Chapter 16 - Done

2.5K 52 24
                                    

Mga 30 seconds kong inabsorb 'yung sinabi ni Fire, then it hit me.

I saw him smiled at pinagpatuloy niya ang pagkain niya ng chicken. Nakatitig parin ako kay Fire. How can he still smile in his situation. Nababaliw na ba siya. Are he hiding his sadness through his smile?

Napansin ata ni Fire na nakatingin parin ako sakanya kaya napatigil uli siya sa pagkain. Narinig ko siyang napabuntong hininga.

"Anika stop looking so worried. Okay lang ako."

"Sor-"

"And from now on stop saying sorry. Don't be sorry."

How can he be okay. Alam niya na may something sa babaeng mahal niya at sa kapatid niya. Nasisiraan na ba siya? Diba dapat nagagalit siya ngayon saakin dahil pumayag ako sa plano ng masamang kapatid niya? But looking at him? How could he still smile at parang walang nangyari? Gusto kong mag sorry ng paulit-ulit pero alam kong naririndi na siya sa sorry ko.

After eating bumalik na kami sa school. Tama nga si Fire, ang bilis kumalat ng balita. Ang hot topic lang naman ngayon sa buong campus ay ang breakup nila. Hindi ko ba alam kung bakit parang wala lang kay Fire ang lahat ng nangyayari ngayon, parang ako pa 'tong mas malungkot sakanya. I just feel sorry.

Pag pasok ko sa classroom ay agad kong nakita si Candice. Nakita kong nakikipag kwentuhan siya sa mga grupo ng babae at nag tatawanan sila. How can she still laugh. Napatingin saakin si Candice sabay inirapan niya ako. Hindi ko nalang pinansin.

"Guys, wala daw si ma'am Minerva ngayon, siya daw kasi mag ju-judge ng thesis defense ng seniors. Pwede na raw umuwi."

Sigawan naman yung mga ka-klase ko sabay alis. Umalis na rin ako dahil last subject ko na yun. Pumunta muna ako sa locker ko dahil para i-iwan 'yong dalawa na libro ko para maka uwi na rin ako.

Matapos kong iniwan yung mga libro ko ay, dumeretso na agad ako sa hallway para makauwi na. Ang daming tao, nakaka suffocate.

"Are you seriously gonna ignore my every fucking call Anika."

Nahigit ko yung pag hinga ko. Napa tigil ako sa pag lalakad. Paglingon ko sakanya, nasa likod ko siya.

"Ah kasi kumakain ako kanina. Bakit ka ba tumawag kasi." sabi ko. Biglang kumunot ang noo niya. Alam kong may usapan kami kahapon ni mapanganib na lalaki na sabay kaming kakain pero kasi sympre kasama niya si Candice kanina. Malamang hindi na tuloy. Atsaka nakuha na niya si Candice, ibig sabihin labas na ako sakanila. At last.

"Kasama mo naman si Candice kanina, understood naman na hindi na tuloy diba? Atsaka nakuha mo naman na si Candice, labas na ako sainyo. Gosh mapanganib na lalaki, diba may deal tayo." sabi ko ng pabulong sakanya. Marami kasing tao dito , baka may makarinig pa.

"Sinong nag sabi na hindi tuloy." sabi niya pero hindi pabulong, sabay kumunot ang noo niya. Napakunot din yung noo ko. Nasisiraan ba siya o ano.

"Kumain na kami ni Fire kanina."


"Fuck what? Fire? Again?" inis na sabi nito na medyo pabulong. One week narin kasi simula nung lagi ko nang nakakasama si Fire. I mean, hindi ko naman sinasadya na makasama si Fire, sadyang nagkikita lang talaga kami out of no where at dahil don, naiinis si mapanganib na lalaki. Kasi daw dito sa campus ang boyfriend ko daw ay siya, at hindi daw si Fire at paano daw namin mapapaselos si Candice kung lagi daw akong dikit ng dikit kay Fire. Ano ako linta kay Fire? Duh! Accident lang naman talaga kami nagkaka salubong dito sa campus. Kasalanan ko ba yun?


"Danger," biglang sabi ng isang palmilyar na boses. Napalingon kami ni mapanganib na lalaki sa kanan. Andun si Candice naka tayo. Nanliit yung mata niya nung nakita niya ako. Tinitigan niya mata sa mata si mapanganib na lalaki at parang may sinesenyas siya.

Danger Is On The Way  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon