I LOVE YOU BHE :-)

212 5 3
                                    

- Cho's POV

"Hmmm. It's so boring talaga to just stay in the house and do nothing there... sometimes I really regret the fact that I quit school dahil sa barkada, I just tell people that it was due to poverty, financial problems, blah blah blah kaya ako nag stop pero sa totoo lang, tamad talaga ako. isa akong batugang kalabaw (maganda nga lang. char). Ewan, being a 17-year old immature beki really sucks. hindi mo malaman kung ano ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay mo, saan mo gustong pumunta. Basta ako, ang alam ko lang... gusto kong maging masaya. Masayang masaya!!!

Hi :-) It is my very first time to write a story here on wattpad but I do love to create novel for my friends.

Notebook at ballpen pa nga ang gamit ko noon nang nagsisimula ako sa paggawa ng mga akda ko.

I was only fourteen when I started inventing stories na nag click naman sa aking mga highschool mates and friends way back 2003. Shocks!!! That was exactly a decade ago.


ILYBHE:-)

"Nasaan ba si Choooooo?!!! sigaw ng kanyang nanay na hindi maipinta ang pagmumukha matapos madatnan ang nagkalat na hugasin sa kanilang kusina, galing siya sa palengke, tindera ng isda ang kaniyang nanay.

Mula nang mamatay ang kanilang ama ay ito na ang nagtaguyod sa kanilang pamilya. Bunso sa anim na magkakapatid si Cho Medina.

Ang kanilang panganay hanggang sa ikaapat na kapatid niya ay may mga asawa na. Ang sinundan niyang si Diko Ayker na lang at siya ang natitirang single sa pamilya.

Diko Ayker's POV

"hayyy yan na naman siya. alam naman na nasa malalanding barkada niya ang paborito niyang anak, akala mo laging bago nang bago."

Bakit kaya ganun si mama? Paboritong paborito nya yung baklang kapatid ko?

Alam ko naman kahit lagi niyang inuutusan iyun at pinapagalitan, lagi niya rin binibigyan ng pera at regalo kahit walang okasyon.

At hindi niya rin kayang sabayan ang pagkamataray ng baklitang iyon. ganyan lang siya pag wala si Cho. Tingnan niyo mamaya, mabait na yan.

Samantalang ako, porke hindi ganun kalaki ang nai se share ko sa bahay na ito. para akong hangin na wala silang pakialam.

Kung tutuusin dapat nga mas maging paborito ako ni mama kesa kay bakla kasi wala naman naiaambag dito iyun. Bakit hindi pa ako ang naging bunso hmp!!!

Makapag gayak na nga at may gig pa kami mamaya sa Reggaemoon Bar and Resto.

"Hoy umuwi ka na raw!!! Nagagalit na si mama. Yung mga pinagkainan niyo ng mga tropa mo doon nakakalat pa din hanggang ngayon!!!" bungad-paninita ni Ayker sa kapatid na kasalukuyang naka tambay sa tulay at kasalukuyang nagkakakanta sa saliw ng gitara ng isa sa kanilang mga kapitbahay-barkada.

Napalinga sa kanya ang mga kasama ni Cho na nakatambay sa tulay. "Hoooooyyyyy ka din Kwagong sing laki ng mangkok ang mata. Wag mo akong ma hoy hoy sa harap ng maraming tao. Gwapo lang? gwapo? pasikat na naman? Gago tu ahhh!!!"

akmang susugurin ng walang galang na si Cho ang nakatandang kapatid na si Ayker nang pigilan siya ng mga kasama niya.

"Tama na yan Cho, umuwi ka na muna... ikaw tlaga pasaway!!! Patulan ba ang kwago este ang Diko Ayker niya."

si Enirdle na madalas kasa kasama ni Cho, childhood friend at isa sa mga barkadang tunay niya.

Sumunod naman ang mataray na bakla sa kaibigan at umuwi muna sa kanila...

---> Ehem ehem. Pasensiya na sa medyo bitin na update. Gotta pause for Christmas Break. I promise to update pag makaka singit ng time.

Merry Christmas everyone!!!

I LOVE YOU BHE :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon