Chapter 7 / Pagkakaibigan o Pag-ibig?
- - -
Zin's POV
Ohkay! Friday na. Ibig sabihin. P.E na naman. Tsaka, rest day bukas. Haaaay Salamat! :)
Nasa Covered Court kami ngayon. Magbabasketball daw ang boys. At ibig sabihin nun, oras na naman para magpasikat si Stacey! Tsk tsk. Tiba-tiba nanaman si bes. -___-
"Ano ba yan! Boring."
Sabi ko. Boring naman talaga eh."Hi, Zin."
Alam niyo kung sino? Si asungot lang naman. Ughhh!"Hello."
Tipid kong sagot."Uhm, about kahapon."
Siya. Tiningnan ko naman siya with matching taas kilay. Anong meron kahapon?"Gusto ko sanang mag thankyou sa'yo." Dagdag niya.
"Huh?"
Thank you para sa ano naman tong pinagsasabi ng asungot na to?"For saving my friend. Uhm, my BESTFRIEND."
Ohkay? Sinong bespren?"Ha? Sino?"
Sino nga ba?"Sky."
Ahh. Si Sky."No problem. It's my obligation. I'm the Campus President. That's my job. Wala kang dapat ipag thankyou."
Pag-eexplain ko. Srsly? Magbespren sila?"Thank you pa din. Alam ko kasing hindi niya kayang mag thank you sa'yo kasi mahiyain siya't maraming umiiwas sa kanya dahil lampa siya." Sabi niya. Na-amaze ako.
Oo nga naman. Lampa naman talaga si Sky. Pero napakaswerte niya't naging kaibigan niya tong si Chander. Gwapong gwapo nga ako sa kanya. Kaya lang hindi naman ako kagaya ng iba na kinikilig pag ka harap ang taong gaya niya. Like duh. Mas crush ko pa yata mga kuya ko kesa sa kanila. Pogi ng mga kuya ko eh. Haha. (Mahangin ba? Ge, magkumot ka na lang. Lalamigin ka niyan. HAHAHA)
"Ganun ba? K."
Yun lang sinagot ko. Haha. Eh sa wala akong maisip eh."Uhm. Zin. Pwedeng magtanong?" Siya.
"Boplaks ka ba. Nagtatanong ka na nga eh?"
Pilosopong sagot ko."Ehhh~ Hindi ganun."
Bigla siyang nag pout. Leche. Ang kyuuut niya.
Pero di ako kinikilig. Cute lang talaga siya."Ano nga?" Tanong ko.
"Masama ba kung parehong babae ang magustuhan ng magkaibigan na parang kapatid na ang turingan?"
o_O di ako prepared sa tanong na yun ah?"Ah. Sa opinyon ko. Oo."
Tsk. Kumirot ang dibdib ko. Naalala ko na naman ang nangyari nung first year ako. Puppy love pa nga lang yun pero nasira ang friendship namin.
:'("Bakit naman?"
Tanong niyang muli."Kasi, kahit anong gawin niyo. May masasaktan talaga. Pero dependi naman yun e. Kasi iban naman ang gusto sa mahal." Sabi ko.
"Alam ko naman yun. May masasaktan talaga."
Biglang lumungkot ang mukha niya."Alam mo Charmander."
Ako."Chander, nga!"
Siya."Ay, Chander. Alam mo. Wala namang masasaktan sa inyo kung mas pipiliin niyo ang friendship eh. Lalo na kapag hindi pa alam ng babaeng yun na mahal o gusto niyo siya. Kasi kapag alam niya na, maaaring pumili siya sa inyong dalawa. Hindi ba? Pero pwedi rin namang wala sa inyong dalawa ang mahal niya. Marami naman kasing possibilities na pwedeng mangyari eh. Pero, payo ko lang. Bago kayo pumasok sa magulong situation. Isipin niyo muna kung ano ba talaga ang mas mahalaga para sa inyo. Friendship niyo ba, o pag-ibig? Ganun lang yun. Kahit ano namang gawin natin. Masasaktan at masasaktan tayo eh."
Grabe, isang himala. Ngayon lang ulit ako nag salita ng pagkahaba-haba sa taong kausap ko. Haha. Ganun ba talaga ang epekto kapag naka relate ka? Haha."Thanks Zin. Ibig sabihin ba nito. Kaibigan mo na ako? Hindi ka na kasi tipid magsalita eh. Tsaka, thanks din sa payo mo ha? Malaking tulong."
Sabi niya. Uhmm. Sige na nga. Wala naman akong kaibigang iba rito eh. Ayoko lang magkaroon ulet."Sige. :)"
I smiled at him. A genuine smile.He blushed. Ahahaha. Bakla.
"Parang kamatis na mukha mo oh! HAHAHAHAHA."
Kantyaw ko."Haha. Uy, d-di ah? Ikaw ata eh!"
Siya, sus in denial."Hahahahahaha. Ikaw!"
Tukso ko sa kanya."Ikaaaaw!"
Siya, haha pikon talo.Tawa lang kami ng tawa ng biglang..
-BLAAAAAAAAAAAG-
Nahulog si Sky sa bleachers. Ampteeek. Nahimatay yata?
Tumakbo kaming dalawa ni Chander papalapit sa kanya."Chander! Nakita naming sinadya ni Adrian na ibato sa ulo ni Sky ang bola. Ang lakas ng impact kaya siguro siya nahimatay. Dagdag pa natin ang nahulog siya dito. Dumudugo ang ulo niya."
Tarantang sabi ni Autumn. Nakita ko namang kinuyom ni Chander ang kamao niya at akmang susugod kay Adrian. Pero pinigilan ko siya."Buhatin mo si Sky papuntang clinic. Mas importante siya kesa dyan, Chander! Autumn, tulungan mo siya."
Utos ko at agad naman silang umalis.Lumapit ako kay Adrian. Nakita kong naghaharutan sila ni Stacey.
Tsk. Pakana na naman to ng bruhildang to. Lagot kayo sakin.- - -
Read
Vote
Comment
Thanks :)
Godbless :*- - -
@LaiWhite
BINABASA MO ANG
Ang Lampa kong Boyfriend
Teen FictionNerd na nga. Lampa pa. Payatot na nga. Matatakutin pa. Pano nga ba ako na-inLove sa isang kagaya niya?