Chapter 24 - Always

2.4K 40 16
                                    

Pagkatapos naming kumain ay nagpa-alam ako kay Fire na mag lalakad lakad muna ako sa garden nila. Masyadong maganda ang gabi ngayon para hindi makita ng mga mata ko.

Tumingin sa mga bitwin sa ulap. Pag nakikita ko ang mga bitwin na-aalala ko yung papa ko. Okay lang kaya siya? Binabantayan niya kaya ako? Napa pout ako at inalis ko na ang tingin ko sa ulap. Nag lakad-lakad uli ako. Wala anu-ano'y nakita ko sa liliblib na lugar si mapanganib na lalaki na naka tayo habang naninigarilyo. Naninigarilyo pala siya? Bakit pa ba ako nagtaka e, diba nga bad boy siya? Atsaka, Bakit siya nasa liblib na lugar? Lalapitan ko sana siya pero bigla akong nagtago sa isang bush dahil nakita kong dumating si Candice.

Nakita kong hinalikan ni Candice sa labi si mapanganib na lalaki kaya naman umiwas ako ng tingin. Parang kumabog ng malakas yung puso ko. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko. Bakit ba ako sumisilip? Nahihibang na ba ako? Aalis na sana ako pero bigla nalang akong natapilok kaya naman tumunog yung bush na pinagtataguan ko.

Agad naman akong nakita nila mapanganib na lalaki at Candice kaya mabilis akong tumakbo paloob ng bahay nila. That was close.

Nung makarating ako sa loob ay agad kong hinanap ko Fire. Asan na ba yun?

Habang hinahanap ko si Fire ay biglang may nahagip ang mga mata ko mula sa malayuan. Namutla ako at bumilis ang kabog ng puso ko. He was looking at me from far away at nakita kong may ibinulsa siya na baril. Agad akong naglakad ng mabilis . Habang naglalakad ng mabilis ay hindi ko na alam ang pwedeng mangyari pero isa lang ang alam ko, hindi ako safe sa lugar na 'to dahil andito 'yung lalaking kumidnap saakin 4 years ago.

All those memories kept on haunting me. Ayaw ko na. Tumakbo ako at biglang napa bangga ako sa dibdib ng isang lalaki. I know this scent, I know it's him. Somehow, I felt safe again. Napatingin ako kay mapanganib na lalaki and he's looking at me again.

Napalunok ako at pinili ko nalang gumawa ng alibi dahil alam ko namang tatanungin niya ako kung bakit ako tumatakbo . "Ah eh, hinahanap ko kasi si Fire."


"Tsk, you fucking annoy me." sabi nito sabay lumakad siya paalis. Agad naman akong kinabahan uli dahil umalis siya.

Agad kong hinabol si mapanganib na lalaki at hinawakan ko yung end ng damit niya. Napalingon siya saakin at napa pout nalang ako. "P-pwede mo ba akong ihatid sa bahay?"

"I'm busy," sabi niya saakin. Napatingin siya sa end ng damit niya na hawak-hawak ko parin. Nahiya kong tinanggal agad ang pagkakahawak ko dito.

"Hindi ko kasi mahanap si Fire, pwede bang ikaw nalang?"

He said fine , he'll drive me at pumunta kami sa kotse niya. I felt safer than ever, ang weird. While driving me home, I was hesitant to speak dahil iniisip ko parin yung kidnaper kanina. Bakit siya andun, bakit siya nagpapakita after 4 years. Anong kelangan niya saakin?

Biglang nag ring yung phone ni mapanganib na lalaki sa may tabi at napasilip ako sa screen at nakita kong si Candice ang tumatawag. Sinagot 'to ng loudspeaker ni mapanganib na lalaki.

("Danger, where the hell are you? Diba you supposed to bring me home. Bigla kang nawala. Gosh!")

"Mag pahatid ka nalang kay Fear, he's there somewhere. Look for him."


("Gosh! I don't want him. Gusto ko ihatid mo ko. Hihintayin kita, you better get your ass here or else.")


Narinig kong inend call ni mapanganib na lalaki 'to. Nakita ko din sa peripheral vision ko na nag shook ng head si mapanganib na lalaki.

Somehow, I felt guilty. Ihahatid niya pala si Candice, pero pinilit ko siyang ihatid niya ako sa bahay. I bit my lower lip.

"Sorry," sabi ko. "Sinabi mo sana saakin na ihahatid mo pala si Candice, sana hindi na kita pinilit."

Hindi ata siya nakikinig dahil patuloy parin siya sa pag dri-drive.

"Dito nalang ako," sabi ko dito. "Uhm, may extra money naman ako, dito nalang ako tapos sunduin mo na si Candice dali na,"

"I don't care." sabi nito na parang walang pake talaga.

"Pero, si Candice 'yon." sabi ko. Totoo naman, how can he not care eh si Candice 'yon.


"But you're Anika, and that's a different story."


Suddenly bigla akong nakaramdam ng kabog sa puso ko. Napa pout nalang ako atsaka nanahimik. Seryoso ba siyang ihahatid niya talaga ako?

Habang nag dri-drive siya, may na receive akong tatlong messages mula sa tatlong unknown number.

To : 092726*****

Si Candice 'to, loser! Gosh! Kasama mo si Danger no!? Sagot! How many times na sasabihin ko sayo, stay the hell away from Danger!


To : 0917345****

Anika, this is Fear. Kasama mo ba si Danger? Bring him back here. Candice is annoyingly crying. Damn it, Anika. How many times will I tell you to stay the fuck away from my brother."

Napabuntong hininga ako at napasimangot. Was I really the problem?

To : 09372******

Anika Cecile Ramirez, hindi mo ako matataguan. Hindi ako natatakot sa lalaking kasama mo. Idadamay ko pa siya kung yan ang gusto mo.

Bigla akong nag froze. My hands were shaking a bit. Hindi ko pinahalata kay mapanganib na lalaki na natatakot ako. My heart suddenly stopped too. May maliit na parte sa utak ko na nag sasabing : What should I do? Anika, keep calm. Anika, keep calm.

I shook my head because of the thoughts in my mind. No. I can't handle the man who kidnapped me 4 years ago. And how did he get my number. Bilang lang ang may alam sa number ko. Ano pa bang kelangan niya saakin? He ruined everything. I can't believe him. I can't believe that idadamay niya din si mapanganib na lalaki dito. No, hindi pwede. Napahamak na siya dahil saakin last time. Siguro nga ako talaga ang nag dadala ng panganib all this time. Candice and Fear kept on saying that I should stay away from him, what the hell is wrong with me.

Again, may isang parte sa utak ko ang nagsasabihing : Anika, dahil sayo baka madadamay nanaman si mapanganib na lalaki. Wake up! Stay away from him this time.

Nung nasa tapat na kami ng bahay bumaba na ako at nagpaalam na sakanya.

"Ah, t-thank you," sabi ko sakanya at sabay nag bye-bye wave ako. "Dali na, baka hinihintay ka na ni Candice."

Nakita ko siyang nag nod. Somehow it felt strange. I saw him started the engine of his car. Tumalikod na ako at nag simulang lumakad pero bigla niya akong tinawag.

"Anika," sabi niya. Every time na binabanggit niya ang pangalan ko, it gives me the chill. Lumingon uli ako sakanya at hinintay ko kung may sasabihin ba siya. "Stay away from Fire."

I nodded , sign that I agree. I should stay away from them. Well at lease, everything will gonna be okay. "I'll stay away from both of you. Thank you  sa pagligtas mo saakin , pero kaya ko na ang sarili ko, you don't have to save me anymore."


Tumalikod ako. My heart felt heavy though. What's wrong with me. I shook my head slightly.

"Your talks are no use, Ramirez. I'll be like the leach  that you can't remove easily."

With that he left.

Danger Is On The Way  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon