Chapter 17: SkyZin <3

1K 48 1
                                    

Chapter 17 / SkyZin <3

- - -

Zin's POV

- 4:26 pm na pala -
Tumakbo na ako sa banyo para maligo ulet.

Pagkatapos kong maligo ay naghanap ako ng pweding maisuot sa higante kong cabinet.

Uhmm. Ahhaaa. Kinuha ko ang peach na turtle neck dress. May zipper siya sa harap. Above the knee at parang cocktail dress siya.
Mas pumuti ako lalo ah.
Uhm. Nagsuot ako ng 2 inches high heels na peach din. Yung pang princess.
Nag make up ako. Light lang.
Tsaka nag lipstick ng kulay light pink. Tapos kinulot ko ang dulo ng hair ko. May bangs pa rin ako. Yung gaya ng kay Liza Soberano. :)))))

- Beeeeep beeeep! -

Tamang-tama lang ah. :)

Bumaba na ako't nagpaalam kay Lolo.

"Nagpapaganda ka na apo, ah?"
Tukso ni Lolo. Tumawa lang ako ng pilit.

Lumabas na ako at -----
Whoaaaah!
O_____O

Ampogiiiii :D <3

Si Sky.

Naka plain peach na polo tapos may V-Neck tshirt sa loob.
Walang silbi ang mga butones ngayon. Haha.
Naka fitted black jeans siya tapos naka adidas na white.
Simple nga lang pero makalaglag panty.
(HAHAHA. joke)
Wala na siyang eyeglasses ngayun.
My gosssh pogi din pala siya.
Ngumiti siya sakin.
Ako naman nakatayo lang sa gate.
Lumapit siya sakin pero nawala siyang bigla sa paningin ko.
Ayputssspaaa! Nadapa pa ang loko. Panira naman ng moment to.

"Hay. Ampoging lampa!"
Sabi ko. Sabay tawa.

"Ha-ha. Sorry. Kanina kapa kasi tulala diyan."
Sabi niya. Oh, talaga ba? Tulala ako? Himala ah?

"Di kaya."
Sabi ko sabay belat sa kanya.

"Tara na."
Dagdag ko.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Wala kaming plano eh. AHAHA.

Hm, medyo hindi na pamilyar sakin ang daang tinatahak namin.
At dinalaw din ako ng antok.

*

"Zin, gising."
Pag-alog sakin ni Sky pero mahina lang.

"Sorry, nakatulog pala ako."
Sabi ko. Inaantok pa ako.

"Grabe. Mga 30 minutes din kitang ginising. Ayan tuloy wala na ang araw. Lumubog na. Wala nang sunset."
Nalungkot ang mukha niya. Ayyy, sayang. :'( Gusto ko ring panoorin ang paglubog ng araw.

"Tara, baba tayo."
Anyaya ni Sky. Huh? Eh, anong gagawin namin dito? Tanging ilaw lang ng sasakyan ang nagsilbing liwanag namin dito.

"Takot ako sa dilim."
Sagot ko. Takot talaga ako.

"Hawakan mo ang kamay ko, Zin. Sa tuwing hinahawakan mo ang kamay ko, nararamdam kong ligtas ako. Sana ikaw din. Sa tuwing hahawakan ko ang kamay mo. Sana mawala ang takot mo."
Tiningnan ko lang siya. Hinawakan ko ang kamay niya. At sabay kaming lumabas ng sasakyan.
Malamig ang hangin. Tahimik. Malayo sa siyudad.

Umupo kami sa harap ng kotse.

"Zin."
Panimula ni Sky at mas hinigpitan ang paghawak sa kamay ko. Kinabahan naman ako.

- - -

Sky's POV

Hinigpitan ko ang paghawak ko sa kamay niya. Sasabihin ko na. Aamin na ako. Pramis.
Naramdaman ko namang isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Eto na, sasabihin ko na.

"Madilim hindi ba?
Alam mo bang ganito kadilim ang buhay ko. Bago ka dumating? Alam mo bang sa tuwing hahawakan mo ang kamay ko napapanatag ang puso ko? Sa buong buhay ko hindi ko inasahang mapapansin mo ang existence ko. Akala ko invisible ako sa mga mata mo. Hindi ko inexpect na magiging magkaibigan tayo. Hindi ko inexpect na magiging close tayo. Yung tipong hindi nahihiyang mag holding hands. Yung may oras para makasama ang isa't-isa. Yung may panahon para mag-enjoy na tayong dalawa lang. Alam mo bang nung unang araw na ipinagtanggol mo ako sa classroom. Sobrang saya ko nun. Kasi napansin mo rin ako. Kahit na tinitingnan mo ako ng masama. Okay lang. Ang importante ay napansin mo rin ako sa wakas. Yung inawat mo si Stacey sa cafeteria nung pinagtripan nila ako. Nung nagpaalam ka kay Ms. Zurich na e-excuse din ako dahil nagka-allergy ako. At yung inaway mo silang dalawa ni Adrian sa gym. Tsaka yung nagpa detention ka kahit alam naming lahat na ayaw na ayaw mo dun at nangbubugbog ka ng estudyanteng pilit kang pinapasok dun. Hahaha. Pero kusa kang pumasok dun para sakin. Yung niyakap mo ako sa labas ng room nung sinabi kong stress ako. Yung kahit ilang beses akong mauntog at madapa kaya pinagtitinginan at pinagchichismisan na tayo at ikaw dahil ang pangit ng kasama mo. Hindi mo man lang pinansin yun. Na appreciate ko lahat ng yun. Yung kahit baduy akong pumorma, lampa ako at mahina. Hindi ko kailanman naramdamang kinakaawaan mo ako dahil ganto lang ako. Naramdaman kong tanggap mo ako sa kung sino at anu ako. Napakasaya ko, alam mo ba? Kaya kung ikaw ay takot sa dilim. Mas lalo na ako. Dahil ayoko nang balikan ang dilim na 'to. Ikaw ang nagsilbing liwanag ng buhay ko. Ayoko at takot akong mawala ka. Zin, gusto kita.
Ay, hindi. M-mahal kita Zin. Mahal na mahal kita simula pa nung first year tayo."

Sa wakas. Nasabi ko rin.
Mahal kita Zin.

"Zin?"
Hala. Bakit hindi man lang sumasagot?

Dahan dahan kong hinawakan ang ulo niya at inangat.
Tulog pala siya.
-_______-
So ibig sabihin hindi niya narinig lahat? :(
Kung kelan nagkalakas na ako ng loob. Kung kelan nasabi ko na ang lahat. >____<

"Andaya mo naman. Tinulugan mo lang ako. :( ILoveYou Zin."
Kiniss ko siya sa forehead at dahan dahang binuhat papasok ng sasakyan. Ihahatid ko na siya pauwi.

*

Binuhat ko siya papunta sa kwarto niya at nakiusap ako sa yaya niya na bihisan siya. Nagpaalam na din ako sa Lolo niya at umuwi na din ako.

Hayyys! Epic fail. :(

- - -

Vote :)
Comment.

God bless us.

- - -

@LaiWhite

- - -

Ang chapter 18 is next to chapter 24 po. Ngayon ko lang na notice na hindi po pala na update. Pasensya na po!

Ang Lampa kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon