Chapter 19 - Loathe

2.5K 42 12
                                    

Katatapos lang ng klase namin. Papalakad ako palabas ng campus nang biglang nakita kong may nag lalaro sa may soccer field, kaya tumigil muna ako sa paglalakad.

Sa totoo lang gusto ko lang makita si Fire ngayon, may tatanungin kasi ako sakanya. Hanggang ngayon kasi hindi ko parin natatanong yung about sa kanila nila Candice at mapanganib na lalaki.

"Sinong hinahanap mo jan."

"Ay hinahanap!" gulat na sabi ko. Lumingon ako sa nagsalita. Lumaki yung mga mata ko nung makita ko si Bea.

"Bea!?" gulat na sabi ko sabay napangiti ako. Eh kasi ang bilis naman ata ng pag punta niya ng japan or talagang hindi ko lang talaga namalayan ang oras?

"Ay, ano gulat na gulat lang?" sabi niya sabay tawa. "Namiss kita girl."

"Ay grabe, akala mo 1 year nawala." sabi ko sabay tawa ko kaya naman sinuntok niy ako sa braso. "Alam mo bang ang daming nangyari nung nawala ka. Wala akong kasama lagi. Buti talaga dumating ka na. Marami pa akong i-kwe kwento sayo. Hindi ko sinabi sayo agad kasi gusto ko personal ko sabihin sayo."



"Sus, no need." sabi niya sabay nag cross siya ng arms. "Hay nako, abot na abot sa japan ang mga nangyayari dito no. Alam kong naging kayo ni Danger, which is hanggang ngayon nakaka omg. Tapos brineak ka niya in public? Gosh, nainis ako that time nung nabalitaan ko yun. How dare him! Tapos nag break din si Fire and Candice! Pero marami padin akong tanong sayo e. Kagaya ng pano naging kayo ni Danger, bakit kayo nag break, things like that."


I just sighed.

"Sige na nga, pero wag mong sasabihin sa iba ha. Sayo lang 'to. Pag 'to nalaman ng iba, friends over." sabay pout ko.

"Oo naman no, promise!!" sabi nito sabay nag cross my heart sign pa siya.

Umupo kami at kwinento ko lahat sakanya. From the start. Yung about sa secret nila Danger at Candice. Yung alam ni Fire na may something kila Danger at sa girlfriend niya. Pati yung galit lahat saakin ng students dito dahil sa ginawa ko kay Candice na accident naman. Tapos yung pag babato sakin ng itlog tapos yung pag bubugbog ni Danger. Lahat kwinento ko. Detail by detail, walang labis walang kulang.


Mga 10 seconds naging speechless si Bea.

"Wait." sabi niya sabay kunwaring nag papaypay siya gamit gamit ang kamay niya na parang di niya kinaya yung mga sinabi ko. "Omg, di ko kinaya bes. Are you okay?"



I shook my head. "Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Parang wala akong kakampi dito. Parang ikaw lang."



"Girl that is not true. Meron din naman si Fire diba? Sabi mo nga he's been nice to you ever since and malay mo may iba pa, baka hindi mo lang alam."


I smiled at her. Tama siya, meron pa naman silang dalawa. Diba nga, two is better than one.

After akong i comfort ni Bea ay nag congrats ako sakanya. As expected nanalo ang school namin. All thanks to her. All worth it daw ang pag punta niya sa japan representing our school. Matapos non ay umalis na siya dahil mag rereport pa daw kasi siya sa dean kung anong nangyari sa japan. Ako naman napag isipan kong maiwan muna dito sa may soccer field dahil mamaya pa naman ang next na klase ko. Gusto ko muna magpag isa. Wala kasing medyo tao dito.



"Wala kang klase?" napalingon ako sa nagsalita. He smiled at me at umupo din siya sa tabi ko. Pareho na kaming naka indian seat sa may damuhan.

Bea's right. I still have Fire too.

"Meron, mamaya pa."

"Are you okay? I mean, I heard what happened yesterday." sabi niya. Nakita niya ata na napasimangot ako kaya biglang chinage niya yung topic. Nakikinig lang ako sakanya. May gusto padin kasi akong tanungin sakanya. Hindi kasi ako mapakali.

"Fire, kelan mo pa alam?" tanong ko sakanya. Ngumiti ito at parang he's giving me those okay-fine-i'll-tell-you look.

"1 month ago." he said. Napa nganga naman ako. Seryoso ba siya?! Napatingin siya saakin at napa chuckle siya sa reaction ko. "You must be thinking how crazy am I, right now."


I nodded and pouted. Akala ko yung kapatid niya lang na isa yung baliw. Siya din pala. "I don't get it Fire. Bakit mo pa pinatagal. Kung nalaman mo 1 month ago pa, why hide that you're hurt and why bare all those things."

"I love her, Anika. I just can't live without her. Umiikot na mundo ko sakanya. Kaya inisip ko nalang na mas okay na yung may kahati kesa mawala siya saakin." sabi niya kaya naman napawalang imik ako.

My heart just stopped beating.


"That whole one month was like hell to me, Anika. I was allowing my girlfriend and my brother to date behind my back. It sucks, wala akong magawa. Kesa naman mawala si Candice saakin diba? One month I was pretending na wala akong alam. Hindi ko pinahalata sakanila na may alam ako. I guess I was being too nice after all."



I was just listening to him. I felt every word he said. Bakit ba ang bait ng taong 'to?! Bakit ba ginagawa nila kay Fire 'to. Why is he so nice? I hate to say this but I hate that him for being so nice!


"I'm fucking done playing games with my brother. I really loathe him. Candice broke up with me because of him. Kung hindi siya naki epal saamin, hindi naman gugulo ang lahat. He deserves to be in deep pain too."

Danger Is On The Way  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon