Chapter 32 - The syndrome

763 21 4
                                    

"I knew it! I knew it! So it means it's mutual!" sigaw ni Bea habang hinahampas-hampas ako ng unan.



"Anong mutual ka jan." sabi ko sabay tingin ng sobrang clueless.


"Oh bakit hindi ba?" sabi nito. "Nako, tigil tigilan mo nga ako Anika. Obvious naman na obvious na gusto mo siya no."


Hello? Okay lang ba siya? Ako? May gusto kay ano? Over my dead body.

"Hindi ah. Kung magkakagusto man ako, kay Fire nalang no." sabi ko. "Wait nga, bakit ba natin pinaguusapan 'to?!"



Nakita ko siyang nag cross ng arms. "Lutang ka ba o ano? Nakalimutan mo na yung kwinento mo  sakin 10 minutes ago? Anika, anu bey!"

Napa 'ahh' ako dahil na realize ko  na kwinento ko nga pala yung sinabi ni Fear sakin kahapon. Hindi parin kasi na aabsorb ng kaluluwa ko at kelangan ko ng pagsasabihin kaya andito ako ngayon kila Bea.



"Hmp, you obviously like him." sabi niya. "Tignan mo nga nalulutang ka  na. Wait, teka nga. Na sinok syndrome ka  na ba sakanya?"

Napa face palm nalang ako sakanya eto nanaman siya sa sinok syndrome niya. Hindi naman totoo yun.Sa movie lang 'yun.

"Hindi." sabi ko sakanya. "Oh tignan mo, it means hindi ko talaga siya gusto."

Afternoon came fast, but the news came faster inside the campus. Yung nangyari last time. That bloody incident that makes me hurt and shiver at the same time. Ayaw ko nang maulit 'yon. Gusto ko na ngang makalimutan pero pano ko naman makakalimutan kung dito  sa loob ng campus halos yun ang bukambibig. Everyone hates me here kahit di nila sabihin alam ko deep inside they're cursing me.Sawa na nga ako kakaisip. Parang gusto na ding lumipat ng school. Gusto ko gumising nalang ako na walang prublema na ganito. Pwede ba ganon nalang mangyari?

Nasa isang bench ako nakaupo at nakikinig sa 'Blank space' ni Taylor Swift.

🎶 Nice to meet you, where you been?
I could show you incredible things
Magic, madness, heaven, sin
Saw you there and I thought 🎶

Out of nowhere. I saw the baddest boy in the campus wearing a white v-neck shirt and a  black denim pants walking far across the hallway.

🎶Oh my God, look at that face
You look like my next mistake🎶

Damn it Taylor Swift ano ba yang lyrics mo?!  Inalis ko yung earphones ko at iniba ko yung tingin ko. Anika, what the hell bakit ba sa lahat ng makikita mo na malapit naman sayo eh sa malayo ka pa nakatingin at ang napili mo pang makita ay si mapanganib na lalaki. At bakit naiisip ko nanaman yung sinabi ni Bea na gusto ko daw si ano? Ano siya hilo? And damn it again, taylor swift and your lyrics.



Pumunta na ako sa next class ko nung narinig ko yung phone kong nag alarm.  Pag pasok ko ng class room sinalubong ako ni Bea with her joyful face. Minsan talaga thankful ako dahil napapasahan ako minsan ng positive vibes niya kahit puro kamalasan nangyayari sa buhay ko.




"Aniks, may good news ako! Wait ano gusto mo   mauna bad news or good news?"

Okay, bad news nalang sanay naman na ako sa bad news atlease mamaya may goodnews na pampalubag loob. Ano ba nanaman 'to?

"Bad news." sabi ko."Ano nanaman ba 'to?"



"Candice is freaking out. Galit siya sayo." sabi nito saakin. Actually di na ako nagulat lagi naman kasi siya galit saakin. Ano bang bago.

Danger Is On The Way  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon