Chapter 20 - Shooked

2.5K 45 18
                                    

*3rd person's POV*

Isang araw nanaman ang nag daan. Naglalakad si Anika sa campus nila ng biglang nahagilap ng tingin niya ang lalaking nakahiga sa may ilalim ng puno.

Lalapitan niya sana 'to, pero bago pa siya makalapit ay biglang dumating yung babae na nag ngangalang Candice. Hindi na tinuloy ni Anika ang pag lapit pa. Napatingin siya sa itim na panyo na hawak-hawak niya na ibabalik sana niya kay Danger. Nilabhan niya kasi 'yon at balak na niya sanang ibalik ngayon, pero tila pakiramdam niya wrong timing siya.

"Anika, ano yang hawak-hawak mo." sabi ng kaibigan niyang si Bea. Agad namang ibinulsa ni Anika yung panyo.

"Wala, wala." sabi nito. Tila nagtaka siya sa sarili niya kung bakit siya nag panic. Naisip niya na nababaliw na ata siya. Nag kibit balikat nalang ang kaibigan niya at pumasok na sila ng klase.


Nang matapos na ang klase nila ay nagpaalam agad si Anika sa kaibigan niyang si Bea. Ayaw kasi niya na magpagabi pa uli. Natatakot kasi siya na baka makita niya nanaman ang lalaking kumidnap sakanya apat na taon nang nakakalipas.

Sa loob naman ng eskwelahan, nagtatalo si Danger at Candice sa likod ng puno.

"Gosh, bakit hindi mo sinabi saakin na binugbog mo 'yung lalaki na 'yun?!" Inis na sabi ni Candice sakanya. Nabalitaan kasi ni Candice yung nangyari nung nakaraang araw. Nabalitaan niya na niligtas ni Danger si Anika mula sa mga taong nambabato ng itlog sakanya. "Alam mo namang kapatid 'yon ni Seven diba? Danger naman, naghahanap ka ba talaga ng ikakamatay mo?!"

Tila naririndi na si Danger sa mga sigaw at pangaral na binibigay ni Candice sakanya kaya iniwan nalang niya ito bigla.
Tila na inis si Candice sa inasta ni Danger. Ang gusto lang naman niya ay maging ligtas si Danger.  Naiinis siya dahil hindi na nakikinig si Danger sakanya.

Kinaumagahan nagpasundo si Candice kay Danger sa bahay nila. Linggo naman daw kaya gusto nitong mag mall sana. Walang nagawa si Danger kundi pumayag nalang, na ikinatuwa naman ni Candice. Pakiramdam nito ay nakikinig na si Danger sakanya.

Habang nag dri-drive si Danger kasama si Candice ay bigla siyang napa preno ng malakas. Gulat na gulat si Candice dahil nakita niya na hinarang sila ng isang pulang kotse .

"That fucking asshole!" inis na sabi ni Danger. Bubuksan na sana niya yung pinto pero pinigilan siya si Candice.

"Danger, are you crazy?!" Pigil nito sakanya. Hinawakan nito ang kamay ni Danger. "Wag kang bumaba!"



"Stay here. Wag kang lalabas, kahit anong mangyari. I'm just gonna kill this fucking bastard."

Lumabas agad si Danger at nilock niya 'yong mga pinto ng kotse niya para hindi makalabas si Candice.

"You fucking bastard, get out!" sabi ni Danger sabay sinipa niya 'yong kotse. Lumabas ang isang lalaki sabay ngumisi siya sakanya.

"Long time no see, Danger." sabi nito. Biglang pumito yung lalaking 'yon at sunod sunod na lumabas yung iba pang mga lalaki na kasama niya sa kotse at sumugod kay Danger. Isa isa niyng sinuntok ang lahat kaliwa at kanan.


Walang magawa si Candice kundi ang umiyak sa loob. Hindi niya mabuksan ang pinto ng kotse dahil nasa bulsa ni Danger yung buzzer na pang bukas. Nanghihina at umiiyak si Candice sa loob ng kotse habang nakikitang binubugbog nila si Danger. Nanginginig na dinial niya ang number ni Fire at Fear.

Sinagot 'to ni Fear, pero hindi si Fire.

"F-Fear! P-pumunta ka ngayon din dito! Binubugbog si Danger nila Seven! Please! Bilisan mo! I'll text the address!" sabi nito sa kabilang linya. Habang patuloy na umiiyak at sabay tinext niya ang address. Hindi nakampante si Candice at tinawagan niya ang tito niyang pulis. Alam kasi ni Candice na psycho si Seven at ang makakapatigil lang sakanya ay ang mga pulis.  




Agad na hinawakan si Danger ng mga lalaki at ihinarap sa lalaki, na nag ngangalang Seven.

"YOU FUCKING SON OF A BITCH!" Inis na sabi ni Danger kay Seven. Ngumisi ng nakakaloko si Seven.


"You fucking punched my brother, you piece of shit!" sabi naman ni Seven at kasabay non ay sinuntok niya si Danger sa bunganga. Danger is all worn out. Pero tila hindi na nasasaktan si Danger at ngumisi nalang ito ng nakakaloko.


"He fucking deserves that."



At dahil don, sinuntok uli siya ni Seven sa sikmura dahilan ng pag ubo niya ng dugo. Meron ding dugo ang labi nito, at kung ano ano pang sugat sa mukha.



Hindi na kinakaya ni Candice ang nakikita niya. Ang sinisisi nalang niya ngayon ay si Anika.

Susuntukin pa sana ni Seven si Danger pero biglang may humawak sa kamay nito. Napatingin si Seven sa humawak at ngumisi din.


"Tsk, of course. Fear, you're here." sabi nito sabay umiling iling pa siya. Biglang sinuntok niya din si Fear. Binalik ni Fear 'yong suntok kay Seven.   Hangga't nag ka gulo gulo na lahat.

Hindi na kaya ni Candice ang  nakikitang duguan na away.  Nahigit naman nito ang paghinga niya nung narinig niya na ang tunog ng alarm ng paparating na pulis.






Kinaumagahan, naglalakad si Anika sa hallway ng school nila. Nag tataka siya kung bakit ang init nanaman ng tingin ng mga tao sakanya.

"Anika!" napalingon ito sa tumawag sakanya. Nakita ni Anika si Candice na papunta sakanya.

Nagulat nalang siya nang biglang sinampal siya ni Candice . Napahawak siya sa pisngi niya.

"Can you just stay away from Danger?! Muntik na siyang mamatay dahil sayo!"

Danger Is On The Way  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon