Chapter 20 / Truth
- - -
Zin's POV
- 1 message received -
From: ChanderBabe😍
Bby! Hindi ako makakapasok ngayon. Emergency, pupunta akong Baguio. Kwento ko na lang sa'yo pag balik ko. Ingat ka palagi. Umiwas ka kay Bryxx. I Love You.
Nalungkot naman akong bigla. :(
Hanggang kelan siya dun? So ibig sabihin boring ang araw ko.Nag type na din ako ng reply ko.
To: ChanderBabe😍
Ok. Mag-iingat ka din. I love you too.
SENT.
hay! Makapunta na nga lang ng school. 7:02 am na din naman eh.
*
Nasa school na ako at medyo marami na ring students.
Ayoko namang dumaan ng cafeteria kaya dumeretso na ako ng room.
Pagpasok ko ng room. May nakita akong isang box sa desk ko.
May nakalagay na..To: Zin
Na excite naman ako sa laman.
Pagbukas ko may mga love letters akong nakita.
Sobrang lapad ng ngiti ko. As in, SUPER.
^_______________________^Yun nga lang! Napansin kong punit ang iba tsaka parang nilukot.
Uhm, bakit kaya?Isa isa kong binasa yun.
Puro poems at cute messages para sakin ang nakasulat dun.
:)Yung parang stalker ko talaga siya kasi halos lahat ng galaw ko alam niya. Tsaka. Marami rin akong stolenshot photos dun.
Kay IANWY galing ito.
Kaya alam kong kay Chander. :)
Suuuus!
Answeet naman niya.
Nag-iwan pa ng letters para lang mapangiti ako. :)
Sweeeeeet niya talaga. <3- - -
Bryxx POV
Buti na lang at wala pa si Chander.
Hindi niya malalamang pinulot ko lahat ng letters na yun. At ako ang naglagay sa box ng mga letters na yun. Punit punit na nga at medyo lukot na. Pero nababasa pa naman. Nasa labas ako ng room ngayon. Pinagmamasdan si Zin habang ngumingiti siya. Walang kupas, sobrang ganda niya pa rin. :)Nabasa ko lahat ng laman ng letters na yun. At alam kong hindi si Chander yun.
Kundi si Sky.
Pano ko nalaman?--- Flash back ---
Maaga akong pumasok ng school. Wala pa akong kaklase kaya dumeretso ako ng room para makaidlip. Inaantok ako eh.
Nakita kong pumunta si Sky sa desk ni Zin at inilapag ang letter niya.
Uhm, hindi niya ako napansin kasi nasa labas pa ako ng room.
Tapos tinago niya sa bag niya ang sticky note na violet tsaka yung stationery niya na ginagamit yata para sulatan si Zin.Lumayo muna ako sa room dahil nakita kong lalabas si Sky ng room.
Maya maya'y dumating si Chander.Pumasok na ako ng room. At nakita kong hawak niya ang letter.
Tinapon niya yun sa basurahan at lumabas rin siya. Kaya nung makalayo siya pinulot ko yun at binasa.--- End of flashback ---
Simula ng araw na yun. Maaga na akong pumapasok ng school at gaya ng inaasahan ko. Palaging sa basurahan ang bagsak ng mga letter ni Sky para kay Zin. Tsk tsk.
Sa naaalala ko. Bago sinagot ni Zin si Chander ay nasabi niyang nainlove siya dahil sa effort ni Chander magsulat para sa kanya. Yun ang dahilan kung bakit nahulog ang loob niya.
So, ibig sabihin. Nainlove si Zin kay Chander dahil sa letter na hindi naman siya ang nagsulat?
Napaka walang hiya talaga ni Chander. Tinraidor niya ang matalik niyang kaibigan at pinaniwala pa niyang sa kanya galing ang mga sulat na yun?
Tsk. Kaya sige lang Chander.Paghandaan mo na lang ang karma mo.
- - -
Vote :)
Comment.Thanks. Godbless.
- - -
@LaiWhite
BINABASA MO ANG
Ang Lampa kong Boyfriend
Novela JuvenilNerd na nga. Lampa pa. Payatot na nga. Matatakutin pa. Pano nga ba ako na-inLove sa isang kagaya niya?