Chapter 3 - The seat

3.7K 67 29
                                    

Pag-uwi ko sa bahay ay nadatnan ko si mama na nag luluto sa kusina. Eto ba perks ng chef na nanay? Kasi yung amoy ngayon sa bahay is like fine dinning resto.

Ibinaba ko 'yong bag ko sa may sala at pumunta  agad sa kinaroroonan niya. 

"Oh, nak. Kamusta 1st day? Nagugutom ka na ba?" tanong niya saakin.  Sinabi ko na hindi pa kaya naman ngumiti siya at nag patuloy sa ginagawa niyang pag luluto.

Alam niyo ba spirit animal ko talaga mama ko, wala lang nakakabilib lang talaga siya dahil paano  niya kaya napag sasabay ang pagiging nanay  niya saamin ni Carlos at ang pagiging chef niya sa hotel.

Kaya lang naman kami lumipat ng bahay dahil  sa dalawang reasons, una dahil  mas malapit dito yung hotel na pinag tra-trabahuan ni mama. Siya kasi yung head chef doon and I know how important her job is to her at pangalawa dahil, yung dating bahay namin ay   mapanganib . Ayaw ko nang maulit pa yung nangyari, 4 years ago.

Ewan ko, totoo nga talaga yung kasabihan na  yung mga taong masiyahin at laging nakatawa is sila  pa pala yung malungkot talaga.

Parang ako,

Alam kong namimiss na ni mama si papa, ako rin naman eh. Hanggang ngayon, sinisisi ko parin sarili ko. 4 years na rin simula nung na heart attack  si papa sa puso. 4 years na rin, simula nung kunin siya ng itaas saamin. Mahirap pero, kelangan naming maging matatag. Sabi ni mama wag ko raw sisihin sarili ko dahil di ko naman kasalanan, life must go on sabi niya.

"Ma' saan  si Carlos?" tanong ko kay mama. Asan na ba 'yong magaling na kapatid ko? Naunahan ko pa ba siyang umuwi? Ang galing talaga makakatikim yun sakin.
"Nako, ma' dapat may curfew 'yon e."

"Pauwi na rin 'yon. Hayaan mo na, first day naman e."

"Naman namiss mo agad ang pogi kong mukha?" napatingin kami ni mama sa nag salita. Napa roll nalang ako ng mata.  Speaking of , andito na pala siya. At ang kapal talaga kahit kelan. Pogi? Pwedeng masuka?

4th year high school na yung kapatid kong si Carlos, at ako naman ay 1st year college.  Nakita ko actually itong kapatid ko kanina sa campus, at akalain mo ang dami na niyang kaibigan agad.  Bwisit na 'yon balak ata tumakbo ng pagka presidente. Tinalo pa ako.

Well fine, friendly kasi 'tong kapatid ko. Balak nga din niyang sumali daw sa basketball varsity ng school, dati kasi sa old school namin ay varsity siya. Sana all, sporty.

"Late ka,"sita ko sakanya sabay inirapan siya. "Puro barkada ka nanaman siguro no."


"Ayan nanaman siya mama' o. Pagsabihan niyo nga si ate, napaka nagger. Sermon ng sermon. Kaya  walang boyfriend e. Tss!"

Napa pout naman ako sa sinabi niya. Ang sama ha!

Oo na, ako na single!

Narinig ko naman na tumawa si mama. Hala, grabe sila saakin! Wala na ba talaga akong kakampi sa bahay na 'to?

"Ma  naman , pagtanggol mo ko!" sabi ko sabay naka simangot. "Anak mo kaya ako, hello?"

Nakita kong  napahawak  pa si mama sa tyan niya habang tumatawa. Hala siya! Sinubukan  niya na pigilan ang tawa niya sabay  nagpunas siya ng luha sa gilid ng mata niya habang naka ngiti.

-.-

"Sorry nak, pero gusto kong umagree sa kapatid mo."  sabi nito kaya naman sumimangot ako. I miss papa hays. Narinig ko namang tumawa si Carlos.

Danger Is On The Way  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon