Chapter 13 - The catch

2.6K 49 8
                                    

The whole eating time was just pure hell. Ayun talaga yung moment na gusto ko nang malamon ng lupa right away. Ayun talaga yung moment na gusto mong may invisible spray para kunwari wala ka nalang don. Paano naman kasi, si mama kwento ng kwento about sa childhood ko at mga nakakahiyang nangyari sa buhay ko tapos dinatungan pa ni Carlos. Nakakahiya no, baka kung ano pa isipin ni mapanganib na lalaki.

Pero, na appreciate ko. *smiles*

Late akong nagising, napasarap yung tulog ko dahil napagod ako kahapon. Nagmadali akong pumasok sa school. May club selection daw kasi ngayong umaga. CLUB DAY ang tawag nila according doon sa school website. Mamimili daw ang bawat student ng club na sasalihan. Club is a must daw kasi dito sa school whether you like it or not.

Actually kagabi ko pa pinag iisipan ang club na sasalihan ko. Gusto kong sumali sa Humanities club. Wala lang, favorite ko kasi 'yung humanities.


Mga 10 minutes akong nag hahanap ng room kung saan yung humanities club. Na stress na ako lahat lahat dahil ang laki ng university no. Bakit ba wala silang binigay na room number. Buti nalang nagtanong ako sa isang prof.

Nag madali akong pumasok sa room 202. Bumungad saakin ang madaming tao. Sabi sa web site hanapin daw ang president ng club at mag sign up daw para maka register. Naglakad ako sa room at hinanap yung president pero marami masyadong tao at hindi ko kilala kung sino ang president kaya naman kinausap ko yung mga babae na nag uusap sa gilid.




"Uhm, hi?" awkward kong sabi. "Alam niyo ba kung nasaan 'yung president ng club?"



"Parang familiar yung face mo." sabi ng isang babae na blonde. "Oh my gosh! Ikaw si   mystery girl !"


"Oo nga no!" sabi naman ng red hair na babae. "Omg , she is."




"Ha? Ako?" naguguluhang sabi ko.  Anong mystery girl.


Matapos non, nag bulungan sila habang tumitingin saakin na parang kakainin nila ako ng buhay kaya umalis nalang ako.


May nakita akong mahabang  pila which is I expect na yun yung pila ng pag reregister sa club. So pumila ako. Napatingin saakin yung  lalaki sa harap ko, nag smile siya saakin. Kinalabit niya yung sa harap niya at may binulong siya tapos tuloy tuloy na silang nag bulungan hanggang sa unang tao sa harap. Nagulat nalang ako nung biglang nawala yung line sa harap ko.

Napatingin ako sa buong room at lahat nakatingin saakin. Nagtaka ako.





"Hey mystery girl." nakita ko si Fire sa harap ko na nasa harap ng table na may hawak na paper. Naka ngiti  siya habang cliniclick yung ballpen.

"Ako?" tanong ko sakanya. Tumango siya at sumenyas na lumapit ako sakanya.


"Well I guess you're registering for my club?"  sabi nito sabay nag smirk.




I was just standing there still clueless. Ang dami kong tanong sa utak ko. Una, bakit ako tinawag ng mga babae at ni Fire na mystery girl. Pangalawa bakit nawala yung pila. Pangatlo, his club? Don't tell me siya yung president?

"Uhm, ikaw yung club president?" tanong ko.


"Parang ayaw mo ata." sabi nito sabay nag pout siya. Ang awkward kasi ang tahimik ng room tapos saakin lang nakatingin mga tao. Tapos nag bubulungan yung iba. Ano bang meron.


Nakita niya ata na naguguluhan ako sa nangyayari kaya nagchuckle siya. Lumapit siya saakin and he grabbed my hand tapos lumabas kami sa room at pumunta kami sa walang tao na area.

Nakakunot parin ang noo kaya napansin ito ni Fire. Dahil matangkad siya nilevel niya yung mukha niya sa mukha ko.

He chuckled. "You're clueless aren't you?"

Umupo kami ni Fire sa isang bench.

"Eh kasi, ang weird ng mga tao kanina  biglang nawala yung pila nung nakita nila ako tapos tinawag ninyo pa ako na mystery girl. Anong meron."


And again he chuckled. Masyado bang nakakatawa na ang clueless ko?

"They're treating you that way because they know you're Danger's girlfriend." he said.  Ano yun special treatment? Ano ako prinsesa. Ano sila sira ulo?   "And about your new nick name here at school, the students  named you that. The fact that Danger is dating someone, is a really big deal. My brother barely entertains woman. You're the first girlfriend he introduced."


Kung mystery ako sa mga tao, si Fire din kaya? Bakit hindi niya ako tinatanong kung bakit ako naging girlfriend or paano ako naging girlfriend ng kapatid niya.

"Uhm, hindi ka ba nag tataka bakit ako naging girlfriend ni Danger?"

"Nope, because right from the very start, I know you're a catch."

Danger Is On The Way  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon