Chapter 10 / Thank you
- - -
Zin's POV
Walang nangyaring kung ano man dito sa detention room. Maliban na lang sa walang sawang pagmumura ni Stacey sakin. Hindi ko na rin pinansin yun. Sobrang gutom na ako eh. 6 hours na kami dito. Mamayang 4PM pa kami pweding lumabas. Sinong nagsabi? Syempre, ako. Isang oras pa. Haist!
Gutom na ako. Hindi kagaya noon. Hindi niya hinahayaang magutom ako.
Naaalala ko pa. Nung nandito pa siya. :(
Dinadalhan niya ako ng lunch kapag nauubos ang oras ko kakabasa ng libro.
Dinadalhan niya ako ng fries at pizza sa classroom tuwing recess. Hinahatiran niya ako ng pagkain sa bahay na siya mismo ang nagluluto.Umaga, Tanghali, Hapon at Gabi. Pinapaalala niya sakin na dapat hindi ako malilipasan ng gutom. Tinatawagan niya ako at tinatanong kung tapos na ba akong kumain.
Miss ko na siya. Sobrang miss. :(
Sino siya? Siya, ang ultimate crush ko na crush din ako na crush din pala ng best friend ko. Sweet siya, mabait, gwapo, matalino, gentleman. Halos nasa kanya na lahat. Hindi niya ako nililigawan noon pero alam kong mutual ang nararamdam namin. Huli na nga ng malaman kong crush din siya ng best friend ko. At hindi ko alam kung panong ni'risk niya ang friendship namin para sa lalaking yun. :(
Nabalitaan ko nalang na sila na't dun ay hindi ko na rin sila nakita dahil lumipat sila ng school. Para umiwas sakin. Masakit, oo sobrang sakit. :(Naputol naman ang pag-iisip ko nang biglang may kumatok.
Tumayo ako't binuksan ko yun.Walang tao pero may sticky note na kulay violet ulet tapos isang paper bag.
May nakasulat na, "KUMAIN KA NA. ALAM KONG GUTOM KA NA."
-ianwy :)Siya na naman?
Binuksan ko naman ang paper bag at may lamang fries, spaghetti at pizza tsaka tropicana. :)
Wow. ^______^Napatingin naman ako kay Stacey at Adrian na nakatingin sakin ng masama.
Gusto ko na sanang kumain kaso hindi naman ako ganun kasama para kumain sa harap nila. Pareho naman kaming tatlo na hindi pa kumakain. Kaya hindi na muna ako kakain."Kumain kana Zin. Wag mo kaming alalahanin."
Sabi ni Adrian."Ge lang! Ayoko kasing mag share ng pagkain. Nahiya naman ako sa inyo!"
Sarkastiko kong sabi.Childhood friends kami ni Adrian. Pero hindi kami ganun ka close. At hindi ko na rin siya nakasama simula first year. Busy siya sa basketball eh.
"Edi mamatay ka na lang."
Singit ni Stacey."Mauna ka na. Mas kailangan ka na ni kamatayan eh. Kailangan ng cheer leader sa impyerno. Lahat ng tao dun, HOT. Bagay na bagay ka talaga dun."
Kutya ko. HAHAHA.Nag fckYou sign siya sakin. Haha. Edi siya na. :P
Inirapan ko lang siya.3:43 PM na. Malapit nang mag 4. Yes! :)
Sinubsob ko ang mukha ko sa mesa.
Inaantok ako.*
Pagmulat ko'y nasa kwarto ko ako. Imposible, nasa detention room kaya ako.
Hm, nananaginip pa yata ako. Pumikit akong muli at pag dilat ko nasa kwarto ko talaga ako?Nilibot ko ang aking paningin.
Nakita ko sa side table ko ang paper bag at sticky note.
Nagugutom ako kaya kakain na muna ako.Kinain ko ang laman ng paper bag at bumaba para kumuha ng ice cream sa ref.
"Oh, apo! Gising kana pala."
Ngumiti lang ako sa kanya."Hi Lo. Ano pong nangyari?"
Tanong ko. Hindi ko kasi alam kung panong nakauwi ako."Hinatid ka dito ni Chander. Ikaw talagang bata ka. Tulog mantika ka talaga. Nahirapan daw siyang gisingin ka kaya hinatid ka na lang niya dito. Nakita niya daw ang address natin sa I.D mo."
Paliwanag ni Lolo.Nanigas ako. Baka sinabi rin niyang may inaway ako sa school tsaka nasa detention room ako buong mag hapon.
"Yun lang po sinabi niya, Lo?"
Paniguradong tanong ko."Oo. Bakit meron pa ba akong dapat malaman?"
Naku patay. Sana di ko na tinanong."Ah. Eh. Ah, wala Lo. Sige po. Akyat na ako."
Sabay takbo papunta sa kwarto ko. Hindi tuloy ako nakakuha ng ice cream. :(Matutulog na nga lang ako.
Tiningnan ko ang orasan.
9:23 na pala. Himbing naman ng tulog ko. Sige, matutulog na ako ulet. Haha.Papatayin ko na sana ang lampshade pero nakita ko ulet ang sticky note.
Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang journal notebook tsak inilagay ang sticky note dun. :)
Bumalik na ako sa kama.
Pumikit ako.
'kung sino kaman ianwy. THANK YOU. :)'
At nakatulog na ako.- - -
Vote
Comment
ShareThanks.
God bless us.- - -
@LaiWhite
BINABASA MO ANG
Ang Lampa kong Boyfriend
Ficção AdolescenteNerd na nga. Lampa pa. Payatot na nga. Matatakutin pa. Pano nga ba ako na-inLove sa isang kagaya niya?