Chapter 42

866 32 7
                                    

dedicated to :

ellasofiaaa95

Mrs. Marquez's POV

Masakit sa isang ina ang makitang nasasaktan ang kanyang anak. Kung kaya't parang nadurog ang puso ko ng makita kong umiiyak si Fly sa kwarto niya.
Nadagdagan ang inis ko kay Sky dahil siya ang dahilan ng pag-iyak nito.

* Flashback *

Kakatapos ko lang magpirma ng mga papeles sa mini-office ko sa bahay.

Pagod na ako.

Umakyat na ako ng kwarto nang mapansin kong bukas ang pinto ng kwarto ni Fly.
Hmm. Ilang araw na din pala kaming hindi nakakapag-usap.

Kumatok ako sa kwarto niya pero hindi ko na din naman hinintay na papasukin niya ako dahil parang tulog naman siya.

Nang papalapit na ako sa kama niya ay nakaramdam ako ng hikbi.
Hm. Umiiyak siya?

"Nak? Okay ka lang ba?"
Hindi naman siya sumagot.

"Nak umupo ka nga. Harapin mo 'ko."
Seryoso kong sabi.

Tinanggal niya ang kumot sa mukha niya at umupo sa kama. Nagpahid siya ng luha. Umiyak nga siya.

"Anong problema mo nak?"

"W-wala po m-mom."
Yumuko siya.

"Fly!"
Medyo napataas ang tono ng boses ko.

"M-mom. B-bakit ganun? Iniwan na nga ako ng mga tunay kong magulang. Tapos ngayon malalaman kong wala rin pala akong pag-asa sa taong mahal ko. Bakit ganun mom? Wala na ba akong right maging masaya?"
Nasasaktan ako dahil ramdam kong nasasaktan talaga siya.

"Bakit nak? Sino ba yang swerteng babaeng yan na ini-snob ang pogi kong anak?"
Nagbiro pa talaga ako.

Ngumiti siya ng pilit. Seryoso talaga yata siya sa babaeng tinutukoy niya. Kawawa naman ang anak ko.

"Sino ba siya nak? Kwento mo na. Sakin kapa ba maglilihim?"

"Si ZIN mom. Matagal ko na siyang gusto. Kaya ko nga naging bestfriend si Bryce at Bryle para makapunta ako sa bahay nila. Gusto ko siya mom. Tsss hindi pala. Mahal ko siya."

Si Miss Nievera? Ang ganda naman ng taste ng anak ko. ^____^
Vote na vote ako.

"Oh? Eh bakit? Niligawan mo naba? Binasted kaba nak?"

"Hindi pa po. Hindi pa ako nanliligaw."

"Eh? Bakit sabi mo wala kang pag-asa? Hindi mo pa nga nasusubukan eh?"

Ka pogi-pogi ng anak ko. Torpe? Haha. Basta talaga pag-ibig nagiging torpe ang lalaki.

"May gusto po siyang iba."

Si Zin magkakagusto? Himala ah?

"Kanino?"

"K-kay..."

Ang Lampa kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon