Chapter 5 - Candice

3.2K 58 33
                                    

Nice. Hindi ko alam kung saan ako maiinis. Kung ang pag coagulate ng dugo sa tuhod ko dahil kanina pa 'to naka expose lang o ang pag hihintay namin dito sa sobrang tagal.

My goodness!

Halos 30 minutes na kami dito sa loob ng kotse. Wala man lang music?!

Nakatingin parin 'tong si mapanganib na lalaki sa bahay nila Candice. Wala naman siyang tinitignan, kasi nasa loob na ng bahay sila Fire at Candice.

Kanina pa nga ako salita ng salita na ipunta na niya ako sa hospital  dahil kelangan ng malagyan ng gamot at ma disinfect  'tong sugat ko dahil baka magkaroon pa ng infection. Oo, wag kang ano jan, nabasa ko sa libro no! Pero ang sabi niya di ko naman daw ikakamatay 'tong sugat at pilay sa paa ko kaya wag daw ako mag inarte, wag din daw akong maingay dahil nakakairita. Apaka galing na lalaki, di kinakaya ng powers ko. Grabehan lang! Nakakainis siya, bakit ba may mga ganitong tao. Tell me.

"Hoy mapanganib na lalaki! Just at lease give me some first aid kit will you?!"

"Damn it woman! You're a pre-med student, you deal with your fucking problem and stop whining."

I crossed my arms even more. Lord, pwede bang just for once pwede bang magkasala? Aba!

Mukha siyang wala talagang balak akong bugyan ng forst aid kit kaya nag improvise nalang ako. Hay nako!  Kinuha ko yung panyo ko at nag temporary initial first aid ako.

Nakita kong bumukas ang gate sa bahay nila Candice at lumabas na silang dalawa. Sumakay sa kotse si Fire sabay umalis na ng tuluyan, bigla-biglang kinuha naman ni mapanganib na lalaki ang phone niya sa bulsa niya at nag dial.

Still, clueless na clueless ako.

("I'm here infront of your house.")

Rinig ko na sabi niya sa phone.

Bigla namang tumingin sa way namin si Candice. Tumingin muna si Candice sa kotse ni Fire na nakalayo-layo na at agad na tumakbo papunta dito sa location namin ni mapanganib na lalaki.

Luh? bat ba ako naiipit sa ganitong situation.



Biglang binuksan ni Candice yung pinto ng kotse ng naka smile pero nung nakita niya ako na nakaupo sa tabi ni mapanganib na lalaki ay nawala yung ngiti niya. Mukhang nag tataka siya, more like naiirita siya agad. Ano nanamang ginawa ko, hays kung alam niya lang kung bakit ako andito.

"You." biglang sabi ni mapanganib na lalaki sabay poke sa braso ko. "Get out of the car."

"Ha?"


"Are you deaf? Get out." sabi niya kaya naman napa pout ako at lumabas na. Nakita kong nag evil smile si Candice saakin at umupo siya sa kanina kong inuupuan at sinarado yung door.






Wag niya sabihing iiwan nila ako dito sa labas? Jusko lang ha. Hindi ko alam 'tong place na 'to. Tapos pilay pa ako tapos may sugat pa ako. Jusko nasa Makati ba ako? I hate him!

Bigla namang nagbusina yung kotse niya ng sunod sunod kaya napatalon ako sa gulat.

My god! Ba't kelangang magbusina ng sunod sunod!

Biglang bumukas yung window ni mapanganib na lalaki.

"What the fuck are you waiting for, christmas? Pumasok ka na sa loob."

Kaya naman agad na akong pumasok sa kotse niya at umupo ako sa likod. Eh akala ko kasi pinalabas ako at iiwan ako. Malay ko ba na may puso siya onti. Hays! Tahimik lang ako na nakaupo at pinag mamasdan silang nag uusap.

Danger Is On The Way  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon