Chapter 13: Circle of friends

1K 38 0
                                    

Chapter 13 / Circle of friends

- - -

ZiN's POV

After naming kumain ni Sky kahapon ay nagpasundo na din ako sa driver ko. Tsaka siya? Pinahatid ko na din sa driver namin. Lampa pa naman. Baka madisgrasya pa sa daan.

Nasa school na ako. 7:18 AM palang. Sobrang aga ko pala.

Pumasok ako ng cafeteria at nag-order ng hot choco.

Lumapit naman sakin si Adrian.

"Hi. Mind if I join you here?"
Sabi niya. Inirapan ko siya. Anong kailangan niya?

"Nope. Sige umupo ka."
Hindi ko siya tiningnan. Nakadungaw lang ako sa bintana.

"I just wanna say sorry sa inakto ko nung Friday. Sorry Zin."
Heeek! Nasa vocabulary niya pala ang word na sorry? Haha. Ameeeeyziiing!!

"K."
Anu ba yan. Maaga pa yatang masisira ang araw ko.

"Ziiiin. Good morning. ^___^"
Ganda ng gising ni Chander ah?

"Good morning Charmander."
Napatingin ako kay Adrian. Nagulat siya sa narinig niya. Kaya natawa rin kaming dalawa.

"HAHAHAHAHA pokemon."
Sabi ni Adrian na nakahawak pa sa tiyan niya kakatawa.

Nakita kong kinuyom ni Chander ang kamao niya. Oo nga pala. Yung tungkol kay Sky nung friday. Dapat pala siya ang susugod dun.

"Chander. Kalma."
Tsk. Ang aga pa para makipag-away.

"Anong ginagawa mo dito, Adrian?"
Inis na tanong ni Chander.

"Wala. Kinakausap ko lang ang kababata ko. Pake mo?"
Medyo galit na sagot ni Adrian. Hinampas ko siya.

"Shooo-shooo. Alis kana Adrian. Shooo."
Pagtataboy ko sa kanya. Baka mag suntukan sila eh.
Umalis naman siya. Hay, buti naman.

"Buti naman. By the way, Zin, may tatanong sana ako."
Sabi niya.

"Sige, ano yun?"
Uminom naman ako sa hot choco ko.

"Bakit wala kang kaibigan?"
Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko inexpect.

"Eh, anong tawag mo sa sarili mo?"
Oo nga, kaibigan ko naman siya ah?

"Hindi, I mean. Bago tayo naging friends bakit wala kang nagiging kaibigang iba?"
Eh, sa ayaw ko eh. Pake mo ba?

"Wala lang. Ayoko lang magtiwala. Kasi minsan, kung sino pa ang pinagkakatiwalaan mo. Siya pa pala ang gag*go sa'yo!"

Tsk. Kung sino pa ang pinakamatalik mong kaibigan, siya pa minsan ang aahas sa'yo.

"Malaman ang sagot mo ah. May pinaghuhugutan?"
Pabiro niyang sagot. Hinampas ko siya at tiningnan ng masama.

"Joke lang. Pero, tama ka naman. Erase na nga lang. Kita mo, nakasimangot ka. Smile kana. Panget mo!"
Dagdag niya. Aba, nagsalita ang gwapo?

(A/N: American accent po ang pagsasalita ni Chander. Fluent naman siyang mag tagalog. Yung tono niya lang, pang foreigner. Ganern.)

"Kaya pala crush mo 'ko."
Biro kong sagot. Eff. Nagblush ang loko. -..- Crush niya ba ako? Haha.

"Oh. Tameme ka ngayon? Totoo nuh?"
Haha, tukso ko sa kanya. Mas lalo siyang namula. Haha. Tumawa lang ako.

"Ziiiii----- ouch!"
Alam niyo na kung sino? Syempre si Sky. Nadapa ulit.

"Oy, ingat naman dre."
Sabi ni Chander.

"S-sorry. Pwede bang maki-upo?"
Sabay pagpag sa uniform niya. Hay nako. Hindi talaga mahahalatang mayaman ang isang 'to.

"Sige, dito ka na lang sa tabi ko. First date mo ako, kaya dito ka."
Hahaha. Namula rin siya. Hahaha. Nag-eenjoy na akong mantrip sa mga lalaking nagmumukhang kamatis. XD

"First date?"
Takang tanong ni Chander.
Umupo naman si Sky sa tabi ko.

"O-oo dre."
Sagot niya.

"Kelan?"
Hm, ba't medyo banas ang mukha ni Chander ngayon?

"Kahapon. Nag simba kami. Tapos kumain sa labas."
Ako na ang sumagot.

"A-ah? Bakit hindi mo'ko niyaya?" Nalungkot ang mukha niya tapos nag pout. Awww, cute.

"Unplanned naman kasi yun. Pero, nag-enjoy naman ako. Matakaw din kasi 'to eh. Hahaha."
Sabay turo kay Sky na nakayuko lang. Parang ayaw tingnan sa Chander.

"Hi besty, Hi Chander. Hi? Zeeya?"
Si Autumn pala. Nag smile ako.

"Makikiupo kami, pwede?"
Tanong ni Summer.

"Sige. Sure."
Sagot ko tapos ngumiti.

"Akala ko talaga, maldita ka."
Sabi ni Summer sabay turo sakin. Maldita kaya ako. Hm.

"Tamang akala."
Sagot ko.

Nagkwentuhan naman kami at nagtawanan. Nakakapanibago. Wala kasi akong ibang naging kaibigan maliban kay..

Alaiza at Bryxx.
:(
Yung alam niyo na. Yung nagtransfer nung naging sila.

Masaya pala magkaroon ng kaibigan.
:)

Napansin ko nga lang. Medyo wala sa mood si Chander. Tapos si Sky naman minsan kahit hindi joke. Tumatawang mag-isa. May na se-sense akong kakaiba. Ano kayang problema nilang dalawa? Hmm.

- - -

Vote
&
Comment.

Thanks. :*
God bless us.

- - -

@LaiWhite

Ang Lampa kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon