Chapter 6 - Pulse

3K 56 36
                                    

Umupo muna ako dito sa bench  sa may soccer field dahil since wala naman din si Bea. Napili ko nalang na magisa na mag lunch dito.

Sis ayaw ko namang sa cafeteria kumain mag isa ngayon dahil madaming tao, alam mo naman last time kulang nalang bangasin na nila face ko nung makita nilang kasama ko yung magkakapatid.


Kakagat na sana ako sa chicken na baon ko pero biglang may umupo sa tabi ko. Bigla akong napa hinto at napasimangot. Lord? Seryoso po ba kayo?

"Tsk, what an annoying face." sabi ni mapanganib na lalaki saakin sabay tumingin siya sa may soccer field na kung saan may mga nag pra-practice.

"Eh bakit kaba kasi andito." sabi ko sakanya. Alam kong ang rude pero, as much as possible kasi iniiwasan ko yung existence niya. Masyado kasi siyang mapanganib. "Wala naman na akong atraso diba? I ke-keep ko naman yung secret ninyo."

Hindi umimik si mapanganib na lalaki.

Naisip kong walang papatunguhan 'to kundi panganib nanaman kaya napag isipan ko nalang na sa iba nalang kumain. Yung walang bakas niya. Inaayos ko yung lunch box ko at tatayo na sana ako ng bigla uli siyang mag salita kaya naman napa upo uli ako.

"I don't get it. Anong meron sayo?" sabi niya "Of all the woman here in this goddamn school, ikaw pa ang pag seselosan ni Candice."

Bigla naman akong napatingin sakanya sa sinabi niya. Nagpapatawa ba siya o ako ba kausap niya? Lumingon lingon pa ako sa paligid kasi baka may iba siyang kausap.

"Ako?" tanong ko sakanya. "Ako ba kausap mo?"


Nakita kong inirapan niya ako. "Obviously. Tss, stupid."

Di ko rin mabilang kung ilang beses na niya ako tinawag na stupid. Grabehan lang ha. Napa pout naman ako at narealize ko na umalis na dito sa kinauupuan ko. Kasi arguing with this guy is the worst thing that you can do. Kasi di siya papatalo.

Nagulat nalang ako ng biglang may humawak sa braso ko.

"Never, ever.. fucking turn your back while I am still talking, Anika."


Ewan ko pero biglang  napa stop ako sa paghinga nung narinig kong binanggit niya yung name ko. Halos narinig ko yung kabog ng puso ko. Bea's right, he's quite scary as hell.

"A-ano ba kasi 'yon." tanong ko sakanya. Last time I checked di naman kami close at wala akong balak na maging close 'tong mapanganib na lalaki na 'to. Like, duh! Ano ako sira?

"You're not going anywhere." sabi nito sakin at sabay hinigpitan niya ang hawak sa wrist ko.

"Ha?"


"You're coming with me." nagulat nalang ako ng biglang hinila niya ako habang lumalakad siya hawak hawak ang wrist ko. Lahat ng tao nakatingin samin. Masama ang tingin nila saakin obviously. Heto nanaman po.

"Ano ba, san ba tayo pupunta! Hoy, bitawan mo nga ako mapanganib na lalaki!" freak out na sabi ko. Pilit kong inaalis kamay niya sa wrist ko pero ang higpit talaga  ng hawak niya. Wala na ata akong pulso. Eh kasi naman, ano nanaman bang kamalasan ang mangyayari sakin ngayon. Ayoko na no.

Napa stop siya at napatingin saakin ng masama. Bigla naman akong natakot sa tingin niya. His eyes are screaming  danger. Alam ninyo, bagay na bagay talaga yung name niya sakanya!

"What the hell did you just call me?" 


I pouted and I was a bit scared.

"Eh kasi naman, bitawan mo na ako. Kakain pa ako." sabi ko nalang. "Atsaka tignan mo nga pinagtitinginan tayo ng mga tao. Gusto ko pa mabuhay."




Danger Is On The Way  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon