Chapter 25: Voice Record

851 37 0
                                    

Chapter 25 / Voice Record

- - -

Autumn's POV

"P*teeeek! G*gong Chander yan! Yun na sana e. Masasabi mo na. Tapos ano? Biglang magtatanong ng 'nagustuhan mo ba ang surpresa ko bby?' Inangkin yung effort mo? P*ta! Sarap niyang sapakin kanina."
Walang tigil na talak ni Summer. Tss.

Nasa field kami ngayon.
Ako, si Summer, si Sky, si Adrian, si Bryxx at si Alaiza.
Nadisappoint kaming lahat dahil palpak ang plano.

Kitang kita ko naman ang lungkot sa mga mata ni Sky. Sayang talaga. Sobrang sayang.

"Tumahimik ka na nga, Summer!"
Saway ko sa kanya. Ingay na eh.

"Tss."
Yan na lang ang nasagot niya.

"Pahiram akong ballpen, Sky."
Luh! Wala bang ballpen 'tong si Alaiza? Anu ba yan.

"Oh!"
Inabot ni Sky sa kanya ang ballpen. Parang wala naman sa mood 'tong taong to. Depressed masyado sa naging outcome ng plano kanina.

EPIC FAIL.

"Excuse me muna guys. May c-cr lang ako."
Paalam ni Sky at umalis na. 
Napatawa naman kaming lahat nang nadapa siya at naiwan ang sapatos niya. Kahit kelan talaga palaging nadadapa. HAHA.

Tahimik lang kami habang nakaupo sa damuhan.

"Guys! Wala ba kayong napapansing kakaiba sa pen na to?"
Pagbasag ni Alaiza sa katahimikan.

Medyo kakaiba nga ang ballpen. Hiniram ko yun kay Alaiza at may pinindot ako.

"Madilim hindi ba?
Alam mo bang ganito kadilim ang buhay ko. Bago ka dumating? Alam mo bang sa tuwing hahawakan mo ang kamay ko napapanatag ang puso ko? Sa buong buhay ko hindi ko inasahang mapapansin mo ang existence ko. Akala ko invisible ako sa mga mata mo. Hindi ko inexpect na magiging magkaibigan tayo. Hindi ko inexpect na magiging close tayo. Yung tipong hindi nahihiyang mag holding hands. Yung may oras para makasama ang isa't-isa. Yung may panahon para mag-enjoy na tayong dalawa lang. Alam mo bang nung unang araw na ipinagtanggol mo ako sa classroom. Sobrang saya ko nun. Kasi napansin mo rin ako. Kahit na tinitingnan mo ako ng masama. Okay lang. Ang importante ay napansin mo na rin ako sa wakas. Yung inawat mo si Stacey sa cafeteria nung pinagtripan nila ako. Nung nagpaalam ka kay Ms. Zurich na e-excuse din ako dahil nagka-allergy ako. At yung inaway mo silang dalawa ni Adrian sa gym. Tsaka yung nagpa detention ka kahit alam naming lahat na ayaw na ayaw mo dun at nangbubugbog ka ng estudyanteng pilit kang pinapasok dun. Hahaha. Pero kusa kang pumasok dun para sakin. Yung niyakap mo ako sa labas ng room nung sinabi kong stress ako. Yung kahit ilang beses akong mauntog at madapa kaya pinagtitinginan at pinagchichismisan na tayo at ikaw dahil ang pangit ng kasama mo. Hindi mo man lang pinansin yun. Na appreciate ko lahat ng yun. Yung kahit baduy akong pumorma, lampa ako at mahina. Hindi ko kailanman naramdamang kinakaawaan mo ako dahil ganto lang ako. Naramdaman kong tanggap mo ako sa kung sino at anu ako. Napakasaya ko, alam mo ba? Kaya kung ikaw ay takot sa dilim. Mas lalo na ako. Dahil ayoko nang balikan ang dilim na 'to. Ikaw ang nagsilbing liwanag ng buhay ko. Ayoko at takot akong mawala ka. Zin, gusto kita.
Ay, hindi. M-mahal kita Zin. Mahal na mahal kita simula pa nung first year tayo."

NAKANGANGA kaming lima. As in.

Dapat marinig to ni Zin.

"Ako nang bahala dito."
Hinablot ni Alaiza ang ballpen at agad agad na umalis.

- - -

Alaiza's POV

Bessy Zin. Eto na.
Malalaman mo na din ang katotohanan.
^______^

- - -

Vote
&
Comment. :)
Ty.
God bless us all.

- - -

@LaiWhite

Ang Lampa kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon