Chapter 1 - Dangerous

7K 94 8
                                    


Napalunok ako habang nakatingin sa bagong school na papasukan ko. Oh my god lang ha, okay lang kaya ang first day ko dito? Tama ba talaga yung desisyon ni mama na lumipat kami ng bahay? Napilitan din tuloy akong lumipat ng school.

Taka no hitomi University. Pagbasa ko sa pangalan ng school sa harapan ko. Napatingin ako sa mga estudyante na pumapasok sa loob. Yung uniform nila ay parang japanese style . Alam niyo 'yun? Yung sa mga babae naka maiksing plaid shirt at may mahabang socks na black, basta yung nakikita ko sa japanese drama or movies or animes.

Wala pa akong uniform at ID dahil transferee pa lang naman ako.

"Anika, kaya mo 'to, papasok ka lang naman tapos mag a-aral." sabi ko sa sarili ko.

Pagpasok ko ay pinagtitinginan ako ng mga tao. For sure dahil hindi ako naka uniform. Ang awkward! Spell awkward talaga, dahil ayaw ko ng pinag titinginan. Para akong others..well totoo naman. Saan kaya dito 'yong information office?

"Are you miss Anika Cecile Ramirez?" napalingon ako sa nagsalita.


"Y-yes po."   sabi ko naman. Nakatayo sa harap ko ay isang magandang babae. Kung hindi ako nag kakamali nasa 30's na siguro siya.

"I'm Georgia Bruno, the school's information secretary. I've been waiting for you. I'll be the one who will orient and tour you around the campus. So shall we start walking?"


Kanina pa kami lakad ng lakad. Sobrang bad idea na nag medyo nag heels ako na sandals. At di naman kasi ininform na may walkathon naganap sa first day.

Ang laki ng school na 'to, feel ko mawawala ako. Just by looking at it, nahihilo na ako. Mamememorize ko ba lahat ng rooms dito? Ang dami kasi. Nabanggit ni ma'am Georgia na ang may ari daw ng school na 'to ay japanese, kaya daw Taka no hitomi University ang pangalan. Ang meaning daw non ay Eye of the hawk.

Sinamahan ako ni ma'am Georgia para mag pa ID at ibinigay niya na din yung uniform ko. Dapat daw kasi bukas naka uniform na ako at may ID na. Tinanong din niya kung bakit daw BS BIOLOGY yung kinuha kong course. Ang sabi ko gusto ko kasing maging doctor. Every since, yun talaga gusto ko. Surgeon to be exact.

Wala pa daw akong class ngayon dahil exempted daw ako this day dahil orientation day ko ngayon kasama siya. Thank goodness, dahil ang  haggard ko na para umattend pa sa mga classes.

Mamaya pupunta ako sa library dahil kelangan ko raw kunin ang library card ko pero ang sabi niya, hindi na niya daw ako masasamahan dahil may meeting pa siya kaya tinuro nalang niya kung nasaan ang library.

Iniwan na ako ni ma'am Georgia matapos niya akong inorient at tinour sa buong campus. Alam mo yung , na feel ko talaga yung pagka alien ko sa school na 'to, bukod sa prang mawawala ako dito dahil sa sobrang laki, parang ang judgemental pa ng mga tao dito infairness.

Umupo muna ako dito sa isang bench sa may soccer field dahil walang tao dito  at mukhang payapa. Sa likod ko ay isang malaking puno, kaya naman may shade ako. Kinuha ko yung lunch box ko at nag simula akong kumain. Lunch na rin kasi, atsaka nagutom ako sa kakalakad kanina.

Habang kumakain ay may narinig akong nagtatalo na nang gagaling sa likod ng puno.  Kaya naman napatigil ako sa pagkain. Ayaw ko makinig sa conversation nila dahil privacy nila 'yon pero di ko maiwasan dahil ang lakas kasi ng boses nila or masyado lang talaga akong chismosa? Okay fine, both!

Danger Is On The Way  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon