa nangyayari. Nararamdaman ni Bea na sini sisi ni Anika ngayon ang sarili niya sa nangyari dahil sa ginawa at sinabi siguro ni Candice sakanya. "Girl, wala kang kasalanan okay? Wag mo nalang pansinin si Candice, may topak din 'yun e."

"Okay lang ba siya?" tanong ni Anika sa kaibigan niya. "I mean si,"

"Danger?" tuloy uli ni Bea . Napa chuckle si Bea dahil napansin niyang hindi masabi sabi ni Anika yung pangalan ni Danger. Nagsisimula tuloy magtaka si Bea kung gusto ba ni Anika si Danger. "I think he's okay. I mean, he's the great Danger Takahashi Fernandez after all."


"I was kinda worried nga din kay Fear my loves. Kasama kasi din siya sa bugbugan na 'yun." pout na sabi ni Bea. Mas lalong na guilty si Anika dahil kasama pa pala si Fear sa bugbugan. "Ang weird kasi kahit may pasa sila, ang gwapo parin nila, kainis."

Nung uwian nila ay nag paalam na si Bea sakanya. Papauwi na si Anika ng biglang makita niya , na natutulog sa ilalim ng puno ang lalaking hindi niya masabi ang pangalan.

Pinag isipan niya kung lalapitan ba niya 'to. Natatakot kasi siya na baka makita siya ni Candice pag lumapit pa siya. Napansin ni Anika na may mga pasa ang mukha ni Danger kaya nakaramdam uli 'to ng pag-aalala. Bigla din niyang na-alala na isasaoli pa pala niya ang panyo kay Danger. Bago  linapitan ni Anika si Danger ay kumuha muna siya ng band aid sa bag pack niya.

"Anika, bat ka ba kinakabahan. Lalapitan mo lang naman siya, mag sosorry at isasaoli yung panyo. Bat ba ang bilis ng tibok ng puso mo?!" sabi nito sa sarili niya.

Huminga ito ng malalim at umiling.

"Uhm, Dan- uhm." biglang nahigit ni Anika ang paghinga niya  nung muntik niyang masabi ang pangalan ng binata. Naramdaman ng binata na may tao sa harap niya kaya binuksan niya ang kanyang mga mata. Tila nawalan ng boses si Anika nung nakita niya na nakatingin sakanya si Danger.

"Bat ba ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko?!" sabi nito sa loob loob  niya.

Agad niyang inabot yung panyo sa binata. Umupo si Danger at tinignan lang ang inaabot sakanya ni Anika. Kumunot ang noo nito, tila nag tataka. Napansin ni Anika na hindi 'to kinukuha ni Danger kaya napa pout 'to.

Para mawala ang tensyon na nararamdaman ni Anika, umakting nalang siya na kunwari  kalmado siya at dinaan nalang niya sa pagiging madaldal para mawala ang kaba nito.  "Nilabhan ko na yan no, with downy black. Yung mystique? Alam mo yun? He-He."

Hindi alam ni Anika ang mga sinasabi niya. Gusto niya lang mawala ang kaba na nararamdaman niya, hindi niya kasi alam kung saan siya mag sisimulang mag tanong. Alam niya kasi na kasalanan niya talaga kung bakit may mga pasa si Danger ngayon sa mukha.

Tinignan lang siya ni Danger ng naka kunot ang noo. Tila walang naintindihan sa sinabi ng dalaga.

"Uhm, what I'm trying to say is..thank you. Thank you kasi niligtas mo ko last time. Tapos, about jan." sabi nito sabay turo sa pasa niya sa mukha.  "It's my fault. Sorry. I'm really sorry."

Napansin ni Anika na may sugat sa kamao ni Danger, at dahil don, agad na tinuklap niya yung band aid at kinuha niya 'yong kamay ni Danger. Nabigla si Danger sa ginawa ng dalaga pero hindi niya 'to pinahalata.

"What the fuck are you doing?" tanong nito sa dalaga. Nakita niyang idinikit ni Anika yung band aid sa parte na kung saan may sugat siya. Palihim na napangiti si Danger sa ginawa ni Anika.


"Tama ba nakita ko? Ngumiti ka?" di makapaniwalang sabi ni Anika. Once in a blue moon lang kasi ngumiti itong si Danger kaya tila nabighani ang dalaga.


Bigla namang patay malisya ang binata sa sinabi ni Anika. "You're too noisy. You're fucking interrupting my nap."


"Tss. Sungit." sabi ng dalaga sabay inayos niy ang sarili niya. Bago pa man umalis ang dalaga nagcross siya ng kamay habang naka harap sa binata. "Try to smile often,will you?"

Danger Is On The Way  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon