"Hi, Maine! Long time no see ah! Kamusta? May asawa ka na? Tanong ng pinakakinaiinisan ni Maine na si Gwen sa tanang buhay niya.
"Ha? Uy, Gwen! Ha ah e.. oo meron na! Ang gwapo ng asawa ko alam mo ba!" Sagot niya na hindi man lang kinilabutan sa pagsisinungaling kay Gwen.
"Ah talaga ba? Pakilala mo ako para makita ko kung gwapo nga!"
"Ah busy siya.. alam mo na may mga negosyo.. pero sige pagbalik niya galing sa trip niya sa abroad. Papakilala kita. O paano, Gwen una na ako ha! May pupuntahan pa ako. Ikamusta mo na lang ako kay Drew. Sige ha, nagmamadali ako e, Bye!" dali-dali siyang umalis para di na makasagot pa ang bruhang si Gwen.
Napailing na lang si Gwen kay Maine.
"Nagmamadali? May itinatago? Paano siya nagka-asawa? Di ako naniniwala. Humanda ka Maine, malalaman ko rin ang totoo!" Sa isip nito.
Dumial si Gwen kay Kat..
"Kat! Hello! May asawa na daw si Maine!"
"Ha? Iyun si Maine Mendoza? Duh? Kelan pa? Huy Scoop ito."
"Kailangan makilala ko yun lalaki! Hindi ako papayag na mas gwapo siya kay Andrew ko ano!"
"Pero Gwen, at least di ka na magseselos kay Maine, diba?"
"Excuse me, mas maganda ako sa kanya ano! Kaya nga ako pinili ni Andrew diba. Kaya ako pinakasalan!" Sagot naman ni Gwen.
"Hahaha! Kaya pala! O sige na, tatawag pa ako kay Stacey. Ipagkakalat kong may asawa na si Maine. Sige, Bye Gwen! Paalam ni Kat..
At naputol na nga ang tawag..
"Malalaman ko rin ang sikreto mo Menggay! Alam kong nanloloko ka lang. Humanda ka!" Bulong ni Gwen sa sarili sabay hagalpak ng tawa.
"Miss, okay ka lang? Baliw ka ba? Tumatawa ka mag-isa e!" Tanong ng sekyu sa building kung saan nagkita sila ni Maine.
"Tse! Pakialamero! Wala ka na run!" Inis na sagot ni Gwen.
At tuluyan na itong lumabas at tumungo sa sasakyan nito..
Samantalang si Maine ay naglakad ng mabilis at baka maabutan pa siya ni Gwen. Sa dinami-dami ng makikita niya, yun babae pang iyon! Panira ng araw.
Ng makakita siya ng parke ay naisip niyang umupo muna sa bench sa ilalim ng puno at duon siya nagmuni-muni. Marami siyang naisip. Mga alaala nung bata pa siya. Na nais na niyang malimutan. Napatingin si Maine sa kawalan.
Bumalik sa kanya ang pangyayaring matagal na niyang kinalimutan.
Ang simula ng malungkot niyang buhay...
Iyun ay magmula ng mamatay ang Mommy niya nun Grade 3 siya. Tanda pa niya ang araw na iyon..
15 years ago...
"I'm sorry, but wala na talaga kaming magagawa. Hindi na kinaya ng pasyente yun operation. We've done everything pero hindi na po talaga kaya ng pasyente. Sorry po... I have to go.. Excuse me..."
At yun na, di na kinaya ni Maine ang sinabi ng doctor.
Ilang buwan din nakipaglaban ang Mommy niya sa kanser. Too late na ng madiskubre nila na may Breast Cancer pala ito. Hindi naman sinabi ng Mommy niya na may dinaramdam pala ito. Ang buong akala nila ng Daddy niya ay okay lang ito at healthy. Iyun pala nasa stage 4 Cancer na pala ang Mommy niya. Ipinatatanggal na nila ang left breast nito kaya lang kumalat na pala ang kanser hindi lang sa breast kundi pati sa lungs ng Mommy niya. Napaka malihim kase nito sa kanila. Laging inuuna ang kapakanan ng mag-ama.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
Fanfiction"Hoy, babae! Bakit ipinagkakalat mong asawa mo ako? Ang kapal naman ng mukha mong mag-assume! Di ikaw ang tipo ng babaeng gugustuhin ko! Bawiin mo yun sinabi mo kundi, idedemanda kita!" ----Richard R. Faulkerson Jr. "Excuse me? Hindi ko sinabing asa...