Chapter 5 / Stacey's Trip
- - -
Zin's POV
"Lo, aalis na ako. Bye."
Kiniss ko si Lolo sa cheeks tsaka nag mano."Mag-ingat ka! Wag mabilis magdrive."
Sigaw niya. Nasa labas na kasi ako."Opo."
Sigaw ko rin.Sumakay na ako sa Lamborghini Veneno car ko. Magkano ang presyo? $4.5 Million lang naman. Eh, ganern talaga. Hindi ako mayaman ah? Ang parents ko lang.
Advance debut gift ni Mom and Dad. Nasa states kasi sila. For sure wala na naman sila sa Debut ko. :( 6 months from now pa naman.After 20 minutes nakarating na din ako ng school.
Pinark ko na ang car ko.7:45 am palang pala. 8:30 pa first subject. Kaya pupunta na muna ako nang library. Makapag-basa nga muna. Boring eh.
Ang library ay nasa pinakadulo ng campus. Bago ka makarating dun. Madadaan mo pa ang cafeteria. Tapos ang kasunod nun ay Student Council Office. Guidance Counselor's Office. Faculty Staff's Office. Computer Lab tsaka Science Lab.
Nalagpasan ko na ang cafeteria pero napatigil din ako dahil na curious ako sa nangyayari sa loob.
- - -
SKY's POV
Nasa cafeteria ako ngayon. 7:23am pa lang. Marami na din ang mga students dito. Wala pa si Chan at ang kambal na si Autumn at Summer. Oo nga pala, kaibigan ko na silang dalawa. Mabait din pala si Summer. Naging mag kaibigan kami nung tinanong niya one time kung bakit ako umiyak. Syempre sabi ko nadapa ako at sobrang sakit kaya naiyak ako. Buti na lang na satisfy siya sa sagot ko at naniwala din agad.
May nakita akong bakanteng upuan sa dulo ng cafeteria. Dun na lang ako uupo. Maaga pa naman eh. Magbabasa muna ako.
"Hey, geek!"
May narinig akong nagsalita pero hindi ko nilingon. Hindi naman ako yun eh."Aba't ang bastos mo pala, Simon Keirtt Ylrach."
Ako yun ah. Kinumpleto pa talaga ang pangalan ko.Lumingon ako at may tinapon siyang juice sa mukha ko. Nagulat ako. Anong problema nito?
"A-anong kailangan mo, S-stacey?" Bakit niya ba kasi ako binasa?
Tumawa lang siya. Tapos may kinuha siyang plato ng harina at tinapon sa mukha ko. Napapikit ako. Tapos narinig ko naman ang magkahalong halakhak at tawa ng mga tao dito sa cafeteria. Inalis ko ang salamin ko at pinunasan ito tsaka isunuot ulit. Tumalikod ako pero hinatak niya ang bag ko. Sa sobrang lakas ng pagkahatak niya ay natumba ako.
Pinagtawanan nanaman ulit ako.
May binuhos naman siyang tubig sa ulo ko. Pero mayroong mga sili. P*teeek! Allergy pa naman ako sa sili o kahit anong maanghang. Gusto kong maiyak ngayon. Nakakahiya."Tumayo ka dyan, geek!"
Bulyaw ni Stacey sakin. Hindi ko siya pinakinggan."Sabi ko, TAYO!!!"
Nakakatakot ang boses niya. Kaya tumayo ako."A-ano bang kailangan mo sakin?" Nakayuko kong tanong sa kanya.
Naramdaman ko na man ang hapdi sa balat ko. Nag eepekto na ang anghang sa katawan ko. At ramdam ko na ring magkakapantal na naman ang balat ko.
"Wala lang. Trip ko lang pagtripan ka."
Siya sabay tawa ng malakas.Hindi ako umimik. Tumalikod ulet ako. Umiiyak na ako ngayon. Nakakahiya ang nangyayari sakin ngayon. Ano bang mali sakin at palagi akong pinagti-tripan?
"Wag kang bastos!"
Hinatak niya ulet ang bag ko at pagharap ko ay akma niya na akong sasampalin. Pumikit ako pero walang kamay na dumapo sa mukha ko."Subukan mo lang sampalin ang mukha niya at tatadtarin ko nang kalmot yang mukha mo gamit ang kuko ko sa paa."
Sabi ng mahal ko. Este, ni Zin. Ikalawang beses niya na akong pinagtanggol. Ang saya saya ko."Wag ka ngang maki-alam dito, Zin." Galit na sabi ni Stacey sabay piglas sa pagkakahawak ni Zin pero hindi niya ito natanggal. Nakita ko kasing mas hinigpitan ni Zin ang paghawak niya kay Stacey.
"Ano ba? Lemme go! You btch! Bitiwan mo ako."
Galit na galit na pagpupumiglas ni Stacey. Nagdurugo na ang kamay niya. Binabaon ni Zin ang kuko niya rito."Masakit ba?"
Cold at nakakatakot na sabi ni Zin."O-oo. A-aray. *Sniff* Bitiwan mo ko, Zin."
Mangiyak ngiyak na sabi ni Stacey.Bumitaw naman si Zin. Kawawang kamay ni Stacey, dumudugo.
"Magbabayad ka Zin. Magbabayad ka. At ikaw geek. Swerte ka lang ngayon. May araw ka din sakin. Tandaan mo yan! Mga bwseeeet!!"
At agad nang tumakbo si Stacey kasama ang mga alipores niya."Kayo? Magsipuntahan na sa classrooms niyo! Bilis!!"
Utos ni Zin. Nagsi-alisan na rin ang mga estudyante. Hindi nga mapagkakailang siya ang Student Council President. Napapasunod niya ang lahat.Agad namang tumakbo papalapit si Autumn sakin.
"Oh my G. What happened to you, besty? Tara sa locker room mo. May extra ka bang uniforms dun?"
Alalang tanong niya."O-oo, autumn. M-meron."
Sagot ko."Tara na."
Yaya niya.Nakita ko namang malapit na sa pintuan si Zin. Bago pa man ako makapagpasalamat sa kanya ay nakalabas na siya.
Agad naman akong inalalayan ni Autumn at nagtungo kami sa locker room. Nag shower ako at saktong 8:30 na ako nakapasok ng room.
Pagpasok ko. Ramdam kong pamamantal ng balat ko. May allergy na ulet ako pero kailangan kong pumasok. Nakita kong tiningnan ako ng masama ni Stacey na maraming band aid sa kamay. Yumuko ako. Tiningnan ko naman si Zin. Bored ang mukha niya at nakatingin sa kawalan. Kahit saang anggulo ang ganda niya. Tumigil ako sa tapat ng upuan niya. Magpapasalamat na sana ako pero biglang pumasok sa room si Ms. Zurich.
- - -
Comment
Vote
Share. :))))Ty, Gby :*
- - -
@LaiWhite
BINABASA MO ANG
Ang Lampa kong Boyfriend
Novela JuvenilNerd na nga. Lampa pa. Payatot na nga. Matatakutin pa. Pano nga ba ako na-inLove sa isang kagaya niya?