Chapter 23: Eavesdropping

947 39 2
                                    

Chapter 23 / Eavesdropping

- - -

Sky's POV

Nasa rooftop ako. Kumakanta ng Dream Girl ng Kolohe Kai.
Nanghiram ako ng gitara sa GLEE Club namin.

Tumayo na ako at napansin kong nandun si Zin. Tulog.
Binuhat ko siya at dinala sa clinic. Sobrang bagal lang ang lakad ko dahil ayoko talagang madapa.
Maraming nakatingin samin. May nagpi-picture pa. Lesssheee!

Iniwan ko na si Zin dun. Alam na naman ni Nurse Glydel na kapag tatanungin ni Zin kung sino ang naghatid sa kanya. IANWY ang sagot.

Umakyat ulit ako sa rooftop para kunin ang gitara. Iniwan ko kasi dun eh. Binuhat ko kasi si Zin.

Papaakyat na ako sa hagdan pero napatigil ako at sinubukang h'wag lumikha ng kung ano mang ingay.

Narinig kong nag-uusap si Bryxx at Alaiza.

"Ha? Seryoso ka?"
Medyo gulat na tanong ni Alaiza.

"Oo Laiz. Alam kong si Sky si IANWY at hindi si Chan."
Sagot ni Bryxx. Luh! Pano niya nalamang ako si IANWY? At ano naman ang pake ni Chan tungkol kay IANWY? Alam din naman ni Chan na ako si IANWY.

"Eh! Hindi ba sinagot ni Bessy si Chander dahil sa mga letters na yun? I mean. Isa yun sa nagustuhan ni Bessy sa kanya hindi ba?"
Huh? Sinagot ni Zin si Chan dahil sa letters? Ha? Hindi ko gets!

"Oo nga. Isa yun sa dahilan. Pogi points din kaya para kay Zin yun! Yung punto ko. Nagpapanggap si Chander na siya si IANWY."
Napakuyom ako ng kamao. So, nagpapanggap siya? Traydor!

"Ha? Tangnang Chander. Langyaaa! Pagkanalaman to ni Bessy! Sabog talaga ang mukha niya!"
Medyo galit na din si Alaiza.

Tsk. Nagagalit ako sa sarili ko. Bakit ba hinayaan kong gamitin ako ni Chan para makuha niya si Zin? Alam naman niyang ako yun. Bakit siya nagpanggap na siya si IANWY? Bakit ko ba hinayaang mangyari to lahat?
Bakit ba kasi ang torpe torpe ko at hindi ko masabing ako yun. Bakit parang naputulan ako ng dila? Tsk.

Nahulog ako sa hagdan kaya napansin nila ni Bryxx na nandun ako.
Medyo gulat ang mukha nila na para ring naaawa sakin.
Ayokong kaawaan. Mas lalong bumababa na ang tingin ko sa sarili ko.

Tinulungan akong tumayo ni Bryxx.

"Kanina ka pa ba dyan, Sky?"
Tanong ni Alaiza na medyo nag aalala.

"Oo. Narinig ko lahat. Sorry. Hindi ko naman sinasadya. Napadaan lang ako."
Nakayuko lang ako. Nahihiya ako na parang ewan.

"Alam mo na pala. So, anong plano mo?"
Tanong ni Bryxx. Ano nga ba ang plano ko?

"Wala. Hayaan mo na sila. Ang importante masaya si Zin. Masaya na din ako."
Kahit naman siguro walang love letters mamahalin pa rin ni ZIN si Chan.

"Bopols ka pala e! So ganun ganun na lang? Hahayaan mong iba ang makinabang sa efforts mo? Suko ka na?"
Medyo banas na tanong ni Alaiza.

"Oo. Bestfriend ko naman siya. Sabihin nalang nating tulong ko iyun sa kanya. Ok lang. Ang importante siya ang nakinabang at hindi ang iba."
Sagot ko. Tama naman dba?

"Eh bobo ka pala talaga eh! So ganun na lang yun? Hahayaan mong maniwala si Zin sa kasinungalingan? Akala ko ba mahal mo siya? Bakit hindi mo ipaglaban? Ha?"
Inaaway na ako ni Alaiza. Tsk. Pero napapaisip ako. Masaya nga si Zin. Pero kasinungalingan naman lahat ng nagpapasaya sa kanya. UGHHH! Ano ba ang dapat kong gawin?

"Kahit naman sabihin ko sa kanya wala namang magbabago. Hindi naman niya ako mamahalin. Kahit ipaglaban ko siya alam ko namang ako pa rin ang talo sa huli."
Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Sinubukan mo na ba? Torpe torpe mo! Tanggap mo naman palang hindi ka niya gusto edi subukan mo. Atleast hindi masakit kapag ni-reject ka niya. Kasi expected mo na rin naman hindi ba? There's no harm in trying. Hurt meron. Pero kahit ano naman ang gawin mo. Aminin mo o hindi ang nararamdaman mo. Masasaktan ka pa rin. Kaya go na! Subukan mo!"
Pangungumbinsi ni Alaiza sakin.
Hm. Subukan ko kaya? Wala namang mawawala e. Tama naman siya. Aminin ko man o hindi. Masasaktan pa rin ako.

"S-sige."
Sagot ko.

"Masaktan ka man, Sky. Ang importante, nasabi mo. Atleast, you tried. Pero hindi mo pa naman kasi alam eh. Baka akala mo lang wala kang pag-asa. Tapos ang ending pala. Meron!"
Tama si Bryxx. Atleast, sinubukan ko. Kaya sige. Susubukan ko.

Zin. Pangako. Magiging matapang na ako. Ipaglalaban kita.

- - -

Vote po! :)
Thanks.
Godbless

- - -

@LaiWhite

Ang Lampa kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon